Liwayway

Buhay Na Alaala

- Armando T. Javier

SA pakikisama, wala na sigurong maipipinta­s kay Dopoy. Madali siyang hingan, pera man iyon o pabor, palibhasa’y galing din siya sa wala. Kung may inuman sa kanyang mga kapitbahay, nakikiinom siya kapag tinagayan at nagpapabil­i rin ng alak o pulutan. Sa ganoong paraan, wala siyang nakakaaway. Kabatian niya pati mga tanod sa barangay.

May anim na buwan na siyang nangungupa­han sa Brgy. Bulanggugo mula nang palayasin siya’t ipagtabuya­n ng pamilya ni Cornelia. Tinanggal din siya sa trabaho—foreman siya sa pabrika ng sabong pampaligo—na ang may-ari ay ang kanyang bayaw, ang nakatatand­ang kapatid ni Cornelia.

“Hindi mo man lang kami binigyan ng kahihiyan,” galit na sabi ni Lauro. “Gagawa ka rin lang ng kalokohan, dito pa sa pabrika—sa empleyada natin…!”

Namalagi siyang nakatungo, wala siyang maisagot. Guilty siya. Hindi naman niya puwedeng idahilan na kasalanan ni Encar, ang babaeng trabahador nila. Sinadya siya sa opisina nang tanghaling iyon at nanghihira­m sa kanya ng pera.

“Sige na naman, Ser Dopoy, kailangang­kailangan ko lang. Nag-text ang kapatid ko, ilalabas daw nila sa ospital ang nanay ko, kulang pa’ng pambayad…” Napakamot sa kanyang batok si Dopoy. “Magkano ba’ng kailangan mo?”

“Five thousand ho.” Magdadahil­an sana siya pero nakatambad sa kanya sa pagkakaupo ni Encar ang bilugang mga hita sa suot na unipormeng palda’t blusa. At beinte uno anyos lang si Encar. Napilitan siyang lumabas ng pabrika at mag-withdraw ng pera.

Sa pangunguta­ng lang mabilis si Encar; sa bayaran, pahirapan. Maraming dahilan. Iniiwasan pa nga siya sa pabrika kung minsan.

“O, Encar, kumusta?” Minsan ay nagkasalub­ong sila sa CR.

Napalunok-laway. “K-Kapos pa rin ako, Ser Dopoy. Nahihiya na nga ako sa inyo…”

“Sige. Naitanong ko lang naman. Ibalik mo na lang pag nakaluwag ka.”

At lumikwad pa ang mga araw. Nangangala­hati na ang kontrata ni Encar nang magyayang uminom. Babawi siguro sa kanya. “Bakit? Ano’ng okasyon?” “Wala naman. Gusto ko lang kayong painumin…”

Hindi sila nagsabay sa paglabas sa pabrika. Pinauna niya si Encar at sumunod na lang siya sa address nito. Nangungupa­han

lang pala si Encar. Dalawa sila sa isang kuwarto pero ang kahati nito sa upa, panggabi ang pasok. Lady guard daw.

Inaasahan niya na may kainuman pa sila. Isang malaking bote ng brandy ang binuksan ni Encar. Nakapagpal­it na ng uniporme, naka-shorts at t-shirt na ngayon. Muling natambad sa kanya ang bilugang mga hita. “Me inaasahan ka pang bisita?” “Wala. Tayo lang talaga. Treat ko ‘to sa inyo…” Naglabas din si Encar ng nakasupot na mani, maanghang na pusit at kropek. Natilad na ang biniling yelo, nasa isang mangkok. Idinulot sa kanya kasama ang dalawang baso.

Sinalinan niya ng alak ang kanyang baso, sinalinan din at dinamihan niya ang salin sa baso ni Encar. “Hindi naman siguro tayo nagtitipid?” “Hindi nga ho!” Napahagikh­ik si Encar, lumitaw ang mga ngiping mapuputi at wala pang sira. Lumitaw rin ang dimples sa magkabilan­g pisngi.

Mahigit sa dalawang buwan na lamang ang nalalabi sa kontrata ni Encar. Isa iyon sa paksa ng usapan nila.

“Magre-renew na lang uli ako. Hindi ako p’wedeng mawalan ng trabaho. Bread winner ako sa ‘min sa Laguna…” “Sige, ako’ng bahala. Tingnan ko’ng magagawa ko…” Maliit na babae si Encar pero proporsiyo­nado naman ang katawan. Mabilog sa mga parteng dapat na mabilog at makurba sa mga parteng dapat na makurba. Matatambok ang pisngi na tila kay sarap na pisilin. Suwerte ng boyfriend.

“Wala na nga akong boypren,” nakangitin­g sabi nang magtanong siya, “pinagtagua­n na ‘ko matapos na masimsim ang aking bango!” “E, mabango ba naman talaga…?” “Lagi naman…!” at napahalakh­ak sa sariling biro. Tila sanay na sa berdeng biruan si Encar. Nasanay siguro sa naunang pinagtraba­huhan. Samantala’y nakakarami na sila ng naiinom, bahagyang nangangapa­l na ang kanyang pisngi at dumudulas na ang kanyang dila. “Pa’no ‘yan kung malasing ako’t mag-black-out?” “Di dito ka na matulog. O baka takot kang mapalo ng misis mo? Me taym kard ka ba sa bahay?”

“Wala—at hindi rin ako ander…!” Iyon ay sabi lamang niya. Maykaya sina Cornelia, nakatira sila sa bahay ng mga biyenan niya, de-numero ang kilos niya kapag nasa bahay at kaharap ang biyenan niyang lalaki.

“’Yon naman pala e di walang problema.” Sinalinan pa ng brandy ang baso niya. Nilingon ni Dopoy ang malapad na pandalawah­ang kama. “Tabi tayo…?” Sa halip na sumagot, kinurot siya ni Encar. “Ikaw, ha…?” Naubos ang brandy at naroon na sila sa sitwasyon na walang ibang patutunguh­an kundi magtabi sila sa pagtulog. At siya’y hindi naman patay na lukan. Nakatutuks­o ang kasariwaan ni Encar. Ginagap niya ang palad nito at hinagkan. Muling natambad sa kanya sa pagkakaupo nilang magkatabi sa gilid ng kama ang bilugan at makikinis na mga hita. Muli siyang napatakam. “Seryoso ka na p’wede akong matulog dito?” Tumango sa pagkakatun­go. “T-Tabi tayo…?” Nag-angat ng tingin at ngumiti. “K-Kung gusto mo…” “Gusto ko!” Tuluyan niyang niyakap si Encar, inapuhap ng kanyang mga labi ang mga labi nito at buong kasabikang nagpatibuw­al sila sa kama.

Isang gabi iyon ng kaligayaha­n na nagbubunti­s ng komplikasy­on. Nabalita sa pabrika na nagdadalan­g-tao si Encar, at dahil wala namang nababalita­ng boyfriend, at siya ang malimit na nakikitang kausap at kasalo sa pagkain, napako sa kanya ang paghihinal­a.

Nakarating sa kanyang bayaw, kay Lauro, ang balita. Ipinatawag si Encar, pinaamin. Lalong lumabo ang inaasam na renewal ng kontrata nang mapilitang magsabi nang totoo.

Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Kinumpront­a siya ni Cornelia, nakihalo ang kanyang bayaw at biyenan, at bago mag-alsa-balutan si Cornelia patungong Singapore, nakipaghiw­alay sa kanya. Nasunod ang kagustuhan ng ama na antimano’y tutol sa kanya. At siya, si Dopoy, ay nawalan ng trabaho’t asawa. Nauna nang pinaalis sa pabrika si Encar, hindi na hinintay na matapos pa ang kontrata. Binayaran na lamang ang nalalabing araw sa kontrata nito. Iwas sa eskandalo. Hindi na sila nagkausap pa. Umalis na rin sa inuupahan. Ang balita niya’y umuwi sa Laguna.

PAANO siya magsisimul­ang muli? Sales agent siya nang makilala sa birthday party ng misis ng kanyang hepe sa sales department si Cornelia, na isang tumatandan­g dalaga. Beinte nuwebe siya noon, kakisigan pa. Pinangahas­an niyang ligawan si Cornelia sa sulsol na rin ni Mr. Zosimo, ang kanyang boss.

“Rodolfo, pag ‘yang si Cornelia Zabarte ang napangasaw­a mo, asensado ka. Kami naman ang paiinumin mo!” naniningki­t ang mga matang sabi habang kaumpok nila sa mesa at umiinom ng alak.

Nilingon nga niya si Cornelia, na kausap ng misis ni Mr. Zosimo na dati nitong kaklase sa kolehiyo: papalapad na ang katawan, may mga gatla na rin sa noo, na naikukubli lamang ng make-up, kumikislap ang mga hikaw at kuwintas, at ang deklaseng bag ay katumbas ng suweldo sa loob ng isang taon ng isang pangkarani­wang empleyado.

Naging tulay niya sa panliligaw si Lilibeth, misis ni Mr. Zosimo, sa utos na rin siguro ng mister. Kapag may lakad ang magkaklase, itinitimbr­e sa kanya ni Lilibeth. Magugulat pa si Cornelia na siya’y kasama. Binibigyan sila ni Lilibeth nang pagkakatao­ng magkasaril­inan. Sabihin pang ‘binakuran’ niya si Cornelia. Nang lumaon, sila na lamang ang nagde-date. Wala raw nanliligaw kay Cornelia, sabi sa kanya ni Lilibeth. Nagaalanga­n sa estado nito sa buhay—at siguro’y sa napapabali­tang pagka-matapobre ng ama. Hindi siya kailangang sagutin ni Cornelia, nagkaintin­dihan na lamang sila. Patunay ang pagpapalip­as nila nang gabi sa resort sa Pampanga pagkagalin­g sa casino.

Nasundan ang minsan—hanggang sa isang araw ay ibalita sa kanya ni Cornelia ang hinala nito na siya’y buntis. Ngunit sa halip na mangamba, masaya ito sa posibilida­d na maging ina. Humarap sila sa ama ni Cornelia, kay Nereo Zabarte, na isang malaking lalaki, makapal ang bigote at matalim kung tumingin.

“Magpapakas­al kayo?” nakaismid na sabi. “At ano’ng mapapala mo sa ahenteng ‘yan, laway?”

“’Pa, hindi na ako menor-de-edad. Lampas-lampas na nga ako sa kalendaryo…” At saka sinabi ni Cornelia ang kanyang kalagayan.

Mahahaba at malalalim ang buntunghin­inga ni Mr. Zabarte, at lalong tumalim ang pagkakatin­gin sa kanya.

“Matatangga­p ko’ng magiging anak mo,” sabi kay Cornelia, “pero hindi ang lalaking ‘yan…!”

Nagsama sila ni Cornelia nang walang kasal. Saka naman dinatnan nang buwanang dalaw ang kanyang ‘misis’. Pero subo na si Cornelia, hindi na makaiiwas pa. Gusto na rin siguro siya.

Nang magkita uli sila ni Mr. Zosimo, at mabalitaan ang nangyari, abot-tainga ang ngiti ng kanyang hepe. Nang sumunod na gabi, lumabas sila kasama ni Lilibeth. Kapwa sila lasing ni Mr. Zosimo nang sila’y maghiwalay.

Pinag-resign siya ni Cornelia sa trabaho at ipinakiusa­p sa

Hindi masabi ni Dopoy kay Rusty na ang tinitipuha­n nitong babae ay naanakan niya at naging dahilan ng paghihiwal­ay nilang mag-asawa at nang pagkakasib­ak niya sa pabrika…

 ??  ?? Humarap sila sa ama ni Cornelia, kay Nereo Zabarte na isang malaking lalaki, makapal ang bigote at matalim kung tumingin.
“Magpapakas­al kayo?” nakaismid na sabi. “At ano’ng mapapala mo sa ahenteng ‘yan, laway?”
Humarap sila sa ama ni Cornelia, kay Nereo Zabarte na isang malaking lalaki, makapal ang bigote at matalim kung tumingin. “Magpapakas­al kayo?” nakaismid na sabi. “At ano’ng mapapala mo sa ahenteng ‘yan, laway?”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines