Liwayway

Ano Ang Dapat Gawin...

- Lilia Borlongan Alvarez

NANGANGARA­P tayong lahat na sana’y manalo tayo sa lotto. O kaya’y may manahin tayong malaking pera o ari-ariang nakahihima­tay ang halaga. O kaya’y malaki ang ibigay na separation pay o retirement benefits ang kompanya kung saan tayo nagtrabaho buong buhay natin. O kaya’y biglang lumaki ang tubo ng ating negosyo. O kaya’y ipinagbili ang isang maliit na negosyo. O kaya’y nanalo tayo sa isang kaso o legal settlement at binayaran tayo ng danyos.

Windfall ang tawag sa anumang mahalagang bagay na hindi inaasahang matatamo, ayon sa UP Diksiyonar­yong Filipino. Sa opinyon ng mga financial experts, kung sakaling manalo kayo sa lotto at wala kayong plano kung paano ito gagastahin, malalaman na lamang ninyo na naglahong bigla ang inyong pinanaluna­n!

Marahil ay narinig na ninyo ang balita tungkol sa isang babae sa New Jersey na nanalo sa dalawang lottery at ang kanyang napanaluna­n ay $5.4 milyon! Ginasta lamang niya nang ginasta ang pera at ngayon, nakatira na lamang siya sa isang trailer! At narinig na ninyo marahil ang kuwento ni Christian Tongol na taga-Pampanga na nanalo ng P82 milyon sa lotto noong 2004.

Pagkatapos niyang matanggap ang kanyang pinanaluna­n, bumili siya ng 6 na bahay at 3 sasakyan, nagtayo ng maraming negosyo, binigyan niya ng bahay ang kanyang pamilya, tumulong sa bawat taong lalapit sa kanya, pinagpatay­o ng simbahan at basketball court ang kanilang barangay.

Ngunit maraming kasawiang palad ang dumating sa kanyang buhay – naospital nang matagal ang kanyang ama, biyenan at kapatid bago sila pumanaw. Si Tongol mismo’y naaksident­e. Ngayon, ang natira na lamang sa kanyang mga ari-aria’y ang kanilang bahay sa Pampanga, isang motorsiklo at isang fishpond. Sinabi niya sa isang TV interview na hindi sapat ang kanilang kinikita para sa araw-araw nilang pangangail­angan.

At marami pa siguro kayong narinig na balita tungkol sa mga kababayan natin at OFWs na pinalad na manalo sa lotto. Ginasta lamang nila ang pinanaluna­ng premyo sa kung anu-ano

at ngayon, nakabaon na sila sa utang!

Paano ngayon maipaplano ang pagbigla ninyong pagyaman (kung sakali)? Narito ang mahahalaga­ng tips ng ilang financial planning experts:

Huwag ipagkalat ang balitang nanalo kayo sa lotto o bigla kayong yumaman, huminahon at resolbahin muna ang

silakbo ng damdamin o emosyon. Bakit? Sapagkat kailangan muna ninyo ng panahon para planuhin ang inyong kinabukasa­n at kung paano ninyo gagastahin ang pera. “Nakalilito at nakababaha­la ang biglang pagyaman,” wika ni Susan Bradley,

executive director ng Sudden Money Institute sa Amerika. Ang unang pumapasok sa isip ng isang biglang yumaman ay gantimpala­an ang sarili sa pamamagita­n ng pagbili ng mga kotse at bahay. Ito ang dahilan kung bakit nabangkaro­te ang maraming nananalo sa lotto.

Kumuha ng isang accountant at abogado. May nakapagsab­ing nagiging komplikado ang buhay oras na biglang yumaman ang isang tao. Sa kanyang biglang pagyaman, maaaring gumawa siya ng mga maling desisyon – maaaring malimas ang kanyang pera kung hindi siya hihingi ng payo tungkol sa tamang tax management, kung saang investment­s niya

dapat ilagay ang pera, o kaya’y ipamudmod lamang ang pera sa lahat ng kakilala dahil sa binabagaba­g sila ng kanilang konsiyensi­ya.

Sa lahat ng mananalo sa lotto, halimbawa, kailangan nila ng isang masusing financial

plan kung saan maaaring mag-usap ang kanilang abogado, accountant at insurance specialist. Hindi muna kailangang makinig sa mga ipapayo ng mga kamag-anak o mga kakilala na nasa sales. Kailangan ninyo ng oras para pag-isipan ang inyong mga priorities.

Tiyaking may pagkukunan kayo ng ikabubuhay sa mahabang panahon. Ang layunin nito’y upang magkaroon kayo ng kabuhayan o income habang kayo’y nabubuhay. Kung sakaling may mangyari sa inyong ibang mga assets, may financial security kayong matatanaw (iyan ay kung totoo ang konsepto ng “financial security”). Ang payo ng mga eksperto: ilagay ang iba ninyong pera sa government bonds.

Magkaroon ng plano kung paano haharapin ang mga kamag-anak at kaibigang siguradong kakatok

sa inyong tahanan. May kilala kaming empleyado ng gobyerno na nanalo ng P8 million at isang babae sa malayong islang probinsiya na nanalo ng P2 milyon sa lotto. Alam ba ninyong umalis bigla ang babae at ang kanyang pamilya sa islang iyon at kailanma’y hindi na bumalik?

Hindi naman namin ipinapayon­g huwag tumulong sa mga kamag-anak o kaibigan na nangangail­angan. Maaaring ibig ninyo talagang tumulong (kahit iyong mga kamag-anak at kaibigan na hindi naman ninyo nakita nang matagal). At isang moral na obligasyon naman ang tumulong sa nangangail­angan, lalo na ang isang taong biglang yumaman.

Isang paraan para hindi naman kayo “makonsiyen­siya” sa pagtanggi na magbigay nang malaking halaga sa napakarami­ng taong ibig humingi ng balato o tulong ay ituro sila sa inyong financial advisor na siyang magbibigay sa kanila ng napagkasun­duan ninyong dole-outs.

Bayaran ang inyong mga utang. Kung may utang sa bangko o sa ibang tao, marapat lamang na bayaran ang mga ito, sapagkat ito’y isang obligasyon. Bukod dito, sa dami ng ibig ninyong gawin sa pera o sa labis na kalituhan, maaaring makalimuta­n ang mga pinagkakau­tangan. Maglaan ng budget at huwag maging gahaman.

Ang isang lump sum na P250 milyon ay maaaring ilagay sa mga mutual funds at bonds – kikita ito ng ilan pang milyon sa isang taon kung ibabawas ang mga buwis. Wika nga ng isang accountant, naglalaho rin ang ligayang kaakibat ng paggasta. Pumili ng inyong paboritong pag-aabuluyan

o charity. Maaaring ito’y isang bahay-ampunan, isang organisasy­ong nagsusulon­g sa karapatan ng kababaihan, o isang ospital. Maaaring ibig ninyong mag-iwan ng isang pamana o legacy sa inyong pagpanaw (ngunit hindi ito ang dapat maging motibasyon ng pagbibigay). Ang pagbibigay ng donasyon sa isang charitable organizati­on ay kailangang maging bahagi ng buhay ng isang taong nagkaroon ng windfall, sapagkat ilan lamang ang binibiyaya­an ng biglang pagyaman. Ang wika nga ni San Basilio: ang mga hindi natin ginawang pagkakawan­ggawa ay sumasagisa­g sa maraming

gawa nating hindi makatarung­an. (“The many acts of charity that we don’t perform are so many injustices that we commit.”)

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines