OPPA OF THE WEEK: GONG YOO

actor

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - - Jefferson Betaizar, trainee

Mas kilala bilang Gong Yoo, si Gong Jicheol ay ipinanganak noong July 10, 1979 sa Busan, South Korea. Nagsimula bilang video jockey sa Mnet noong 2000, nag-debut siya bilang aktor sa TV series na "School 4" noong 2001. Nagtapos with a Bachelor's degree in Theater sa Kyung Hee University. Taong 2005 nang gumanap siya sa kanyang kauna-unahang lead role sa K-drama na "Hello My Teacher" kung saan nakatambal niya si Gong Hyo Jin. Ang romantic comedy na "The 1st Shop of Coffee Prince" made him a hallyu star. Mas nakilala dahil sa mga notable roles sa Silenced, Goblin, Train to Busan, at The Age of Shadows. Maraming award na napanalunan gaya ng Actor of the Year noong 2017 Brand of the Year Awards at Best Actor in an International Film noong 2016 BloodGuts UK Horror Awards. Nang tanungin ng isang Taiwanese fan sa isang press conference kung bakit hindi siya gumagamit ng social media, he said, "I don't like taking selfies. When I go somewhere, I prefer capturing the moment with my eyes rather than taking a photo."

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.