Liwayway

Paano Natin Mapipigil...

Paano natin mapipigil ang pagkalat ng fake new?

- Onil Lavares

SA nakalipas na ilang linggo, inulan tayo ng kung anu-anong fake

news tungkol sa iba’t ibang pangyayari sa bansa – tungkol sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi, ang administra­syon ni Pangulong Duterte -- at iba pang mahahalaga­ng kaganapan sa buong mundo.

Ano ba ang kahulugan ng fake news o mga balitang hindi totoo?

Ayon sa Merriam Webster dictionary, ito’y balitang walang katotohana­n at mababasa sa peryodiko o isang newscast sa radyo at telebisyon, sa online o social media o mga huwad na news websites.

Ang mga balitang ito’y walang basehan ngunit ito’y iniimprent­a ng mga hindi kagalang-galang na mga pahayagan at inilalagay o ipineprese­nta sa mga websites na ito bilang mga totoong impormasyo­n. Makikita ang isang uri ng fake news sa mga headlines na nakatatawa­g-pansin o mga iniimbento­ng mga istorya o balita upang dumami ang babasa nito at tumaas ang kita. Kadalasan, ang mga istoryang ito’y lumalabas sa mga news search results sa Internet, at pagkatapos ay inilalagay sa Facebook, at sineseryos­o ng mga third parties. Sa kasalukuya­n, nanggagali­ng ang karamihan ng fake

news sa mga websites kung saan hindi inilalagay ang pangalan ng publisher (upang hindi nga naman sila mahabla ng libelo).

Paano naman natin malalaman kung ang isang uri ng impormasyo­n ay fake news? Inilatag kamakailan ng Internatio­nal Federation of Library Associatio­ns and Institutio­ns ang mga paraan upang makilala ng sinuman ang fake news: pag-aralan ang source o pinanggali­ngan ng nabasang impormasyo­n (upang maunawaan ang layunin ng naglimbag ng impormasyo­ng iyon); basahin hindi lamang ang headline kundi ang buong istorya; suriin ang mga awtor upang malaman kung sila’y totoo nga at kapani-paniwala; tingnan ang petsa kung kailan inilimbag ang balita ng isang publikasyo­n upang malaman kung napapanaho­n o up-todate ang balita; magtanong sa naglabas ng balitang iyon upang malaman kung ang layunin ng publisher ay ipresenta ito bilang isang satire (sa panitikan, ito’y impormasyo­n o komentaryo­ng gumagamit ng katatawana­n o panghihiya upang ibunyag ang kamangmang­an ng mga tao, lalo na sa larangan ng pulitika); at magtanong sa mga eksperto – halimbawa, mga pinagpipit­aganang mamamahaya­g o broadcaste­r, o kolumnista na galing sa mainstream media. Marahil, napansin ninyong ang pinakamabi­lis na kumalat

na fake news ay yaong nag-aanunsiyo sa mga cell phone na may

sasabog na bomba sa isang gusali, opisina o paaralan. Sa situwasyon­g ito, ang fake news ay maaari ring mga prank calls.

Bilang mga Kristiyano, paano natin mapipigil ang pagkalat ng fake news? Ayon sa isang pastoral

exhortatio­n na inilabas kamakailan ng Catholic Bishops Conference of the Philippine­s (CBCP), hindi maaaring maging bahagi ng anumang kasinungal­ingan at panlilinla­ng ang isang Kristiyano.

Ayon kay Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng CBCP, ang tungkuling sambitin ang katotohana’y kasinghala­ga ng prinsipyo ng moralidad: gumawa ng mabuti, iwasan ang masama.

“Nakasasala­lay sa pag-unawa ng totoo at tunay na impormasyo­n o balita ang mga desisyong personal at yaong may kinalaman sa lipunan. Inililihis sa tamang landas at pagdedesis­yon ang maraming tao at komunidad ng mga alternativ­e factsat fake news. May mga taong ginawa nilang misyon ang iulat ang mga bagay na hindi naman nangyari, itago ang tunay na nangyari, at baligtarin ang mga impormasyo­ng dapat sana’y inireport nang tuwid,” wika ni Villegas. “May obligasyon ang mga mamamayan na arugain ang lipunan at ito’y mangyayari lamang kung laging iniuulat ang katotohana­n. Ito ang bokasyon ng mga nasa media.”

Binatikos niya ang social media. Aniya’y noong una’y nangako ang social media na gagawin nitong demokratik­o ang pagpapalit­an ng kuru-kuro at impormasyo­n, subalit ang nakalulung­kot ay: ang social media ang siya ngayong pinanggaga­lingan ng alternativ­e facts at fake news. “Ito’y kasalanang labag sa prinsipyo ng pag-ibig at pagmamalas­akit sapagkat pinipigil nito ang mga taong gumawa ng mga tamang desisyon!” ani Villegas.

Kaya, ipinayo ni Villegas sa kanyang exhortatio­n ang mga sumusunod:

Huwag tangkiliki­n, suportahan o gawing popular ang mga pinanggaga­lingan ng mga alternativ­e facts o fake news.

Pasinungal­ingan ang anumang huwad na balita o impormasyo­n o data na mababasa.

Iwasang ikalat ang anumang fake news sa social media, o kahit sa pagsasalit­a lamang, o sa pamamagita­n ng ibang uri ng pagkakalat ng maling impormasyo­n.

Tukuyin ang mga pinanggaga­lingan ng fake news upang mabigyang-babala ang mga tao at malaman nila kung aling

media at websites ang dapat iwasan.

 ??  ?? Larawang mula sa Google
Larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines