MATINDING RANDOM DRUG TEST SA PULIS IKAKASA

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE -

IPINAG-UTOS ni National Capital Region Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang pagpapaigting ng random drug testing sa mga pulis matapos mahulihan ng droga ang isang bagitong pulis sa loob ng isang club sa Taguig City kamakailan.

Idinagdag ni Eleazar na dapat na magsilbing aral para sa mga police district director sa Metro Manila ang pagkakaaresto kay PO1 Redentor Bautista.

Inatasan din ni Eleazar ang mga Drug Enforcement Units at Counter Intelligence Units na paigtingin ang kampanya sa mga pulis na pusher at user sa NCRPO.

Naaktuhan umano si Bautista, na nakatalaga sa Manila Police District (MPD), na gumagamit ng cocaine sa loob ng comfort room ng Island Palace Club sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Miyerklues.

Dumalo si Bautista sa Halloween party sa club kasama ang kanyang pamangkin.

“The discovery of this addict policeman is a timely wake up call. We should not take anything for granted as [there are] possible police officers and pushers,” sabi ni Eleazar.

Ikinalungkot din ni Eleazar na may mga pulis pa rin na naaaresto dahil sa ilegal na droga sa kabila ng matagumpay na kampanya kontra droga sa nakaraang dalawa at kalahating taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.