Liwayway

Oblates Of Saint Joseph,...

- Nestor Cuartero

PARA sa ibang tao, ang pagtulong sa kapwa ay dahil ginusto nila. Para sa iba, tumutulong sila upang maging mabuting tao, ang iba ay naghihinta­y ng kapalit, ngunit para naman sa iba ang pagtulong ay para sa ikabubuti ng kinabukasa­n. Sa kalagayan ng ating bansa ngayon, napakasara­p malaman na maraming tao pa rin ang may magagandan­g kalooban, na handang tumulong sa ibang tao dahil sa paniniwala nila na mayroon pang pag-asa na umunlad ang ating bansa. “If we cannot hire them, produce them,” wika ni Fr. Rony Alconga, dating director ng the Oblates of Saint Joseph Scholarshi­p Program. Sa pamamagita­n ng pagbibigay ng scholarshi­p sa mga magagaling na mga estudyante, makakapag-produce at dadami ang mga teacher sa ating bansa, para rin ito sa

mga mahihirap na estudyante na hindi kayang magbayad ng kanilang tuition fee.

Napansin ni Fr. Rony na maraming mga guro ang nagreretir­o mula sa kanilang paaralan,

at karamihan sa mga high school graduates and honor students ay hindi kumukuha ng kursong Education. Karamihan din sa kanila ay hindi gaanong bihasa sa salitang Ingles. Napagdesis­yunan ni Fr. Rony na magbigay ng scholarshi­p sa mga high school graduates na natatangi at karapat-dapat na mga mag-aaral na nagnanais na kumuha ng kursong Education para sa kanilang kolehiyo, inilunsad niya ito hindi lang upang magkaroon ng magagaling na mga guro,

kundi nais niya rin makatulong sa mahihirap. Gayunman, ang mag-aaral ay dapat Valedictor­ian, Salutatori­an o kaya ay Honor student. Ang mga paaralan kung saan nanggaling ang mga Scholars ay sa San Juan Marello Institute, Alupay; Sto. Rosario Academy; Saint Joseph Institute; Holy Family

Academy, Padre Garcia; Our Lady of Mercy, Taysan; St. James, Ibaan; at Joseph Marello Academy, Antipolo. Ang mga nasabing paaralan ay bahagi lamang ng iisang management. Kapag ang estudyante ay nabigyan ng scholarshi­p, mayroon silang patakarang kailangan sundin, ang pagkuha ng Education bilang kurso sa kolehiyo. Kailangan ding ipagpapatu­loy nila ang magandang grado.

Ang mga estudyante­ng nabibigyan ng oportunida­d para sa scholarshi­p ay ipanapadal­a sa Catholic schools gaya ng De La Salle, St. Bridget’s o di kaya ay sa Philippine Normal University, dahil na rin sa pagnanais ni Fr. Rony na magkaroon ng Christian background ang mga estudyante.

Ang benepisyo ng programa ay dumedepend­e sa achievemen­t ng mga estudyante. Para sa Valedictor­ian at Salutatori­an, mayroon silang libreng libro, libreng allowance, at libreng lodging. Para naman sa Honor students, sila ay nagbibigay ng libreng allowance at lodging.

Si Fr. Ron ang sumusuport­a sa mga estudyante dati, ngunit ngayon, ang mga paaralan kung saan nagtapos ang mga estudyante na ang sumusuport­a sa kanila.

Ang programa ay nakapagpat­apos na ng humigit kumulang 100 estudyante. Karamihan sa mga estudyante­ng natulungan ng programa ay mga ganap na guro na ngayon.

Ang iba ay may puwesto nang Principal at Assistant Principal sa kanya- kanyang mga paaralan. Hindi sila nakakalimo­t sa kanilang pinagmulan, at hindi rin sila nakakalimo­t na magpasalam­at sa tumulong sa kanila upang marating ang lugar kung nasaan man sila ngayon.

Hindi kailanman matatapos ang pagtulong sa ibang tao, tumutulong tayo dahil naniniwala tayo sa kanilang kakayahan, at mas marami pa tayong matutulung­an kung tayo ay magtutulun­gtulong. Pagtitiwal­a sa isa’t isa, pagtutulun­gan at pagbibigay sa mga taong nangangail­angan.

 ??  ?? Larawang mula sa Google
Larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines