Liwayway

Tips Para Sa Personal...

- Marilyn Arayata

GAANO kataas ang safety consciousn­ess ng mga Pilipino? Ano ang safety tips and practices na ipinapaala­la ninyo sa isa’t isa sa pamilya, bonding ng magkakaibi­gan, at maging sa social media? Marami tayong dapat matutuhan at ma-review kung kaligtasan lang din ang pag-uusapan. Sa totoo lang, napakarami­ng aksidente at krimen ang maiiwasan kung magiging mas maingat at mapagbanta­y ang bawat isa.

Narito ang ilang dapat tandaan para sa iyong personal safety, lalo na sa mga kababaihan - ano man ang edad.

1. Maging alerto at mapagmasid sa paligid. Sinasabi sa mga ulat na kadalasang ang tina-target ng mga snatcher ay ang mga tao na nakatutok sa kanilang gadget, maski sa paglalakad. Hindi na nila namamalaya­n ang taong sumusunod sa kanila panay ang tingin, at kumukuha lang ng tiyempo para maagaw ang mahalagang gadget. Ang kawalan din ng pagbibigay pansin sa nangyayari sa paligid at mabagal na paglalakad – lalo na kung nag-iisa - ay nagiging dahilan upang ang isang tao ay pagtangkaa­n ng rapists o ng kidnappers. Sa mga nagdadala ng sasakyan, bago pumunta sa parking lot ay hawakan na ang susi. Hindi ligtas kung sa labas ka pa maghahanap ng susi sa bag mo.

2. Iwasan ang paglalakad at pagtakbo sa mga madidilim at masusukal na lugar – mga daan na natatakpan ng makakapal na halaman, at walang gaanong tao (kahit pa sa araw). Magkaroon ng gym buddy at travel companion. Ipaalam sa mga mahal sa buhay kung saan pupunta at kung sino ang kasama. Kung hindi naman matuloy ang lakad, ipaalam din. Maraming taon na ang nakararaan ay namatay ang anak na babae ng isang kilalang pulitiko sa isang sunog sa bahagi ng kanilang bahay. Ang akala ng mga kapamilya ay nasa isang coffee shop ang kanilang anak, kasama ang kapatid nito, pero sa kung anong dahilan ay hindi tumuloy ang anak na babae sa coffee shop. Mahalaga na i-check ang ating mga kapamilya – lalo na ang mga matatanda, may kapansanan, may sakit, at ang mga namumuhay na mag-isa.

3. Iwasang makipagkit­ang mag-isa sa mga taong nakilala lang sa social media. Marami sa kanila ay hindi gumagamit ng tunay nilang pangalan at litrato. Ilan na ba ang mga babaeng nawala, naabuso, at napatay dahil sa pakikipagk­itang magisa sa mga nakilala lang sa Facebook? Huwag ding ibigay ang mahahalaga­ng personal na impormasyo­n, pati kung nag-iisa ka lang sa bahay o walang tao sa loob ng bahay!

4. Kung totoo na nag-iisa ka lang, magkaroon ng paghahanda kung sakaling may intruder. Mayroon ka bang nakahandan­g cell phone na may charge at load para makahingi ng tulong? May masasamang loob na pinuputol ang kable ng telepono (landline) – kaya mas okay kung may cell phone. Paano kung pinakialam­an ang kuryente o tinanggal ang bombilya? May flashlight­s ka ba na nakalagay sa mga takdang lugar at mabilis na makukuha kapag kailangan? Meron ka bang whistle na puwedeng gamitin pang-signal, panghingi ng tulong? Kung nanghihina ka, paano ka makakasiga­w?

5. Gumamit ng malakas na windchime (puwede ring gumamit ng door alarm) para tumunog kapag may nagtangkan­g magbukas ng pinto. Kapag nakinig ka sa mga taong tinatawag na safety experts, mari-realize mo na mas okay na ang maging handa kaysa magulat na lang at malagay sa panganib. Kung mataas ang safety consciousn­ess nating mga Pilipino, ilang krimen at aksidente kaya ang puwedeng naiwasan at maiwasan? 6. Kung may budget, makatutulo­ng ang closed circuit

television (CCTV) camera para maging ligtas sa masasamang loob. May CCTV camera man o wala, malaki ang maitutulon­g ng dagdag na pinto, dagdag na lock, pagtsi-check kung naka-lock, at tamang pagtatago ng mga susi. Nasaan ang mga susi, at alam ba ng mga bata ang tamang paggamit? Napakalung­kot na namatay sa isang sunog ang ilang miyembro ng isang pamilya kahit na mayroon silang grills na puwede naman sanang nabuksan, pero naka-lock! Baka kailangan din ng dagdag na ilaw sa ilang bahagi ng bakuran.

7. Ipinapayo ng mga eksperto na ibahin ang routine at mga dinadaanan para hindi maging madaling mapagplanu­han ng mga may masasamang balak. Kapag fixed ang oras ng pagpasok sa trabaho halimbawa, may kahirapang gawin ito – pero ano mang adjustment ay maaaring makatulong, lalo na kung sa palagay mo ay may pangangail­angan. Ipaalam sa mga awtoridad kung may banta sa iyong seguridad. Alamin din ang mga insidente na kailangang ipa-blotter sa pulisya.

8. Iwasan ang pagsusuot ng magarbong damit, agaw-pansing alahas, at paglalabas (pagdi-display), maging pagkukuwen­to na marami kang ari-arian at cash. Para ka na ring nag-imbita sa snatcher, magnanakaw, at kidnapper kapag ganyan ang style. Bantayan ang mga personal na gamit at huwag iiwan ang bag – laging hawakan, (ipulupot ang strap sa braso kung mayroon) kahit sa restaurant­s. Siguraduhi­n ding naka-zipper ang bag, at alam mo na, ang backpack ay kailangan nakalagay hindi sa likod, kundi sa harap!

9. Huwag magpapapas­ok ng taong hindi mo lubos na kilala sa bakuran at tahanan, lalo na kung mag-isa ka. May mga kriminal na nagpapangg­ap pang kaibigan o kamag-anak, nagiimbita­ng sumama ang bata o teen-ager para makapagpap­alit at makapagbig­ay ng cash. May mga nagpapangg­ap na taga-inspect ng LPG, taga-kumpanya ng kuryente, tubig, at telepono at kunwari ay may kailangang i-check.

Hindi lang ang paligid at ang mga gamit ang dapat ingatan. Bantayan din ang drinks mo at huwag iwanan maski saglit. Huwag tumanggap ng inumin mula sa iba, lalo na kapag nasa isang date sa bar – maaaring may maihalong droga o pampahilo/ pampatulog sa inumin. Maganda rin kung maiiwasan ang mga katulad na lugar, maging ang paglalasin­g.

10. Ipaalam sa iyong pamilya kung may nananakot sa iyo, kung may napapansin kang kakaiba, kung may nagmamatya­g sa paligid, hindi pamilyar na sasakyan na paikot-ikot o nakatigil nang matagal, at isang taong maraming tanong tungkol sa

schedule, ruta, at mga pinupuntah­an/ginagawa ng iba. Sa panahon ngayon na high tech at organized na ang mga masasamang loob, marami silang naiisip na modus para makapambik­tima. Ingatan ang iyong sarili at manatiling updated sa mga balita. Seryosohin ang safety tips sa artikulong ito. Isipin din kung ano pa ang dapat mong gawin at ikonsidera para manatiling ligtas sa tahanan man, sa paaralan, sa trabaho, sa mga gimikan, at sa mga lansangan.

 ??  ?? Larawang mula sa Google
Larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines