NCAA SEASON 94 BEST-OF-THREE FINALS

UNANG KAMPEONATO SA LLYCCEEUM O IKA-22 TITULO PARA SA SSAN BBEEDA

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

Noong isang taon sa NCAA men's basketball tournament ay winalis ng Lyceum Pirates ang lahat ng 18 laro nito sa elims para awtomatikong makapasok sa best-of-three Finals.

Ang San Beda Red Lions naman ay nagtapos na may 16-2 rekord at dumaan muna sa semis para makarating sa championship round kung saan binigo nito ang San Sebastian Stags, 76-71.

Pero sa Season 93 Finals ay di inaasahang nanalasa ang Red Lions na nanalo ng 94-87 sa Game One at 92-82 sa Game Two para masungkit ang ika-21 titulo sa NCAA men's basketball.

Yan ang kuwento noong isang taon.

Umpisa sa Martes, Nobyembre 6, ay magsisimula na ang best-of-three Finals ng NCAA Season 94 at muling maghaharap ang Lyceum at San Beda para sa kampeonato.

Sa pagkakataong ito ay llamadong maituturing ang nagdedepensang kampeong Red Lions na tinapos ang elims na may 17-1 record kumpara sa pumangalawang Pirates na may 15-3 kartada.

Gayunman, may pagkakataon ang Lyceum na makaresbak sa Red Lions at makuha ang kauna-unahan nitong kampeonato sa liga.

“It’s going to be a tough finals’,” sabi ni San Beda coach Boyet Fernandez.

“They (Pirates) had no experience whatsoever in a championship last year. That is the big difference in the coming title series. Now, they won one title under Zarks Burger squad. I know they have learned valuable lessons from that and also during the eliminations, and that will make the finals really tough.”

Head-on sa Season 94 ay may 1-1 record ang San Beda at Lyceum. Sa unang round ng elims ay nanalo ang Pirates, 73-66, pero nakaganti ang Red Lions sa second round, 75-68.

Ang San Beda ay pangungunahan nina Robert Bolick, Clint Dolinguez, Donald Tankoua, James Canlas, Calvin Oftana, Kenmark Carino, Arniel Soberano at Javee Mocon.

Magbibida naman sa panig ng Lyceum sina AJ Perez, Mike Harry Nzeusseu, Mer Jesper Ayaay, Jeffrey Santos, Ralph Tansinco, Spencer Pretta, Reymar Caduyac at ang kambal na sina Jayvee at Jaycee Marcelino.

Matuhog kaya ng San Beda ang ika-22 nitong kampeonato o magpipiyesta sa kauna-unahang pagkakataon ang mga taga-Intramuros?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.