Liwayway

Nasaan Ang Forever (2)

- Ni NERI JEDELIZ

Neri Jedeliz

(IKA-2 NA LABAS)

UNANG bumaba ng tingin ang babae makaraan ang ilang saglit ng kanilang pagtititig­an. Parang naaalimpun­gatan din si Ray na huminga nang malalim.

“Teka muna, di ko pa pala naitanong ang pangalan mo, Miss,” nawika ni Ray. “Sino ka?”

“Ako si Ana, este, Liza pala,” tugon ng babae.

“Teka, ano ba talaga, Ana o Liza? Baka Analiza.”

“Okey, ako si Ana. Ana Brillantes. Sure na ‘yan.”

“Bakit, kangina’y di ka

sure?” “Sure na nga. O, ano tapos

na ang interview?”

“Madali na lang. May itatanong pa ako. Ang ganda mo, matangkad. Marahil 5’ 7” ang height mo. Naranasan mo na ba ang sumali sa beauty

pageant? Mukhang pamilyar sa akin ang pagmumukha mo.” Muling masusing tinitigan ni Ray ang kaharap. “Napasali nga ako noon sa

Miss Philippine­s. Pero second runner up lang ako. Minalas akong nadisgrasy­a.” “Anong nadisgrasy­a?” “Nadulas ako nang rumampa sa stage. Nahulog ako sa hagdan. Buti’t mababa lang. Tatlong step lang. Pero napaupo talaga ako sa semento.” “Buti’t di ka nasilipan.” “Paano masilipan? Naka

two piece bathing suit kami. Meron pang pang-ilalim na panangga. Isang makipot na bikining itim.”

Napangiti si Ray. Kumuha siya ng isang maliit na writing pad at ballpen, iniabot sa babae. “Sige, isulat lang ang pangalan mo at adres, pati

ang cellphone number mo o landline. Tatawagan na lang kita,” sambit ni Ray.

“Pasado ba ‘ko?” “Na ano?” “Na maging perfect wife mo?” “Sabi ko, tatawagan na lang kita. Marami pa ang nag-aaplay. Baka naman meron pang mas maganda at mas seksi kaysa sa ‘yo. Ipa-CI pa kita.”

“Ano, CI? Credit Investigat­or? Aba, parang umuutang lang ako ng pera sa bangko nito. Marami palang red tape. Kung alam ko lang, di na ako nag-apply.” “O, bakit nag-apply ka?” “Ang totoo, tapos ako ng Psychology sa University of California sa Amerika. Nais ko lang malaman ang laman ng utak ng kagaya mong gustong lang pala mag-aasawa’y magpapaanu­ns’yo pa sa diyaryo.” “O, ano ang findings mo, me topak ba ako sa ulo?” “Malamang.” “Miss, este, Ana, kung me topak ako sa ulo, di sana ako naging abogado. Kaya konting tiis muna. Mas’werte ka kung kayo ang mapili ko.” “Bakit?” “Aba, tingnan mo nga naman ang porma ko, di ba, para akong si Piolo Pascual.” “Anong Piolo, sa tingin ko sa iyo, para kang si Babalu.” Di napigilan ni Ray ang bumitiw ng isang malutong na halakhak.

“Okey, isang tanong na lang. Halimbawa’y kayo ang mapili ko, handa ka bang pasasakal, este, pakakasal sa akin?”

“Kayo po naman ang tatanungin ko, Mister. Handa ka rin ba pasasakal, este, pakakasal sa akin pag pumayag ako?” “Tingnan natin.” “Pambihira kang lalaki. Mukhang tamad kang manligaw. Dinadaan mo na lang sa pagpaanuns’yo sa diyaryo.”

“Well, moderno na tayo ngayon. Me nagkatuluy­an nga na sa internet lang nagkakilal­a. Me nag-asawahang sa pamamagita­n lang ng text. Sabi mo’y curious ka lang. Kung gayo’y di ka

serious. Paano na lang kung kayo ang mapili ko?” “Tingnan natin. O, p’wede nang umiskapo?” Isang sulyap lang ang sinagot ni Ray. Tumayo na ang babaeng nagpakilal­ang si Ana, nakangisi.

“Hihintayin ko ang tawag mo, my perfect husband. Maraming salamat, naaliw din ako. Hi! Hi! Hi!”

Muling inalalayan ng maid na si Juday si Ana palabas. Ilang saglit pa’y bumalik na. “O, ano, tatawag pa ‘ko ng isa?” anang maid. “O, bakit, meron pa?” “Aba, walang tigil ang dating. Mukhang lahat ng mga palaboy sa kalye’y naririto na. Naubos na ang isang drum na tinimpla kong orange juice,” nakatawang sambit ni Juday.

“Huwag na. Kalokohan itong ginawa ni Mama na pagpapaanu­ns’yo ng wanted perfect wife para lang ako makapagasa­wa. Sige, pauwiin mo na ang mga nasa labas. Sabihin mong me makuha na ‘ko. Huwag mo nang papasukin ang mga darating pa. I-lock mo ang gate. Pakawalan mo ang dalawa nating malalaking aso na Doberman para di sila makapasok.” Tumalikod na si Juday. Ilang saglit pa’y bumalik. “O, wala na sila?” tanong ni Ray. “Wala na. Sabi ko’y me nakuha ka na.” “E, anong sabi nila?” “Me pumadyak. Me umiyak. Lokohan lang daw ‘to.” “Lokohan nga itong ginawa ni Mama. Sino ba namang matinong babae ang pupunta rito na magseryoso? Ang iba’y nag-apply dahil curious lang. Nais lang makipaglar­o. Kaya, nakipaglar­o rin ako sa interview. Parang di ako abogado. Sa bagay naaliw din ako.” Napatawa si Juday. “Pero sayang ‘yong isa,” nawika ni Juday. “Sinong isa?” “’Yong nagpakilal­ang si Ana. Aba, nakapagand­a niya. Mestisa, Maputi at makinis ang kutis. May height.”

“Di ‘yon serious. Siya pa nga ang nagsabi na curious lang siya, sapagkat isa pala siyang psychiatri­st, doktor ng mga baliw. Nais lang daw niyang makita ng personal ang hangal na lalaki na nagpaanuns’yo ng wanted perfect wife. Ewan kung magkikita pa kami.” “Kung halimbawa’y seryoso siya, pakakasala­n mo?” “Sabi nang di ‘yon seryoso. Kalimutan na natin sia.” Tumayo na si Ray upang magbihis. Pupunta pa siya sa kanyang bupete at may hearing pa siya sa salas ni Judge Espinosa. Nang makabihis, tinungo ang kanyang kotse sa garahe at sumakay. Siya na mismo ang nagmamaneh­o ng kanyang kotse.

Ilang saglit pa, binabaybay na niya ang kahabaan ng matrapik na EDSA. Di sinasadya’y naalaala niya ang babaeng aplikanten­g si Ana. Talagang maganda ito. Puwede nang magiging misis niya pag nagkataon. Naibigan niya ang humor nito. Subalit ang nakakuha talaga ng kanyang pansin ay ang kilos nito. May kislap ng lungkot sa mga mata nito. May hiwaga. Sayang, di niya nahingan ito ng larawan. Kung humingi kaya siya, magbibigay kaya ito?

Sino ba talaga si Ana?

MATAPOS makadalo sa hearing, dumeretso na si Ray sa kanyang bupete. Naabutan niya ang chubby niyang sekretarya na may hawak na cell phone. “Ano, panay naman ang text mo dahil sa wala ako, ‘no?” pabirong bati ni Ray sa kanyang sekretarya.

“Hindi po. Ngayon nga lang po ako nakahawak ng aking cell phone.”

“Sus, ngayon lang daw. Kung di ko pa alam na addict ka sa cell phone. Magtatanon­g ka lang ng ulam sa bahay ninyo’y magte-text ka pa. Hayun, may kalyo na ang dulo ng iyong mga daliri.” “Si Sir naman. Ito lang ang kaligayaha­n ko. Kung wala akong

cell phone tila di ako mabubuhay.” “Noong araw, wala namang cell phone, nabuhay din ang lahat.”

Umupo na si Ray sa kanyang swivel chair. Itinago naman ng kanyang sekretarya na si Celia ang cell phone nito at nakangitin­g hinarap ang computer. Sanay na siya sa kanyang boss na mahilig sa sermon, pero ang totoo’y napakabait ng kanyang boss, niregaluha­n pa nga siya ng cell phone noong nakaraang Pasko. Kahit nagtatalak ang kanyang boss pero di naman ito galit. Kaya masasabi niyang spoiled pa nga siya sa kanyang boss. Nang bigla, napaigtad ang sekretarya na binalingan si Ray. “Sir, tumawag nga pala si Atty. Villanueva. Bukas daw po kelangan ka sa Baguio City. Me bago daw kayong kliyente. Isang businessma­n sa Baguio. Bukas daw ang kumperens’ya ninyo.”

Si Atty. Oscar Villanueva ang siyang namamahala ng kanilang law firm na Villanueva and Associates sa Baguio City. Body-body talaga sila ni Atty. Villanueva at magklase sila sa UP

College of Law. Sabay pa silang pumasa sa board. “A, biglaan naman ‘yan. Pero tawagan mo siya na darating ako. Hapon na siguro ako makakarati­ng.” “E, ano, magsasara na tayo ng office?” tanong ng sekretarya. “Bakit?” “Upang makauwi ka ng maaga. Di ba dapat madaling-araw ka pa bukas aalis patungong Baguio?”

“Naks, ikaw talaga. Basta off, ang bilis mo. Sige, closing time na.” Tumayo na rin si Ray at iniligpit ang kanyang mga gamit.

Sabay rin silang lumabas ng kanyang sekretarya. Madali lang naman isara ang kanilang opisina. Patayin lang ang lahat ng ilaw at hilahin ang sliding door, klik, sarado na.

Bago umuwi, dumaan muna si Ray sa isang fast food at kumain. Wala pa naman alas singko ng hapon. Binuksan niya

 ??  ?? “Sabi nang di ako si Ana. Di Ana ang pangalan ko.”
“E, sino po kayo?” Kung nahiwagaan man si Ray sa una nilang pagkikita ni Ana, lalo lamang siyang nahiwagaan sa muli nilang pagkita.
“Sabi nang di ako si Ana. Di Ana ang pangalan ko.” “E, sino po kayo?” Kung nahiwagaan man si Ray sa una nilang pagkikita ni Ana, lalo lamang siyang nahiwagaan sa muli nilang pagkita.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines