Magkano kaya ang dagdag sahod?

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT - ALAN TANJUSAY

MAGSISIMULANG magusap ang wage board kung magkano ang wage increase para sa National Capital Region ngayong araw October 22 hanggang October 26. May P320 wage increase petition ang inihain sa board mula pa noong Hunyo, o noong lumagpas na sa 5 percent ang inflation rate at nagtaasan na ang presyo ng bigas, isda, karne at mga gulay sa mga palengke. Hindi man pwedeng mag-file ng petition dahil sa October 6, 2018 onward pa maaring maghain ng petisyon para sa dagdag sahod, e, bumagsak na ng malaki ang buying power ng sahod, kaya walang magawa ang board kundi tanggapin ang petition. Binubuo ng 7 miyembro ang board—Department of Labor and Employment as chairman, Department of Trade and In- dustry, National Economic Development Authority at four members from labor and employers groups. The board will determine the inflation rate and balance the interests of workers and employers by calculating the buying power of current wage rate and the capacity of micro, small, medium and big enterprises to pay the amount of increase. Dalawang hearing ang gagawin — sa Oct. 24 at 26. So, by the end of the month, malalaman na natin kung magkano ang wage increase. Nauna nang nagsabi ang DOLE na hindi bababa sa P20 ang maaring ibigay. Ang sabi ng gobyerno, hindi pwedeng magbigay ng substantial wage increase dahil magdudulot ng pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Ang sabi naman ng mga employers, maraming malulugi at magsasara na mga kumpanya kapag ibinigay a ng substantial wage hike. Therefore, maraming manggagawa ang mawawalan ng trabaho. Last year though normal ang inflation rate, P21 ang wage hike. Magkano sa tingin ninyo ang taas sahod?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.