ELORDE, 4 PA PARARANGALAN SA WBC ASIAN BOXING SUMMIT

Inquirer Libre - - SPORTS -

LIMANG

Pilipino, kabilang ang dating world champion na si Gabriel "Flash" Elorde ang nakatakdang parangalan sa World Boxing Council (WBC) Asian Boxing Summit at 3rd Women’s Convention na gaganapin sa Nobyembre 16-19 sa Philippine International Convention Center.

Ayon kay Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham “Baham” Mitra, kikilalanin sa naturang event sina boxing Elorde at Pedro Adigue, dating WBC president Justiniano Montano, dating WBC secretary-general Rodrigo Salud at international matchmaker-promoter Lope “Papa” Sarreal.

“Our five posthumous awardees have brought immeasur- able honors to the country through their achievements in boxing and it is only fitting that we honor them again now with the whole boxing world watching us during the WBC convention,” sabi ni Mitra.

Si Elorde ay isa sa pinakamahusay na junior lightweight champion sa mundo. Nahawakan niya ang WBC junior lightweight belt sa loob ng pitong taon at tatlong buwan kung saan 10 beses niya itong matagumpay na naidepensa.

Namayagpag naman Adigue nang mahablot niya ang WBC light welterweight belt mula kay Adolph Pruitt noong 1968..

Sina Montano at Salud naman ang nasa likod ng pagkakabuo ng WBC constitution noong 1967 convention sa Maynila. Bilang dating WBC secretary-general, si Salud ang may akda ng WBC constitution na niratipikahan sa ilalim ng pamamahala ni Montano.

Si Sarreal, na tinaguriang “Grand Old Man” ng Philippine boxing, ay nakapaghubog ng 22 world champion, kabilang na si Elorde, sa kasagsagan ng kanyang karera bilang trainer.

Pangungunahan naman nina WBC President Mauricio Sulaiman, WBC International Secretary at WBC Cares International Chairperson Jill Diamond at WBC Women’s Championship Committee Chairman Malte Muller-Michealis ang three-day convention.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.