IDOL MO, VLOGGER NA RIN

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT - -Janvin Brua, trainee

PARA makilala at maging mabili ang isang produkto ay kailangan ng matinding marketing.

Kaya nga ang ilang mga artista take to social media to expand their brands, promote their projects and products, and to stay relevant. Mas regular ang post sa FB and Insta at mas maraming tweets, mas mabenta sa followers/ fans.

Malawak din ang reach kung video blogs or vlogs ang pakulo ng isang celeb. Pero kailangan ng sipag kung gustong maging vlogger dahil karaniwan, sila ang tumatayong narrator, videographer, at minsan maging video editor. Pwera na lang kung si Kris Aquino ka, who has people who do tech stuff for her.

And speaking of the Queen of All Media...

KRIS AQUINO

Isa si Kris sa mga unang artistang sumubok ng video-sharing platform na YouTube.

She started posting in 2016 sa kanyang YT channel with Maine Mendoza as guest.

Iba-iba ang topics na pinapalabas sa page ni Kris na The Aquinos like travel, sponsored videos, life update, etc. At present, it has 315,000 subscribers.

ALEX GONZAGA

Familynamanang focus ng channel ni Alex. Patok at kwela ang mga palabas ng TV host/actress which features her ate Toni at anak nitong si Seve, boyfriend niyang si Mikee Morada at parents na sina Bonoy at Pinty Gonzaga. Visit her channel: MsAlexGonzaga. It has 1.9 M subscribers.

ANDREA BRILLANTES

Kung iritang-irita ka sa role ni Andrea Brillantes sa TV soap na "Kadenang Ginto," why not watch her aliw YT vids? Mapapanood sa kanyang channel ang kanyang make-up tutorials and collections, travel vlogs, trending challenges, at iba pang vids showing her life outside showbiz.

HEART EVANGELISTA

Highfashion, art at iba pang kasosyalan and family life, kung saan special mention siyempre ang husband niyang si Sen. Chiz Escudero, ang content ng YouTube channel ni Heart.

Kahit last month lang nagsimula ang kanyang YT career ay talaga namang tinatangkilik na siyangpubliko. Shehas a total of 277,000 plus subscribers!

JUDY ANN SANTOS

Sa pangalan pa lang ng YouTube channel ni Juday na Judy Ann's Kitchen ay alam mo na kung anong videos ang tampok dito.

Aside from sharing her passion for cooking, Juday who studied from the International Cuisine in Thailand at sa Center for Asian Culinary Arts, hitik din sa travel vlogs at iba pang ganap ang kanyang channel.

RUFA MAE QUINTO

Up-and-coming pa lang din si Ruffa Mae Quinto with her twomonth career sa YouTube pero she already has over 132K subscribers.

Hilarious at pampagood vibes ang kanyang kickstarter vid sa kanyang page na "Rufa 'Waze' Quinto Auditon Video" dahil sa kanyang take sa navigation app na Waze.

YENG CONSTANTINO

Seven years nang existing ang official YouTube channel ng singer-

songwriter.

Kahit maraming ganap sa buhay ni Yeng, halos every other day ay may bago siyang vlog. Spell dedication. Daig niya ang ibang Pinoy vloggers.

Mapapanood ang vlogs ni Yeng about her life with her husband Yan Asuncion, reaction videos, roadtrips, at iba pa sa kanyang channel na mayroon nang over 606k subscribers.

KRISTEL FULGAR

Kristel got her big break via YouTube after mag-viral ang kanyang covers noong 2016 like Love Yourself, Pakisabi Na Lang, at Secret Love Song with CJ Navato.

After kasing marinig ng public ang boses ng aktres, ang tanong nila sa Star Music ay kailan kaya magkaka-album si Kristel.

Nagbunganamanang persistence ng tatlong singles, one a duet with CJ.

Patuloy pa ring nagtetrending ang covers ni Kristel on her YouTube channel with 474Ksubscribers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.