ESPORTS SA 2019 SEA GAMES

Inquirer Libre - - SPORTS -

SIGURO’Y mag-iiba na ang pagtingin ng iba sa paglalaro ng video games lalo na kung gagawin ito sa isang sports event na prestihiyo at gintong medalya ang premyo.

Inanunsyo ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee chairman Alan Peter Cayetano sa press conference noong isang linggo sa Marriot Hotel sa Resorts World Manila na magiging medal event na ang esports sa SEA Games na iho-host ng Pilipinas sa susunod na taon.

"It’s a regular sport and officially we want esport players to be treated like any other athlete in the SEA Games," ani Cayetano.

Tatanggap din ng P300,000 bonus mula sa pamahalaan ang mga esports players na magwawagi ng ginto bilang mandato ng batas.

Sinabi ni Alvin Juban, kasapi ng ad hoc committe na binuo ng Phisgoc para sa SEAG kasama ang bihasang gamer na si Joebert Yu, na anim na gintong medalya ang nakataya para sa mga disiplinang ito: personal computer games (2, console games (2 at mobile games (2).

Una nang kinumpirma ang Mobile Legends Bang Bang na isa sa mga mobile events.

Samantala, sinimulan na noong Biyernes ang one-year countdown para sa 2019 Manila SEA Games sa Bayanihan Park Angeles City, Pampanga.

Dinaluhan ng mga delegado mula 11 kasaling bansa ang seremonya na may temang "We Win As One."

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.