FUEL SUBSIDY DISTRIBUTION HANGGANG DIS. 15 NA LANG

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

PRAYER:

LORD, Wala akong ibang wish ngayong Pasko kundi ang bumalik sa aming pamilya ang mister ko. Ilang buwan na rin siyang di umuuwi kaya nami-miss na siya ng mga anak namin. Paglinawin mo po nawa ang isip niya para ma-realize niya na mahalaga kaming pamilya niya kesa sa babae niya. Sana rin po ma-realize ng babae na mayroon siyang winawasak na pamilya. Pero kung di na siya babalik, sana ay bigyan mo ako ng lakas na magampanan ang mga tungkulin bilang magulang. Salamat po. Amen.

EXTENDED ang pagbibigay ng P5,000 Pantawid Pasada fuel cards sa mga jeepney drivers.

Ayon Land Transportation Franchising and Regulatory Commission, hanggang Disyembre 15 papayagan ang mga drivers at operators na makuha ang kanilang fuel subsidy - ang tulong ng gobyerno sa mga driver sa mataas na presyo ng diesel.

Papayagan din ng LTFRB na makuha ng mga benepisyaryo ang subsidy sa pamamagitan ng kanilang mga representative.

"In the last two weeks, the LTFRB has started accepting Special Power of Attorney, along with other documents, for beneficiaries who cannot personally claim their cards. The acceptance of SPAs resulted in significant increase in the number of claimants."

Nauna ng sinabi ng LTFRB na hanggang Nobyembre lamang maaaring kumuha ng fuel cards.

Ayon sa LTFRB mahigit sa 66,000 na ang nakakuha na ng fuel cards. Ang target ng ahensya na mabigyan nito ay 180,000.

INQUIRER

ISANG life-size na Belen ang bumabati sa mga residente, motorisa at pedestrian sa Barangay Poblacion, Makati.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.