SHOWBITS

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT - - Alex Brosas

REGINE IS HOME

PANALO ang grand welcome fete ng ABS-CBN kay Regine Velasquez.

From network executives Cory Vidanes, Laurenti Dyogi at Deo Endrinal hanggang sa mga employees ay kita ang excitement nang dumating ang Songbird sa bakuran ng Dos para sa contract signing.

Sa dami nga raw ng gustong makakita sa kanya ay halos magsara ang hallway ng network.

RIPPED AND PROUD

NO big deal kay Marco Gumabao ang pagpapakita ng skin.

“Hindi naman. Okay lang sa akin. Ito ‘yung pinaghihirapan namin, in and out sa bahay, sa pagda-diet, I’m proud na ipakita ‘yung hard work na ginagawa namin,” say ng binata na isa sa mga bida sa "Los Bastardos" ng ABS-CBN.

So, how often ba siya kung mag-workout?

“As much as possible, kung walang trabaho I make sure na nagwo-workout ako. Kung kaya everyday, everyday, pero mostly sa diet talaga ako bumabawi. Before, when I was young I was into Muay Thai. Ang cardio ko is basketball pero ang workout ko talaga is bodybuilding.”

ACTION STAR

NAG-ACTION na ang dating child actor na si Nash Aguas sa latest film niyang “Class of 2018."

“Una, natuwa, na-excite, tapos kinabahan. Oh my God, first film mo pala! Pero nanaig ang excitement kasi bagong prod, bagong istorya. Bata pa lang ako gusto ko ang maging action star. Kapag may mga fight scenes ay tuwang-tuwa ako. In a way, itong movie na ito ay na-showcase ang mga fight scenes ko,” say ni Nash.

Of course, medyo nahirapan siya sa ilang fight scenes.

“Sobrang haba po ng action scene tapos one shot. One shot pero kailangan naming ulitin. Medyo struggle po ako kasi hindi mo kailangang ipakita na pagod ka na. kailangang 100 percent lagi ‘yung energy mo,” he adds.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.