Liwayway

Agrikultur­a

- Zac B. Sarian

NAKATUTUWA ang maliit na manggahang dinalaw namin sa Taiwan kamakailan sa pag-imbita ng Taiwan Leisure Farm Developmen­t Associatio­n. Ito ang taniman ni Lee Yu Cheng, 49 anyos, sa lalawigan ng Tainan sa gawing katimugan ng islang bansa. Maliit lamang ang lupang tinamnan. Umaabot lamang sa 8,600 metro kuwadrado. Maliliit din ang tanim na mangga. Ang pitong anyos na mga puno ay umaabot lamang sa 6 hanggang 7 piye ang taas. Sadyang pinababa ang taas sa pamamagita­n ng matinding pagputol sa mga sanga (drastic pruning sa Ingles).

Dahil sa pandak ang mga puno, malalapit ang distansiya ng mga tanim. Pawang apat na metro lamang ang mga pagitan. Kaya marami rin ang punong naitanim sa maliit na lupa. At malaki naman ang kita.

Ayon kay Mr. Lee, noong 2016, nakapitas siya sa 6-anyos na mga puno ng naibenta niya sa halagang katumbas ng P1,080,000 sa pera natin. Sa pera ng Taiwan, iyon ay NT$600,000. Inaasahan ni Mr. Lee na pagdating ng ikasampung taon ng kanyang mga puno, maaaring makaaani siya ng 150 bunga bawat puno. Titimbang ang mga iyon ng 40 kilo bawat puno. Kaya maaaring madoble ang kanyang kita pagdating ng panahon na iyon.

Magkano naman ang gastos ni Mr. Lee, noong siya ay nakapagben­ta ng P1,080,00 nakaraang taon? Inuupahan niya ang lupa sa halagang P90,000 sa isang taon. At nakagastos naman siya ng P90,000 sa mga inputs sa pag-aalagang

organikong paraan. Kasama riyan ang organikong pataba, pagsupot sa mga bunga at ang “labor” na ginugol ng kanyang pamilya.

Marami ang nagtatanim ng mangga sa Tainan. At ang paborito nila, kagaya ni Mr. Lee, ay ang Ivan barayti. Ito ay bagay na gawing pandak ang puno. Hindi nagtatampo. Matingkad na pula ang bunga kaya ito ay kaakit-akit sa merkado. Masarap din ang lasa. Wala ang tinatawag na “lasang gamot”. Kung ikumpara sa manggang kalabaw natin, mas makapal ang balat ng Ivan kaya mas matibay sa pagbiyahe. Mas matagal ang tinatawag na “shelf life.”

May bentahe rin ang pag-aalaga ng mga mababang puno. Madaling makita kung sakaling may mga insekto o di kaya sakit na pumipinsal­a sa mga tanim. Mas madaling bombahin ng organikong pestisidyo ang mga puno kung kailangan. Mas madali rin ang pagbalot ng mga bunga upang hindi pinsalain ng mga insekto. At mas madali rin ang pagpitas ng mga magulang na bunga.

Hala. Ito ang isang ehemplo ng isang magsasaka na umuupa lamang ng maliit na lupa pero malaki ang kanyang kinikita.

 ??  ?? Si Lee Yu Cheng at kanyang mga dwarf Ivan mango na nakasupot ang mga bunga.
Si Lee Yu Cheng at kanyang mga dwarf Ivan mango na nakasupot ang mga bunga.
 ??  ?? Ang may-ari ng sakahan na si Lee Yu Cheng habang ipinapakit­a ang hinog na bunga ng kanyang Ivan mango.
Ang may-ari ng sakahan na si Lee Yu Cheng habang ipinapakit­a ang hinog na bunga ng kanyang Ivan mango.
 ??  ?? Ang maliliit na mga puno ng Ivan mango sa Tainan, Taiwan.
Ang maliliit na mga puno ng Ivan mango sa Tainan, Taiwan.
 ??  ?? Si Calem Ngan (kanan) ng Taiwan Leisure Farm Developmen­t Associatio­n habang ipinapakit­a ang bunga na kanyang napitas. Kasama niya ang may-ari ng sakahan at anak nito. Sa likuran si Jane Chen.
Si Calem Ngan (kanan) ng Taiwan Leisure Farm Developmen­t Associatio­n habang ipinapakit­a ang bunga na kanyang napitas. Kasama niya ang may-ari ng sakahan at anak nito. Sa likuran si Jane Chen.
 ??  ?? Si Zac B. Sarian at ang napitas niyang bunga para sa kanyang sarili.
Si Zac B. Sarian at ang napitas niyang bunga para sa kanyang sarili.
 ??  ?? Si Jane Chen, travel agent, hawak ang hinog na bunga na kanyang napitas.
Si Jane Chen, travel agent, hawak ang hinog na bunga na kanyang napitas.
 ??  ?? Si Ena Jane Javier at ang namumungan­g may tatlong taon nang Ivan mango.
Si Ena Jane Javier at ang namumungan­g may tatlong taon nang Ivan mango.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines