LET'S DANCE

Inquirer Libre - - ENTERTAINMENT - —Janvin Brua, trainee

Boy/girl groups are not a new invention. Beatles and the Supremes noong 1960s are considered as such. Noong 80s, 90s and the naughts ay nagkalat din ang mga ganoong grupo.

Maging ang nga dance groups ay sampu-sampera rin noon. They come out on TV para i-promote ang mga singles ng kani-kanilang mga recording companies. Kaya naman sikat noon ang WEA Dancers, Octoarts Dancers, Vicor Dancers, etc.

For the less ancient readers, narito ang ilan sa mga dance groups na minahal ng masa from the not-too distant past to the present.

MANOEUVRES

Nagsimula sila as WEA Dynamics noong 1985 until they changed it to Manoeuvres in 1989. Nakilala sila sa kanilang pose-and-lock dance moves na kinagiliwan ng kanilang Pinoy fans. Lalo silang sumikat nang gawin silang background dancers ng mga OPM superstars like Gary Valenciano, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Jaya, Side A, Pops Fernandez and Martin Nievera, sa kanilang mga concerts.

UNIVERSAL MOTION DANCERS

Sumikat ang all-male dance group na ito nang maging regular sila sa That's Entertainment noong 1990s. Ang choreographer ng grupo ay walang iba kung hindi si Geleen Eugenio, a member of WEA Dancers. Pinasikat nila ang "Butterfly" dance step para sa "Always" ng Erasure at iba pang choreo para sa "Dying Inside" at "Short Short Man."

Si Wowie de Guzman ang pinakaprominente nilang miyembro.

STREETBOYS

Nilaos ng Streetboys sa kanilang mga death-defying moves ang pa-cute na choreo ng UMD. It also helped na mas maraming gwapo sa grupo nila like Spencer Reyes and Danillo Barrios. Sila ang pioneer dance group ng longestrunning Sunday variety show ASAP, ng ABS-CBN pero once a week noon ay mapapanood sila sa Eat Bulaga ng GMA7. Two of the most popular members of the group ay sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na kapwa mainstays ng noontime show na It's Showtime.

ABZTRACT DANCERS

Sa grupong ito nag-start si Dingdong Dantes at ang mga artista ring sina Arthur Solinap, Dino Guevarra at Sherwin Ordonez. Noong 90s ay they gave theUMDand Streetboys tough competition dahil dagsa rin ang fans nila kapag umaapir sila sa That's Entertainment and Eat Bulaga.

SEXBOMB GIRLS

Sino ba namang hindi napa-"get, get, aww!" sa all-female group na SexBomb? They are known as "The Best-Selling Philippine Female Group of All Time" lang naman. Sila na yata ang most successful girl group sa Pilipinas up to this date dahil na rin sa kanilang iconic songs and drama series na Daisy Siete. Maging sa movies ay nakita nating umarte't umindak ang girls ng SexBomb like Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Aira Bermudez, Evette Pabalan, Sunshine Garcia, Izzy Trazona, Mia Pangyarihan, at Weng Ibarra. Ilan sa mga pinasikat na dance craze ng grupo ang "Spagheti Song", "Bakit Papa?", "Halukay Ube", at "Sumayaw, Sumunod."

VIVA HOT BABES

Controversial man kung maituturing, pasok din sa ating list ang VIVA Hot babes na nagpasikat ng mga kantang "Bulaklak," "Sayaw, kikay," at "Basketbol." Pang-mature ang audience ng grupo dahil sa mga double entendres nilang mga kanta pero that didn't stop kids from singing and dancing with thei tunes.

Ilan sa mga famous members ng group sina Katya Santos, Maui Taylor, Sheree, Gwen Garci, at Andrea del Rosario.

HASHTAG

Sinusundan ng mga millennials, hindi lang ang kanilang mga galaw, kundi maging ang kanilang mga mall shows, guestings, pati na rin ang style sa pananamit. No doubt na isa ang Hashtag sa mga dance groups na forever kakikiligan ng masa. Ipinakilala sila noong sa Gandang Gabi Vice with 11 original members. Dahil sa kasikatan ng group, nadagdagan pa at lalo pang lumaki ang fanbase ng Hashtag. They debut with the single #Hashtag (Show Me) na araw-araw mong maririnig sa radio when it was released. Nasundan naman ito ng hits like Bomba, Game na, at Road Trip. Currently ang Hashtag ay may 16 members kabilang sina McCoy de Leon, Zeus Collins, Ronnie Alonte, Jimboy Martin, Jameson Blake, Nikko Natividad, Ryle Paolo Santiago, Paulo Angeles, Luke Conde, TomDoromal, Maru Delgado, Rayt Carreon, Vitto Marquez, Wilbert Ross, Charles Kieron, at Kid Yambao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.