Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

KILALA niyo ba kung sino sa mga naging Pangulo ng Pilipinas na nagsimula ang karerang politikal sa pagiging Kapitan ng isang barangay? Sa edad na 17, itinalagan­g Cabeza de Barangay (barangay

captain) ng Binakayan sa Cavite de Vieje (Kawit na ngayon), ang kinikilala­ng unang Presidente ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo.

Maituturin­g na pinakabata­ng naging Kapitan ng barangay si Aguinaldo noong panahong iyon sa pananakop ng mga Kastila. K ILALA si dating Pangulong Corazon “Cory“Aquino sa kanyang “trade mark“sa pagsuot ng mga damit na kulay dilaw. Pero alam niyo ba na hindi dilaw ang kulay na kanyang unang naging paborito.

Si Aquino, mas kilala sa tawag na “Tita Cory” ang kauna–unahang babae na naging lider ng bansa. Nagsimulan­g mapalapit sa kanya ang kulay dilaw matapos irekomenda ng kanyang mga kaibigan ang awiting “Tie A Yellow Ribbon" para sa pag– uwi ng kanyang kabiyak na si dating Senador Benigno “Ninoy“Aquino, Jr.

Na–exile sa America si Ninoy dahil sa pagiging kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Agosto 21, 1983 nang umuwi sa Pilipinas si Ninoy. Ngunit pinaslang siya sa tarmac na dating Manila Internatio­nal Airport na ipinangala­n sa kanya.

Ang kulay dilaw ay nagsilbing kulay ng protesta sa pagpanaw ni Ninoy. Matapos magluksa at pagsusuot ng mga itim na damit, nagpasya si Tita Cory na gawing dilaw ang kulay ng kanyang mga kasuotan.

SGeneral Alfredo M. Santos ang kauna-unahang 4–star general ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Tatlong taon siyang naging Chief of Staff. Isang civil engineer si Gen. Santos na nagtapos sa Mapua Institute of Technology bago naging sundalo. L -oOoUMUBOG ang MV Princess of the Stars noong Hunyo 21, 2008 sa kasagsagan ng bagyong Frank (Internatio­nal name Typhoon Fengshen) sa San Fernando, Romblon. May sakay na 825 pasahero ang barko ng ito ay lumubog at 52 lamang sa mga ito ang nakaligtas. Umabot lamang sa 312 katawan ang narekober kaya't maraming pamilya ang naghihinag­pis dahil hindi na na-recover ang bangkay ng kanilang kaanak. Ang barko ay pagmamay–ari ng Sulpicio Lines. Ito ay ginawa ng Ishikawaji­ma – Harima Heavy Industries Co. Ltd. Aio, Japan noong 1984. Ang una nitong pangalan ay MV Perry Lilac of Shin Nihonkai. Umalis ang MV Princess of the Stars sa Port of Manila noong Hunyo 20, 2008 patungong Cebu.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines