Liwayway

Magluto Tayo

- Mareng Lena

SUBUKIN naman natin ang dalawang paraan ng pagluluto ng pansit.

PANSIT CHAMI

MGA SANGKAP: 1 pack ng miki noodles (naaayon sa dami ng kakain ang laki ng pack na bilhin) ½ kilong laman ng manok (buhat sa pitso) pakuluan at hiwain nang maliliit ¼ kilong maliliit na hipon (alisan ng ulo at balat) ¼ kilong atay ng manok, linisin at hiwa-hiwain 3 pulang siling macopa (bell pepper), hiwain nang maninipis 1 sibuyas, hiwain nang maliliit 2 kutsarang toyo 2 kutsarang oyster sauce 2 kutsarang asukal (brown) ½ puswelong sayote, hiwain nang maliliit ¼ puswelong carrot, hiwain nang strips ¼ puswelong chicharo 3 butil ng bawang, pitpitin 1 kutsaritan­g paminta Mantika

PARAAN NG PAGLULUTO:

I

GISA sa bawang at sibuyas ang manok. Isunod ang atay ng manok at hipon. Pakuluang saglit. Timplahan ng toyo. Ihulog ang sayote at carrot. Isunod ang oyster sauce.

Lutuin dito ang miki noodles. Tiyaking sapat ang sabaw upang maluto (iwasang lumabsa ang noodles.) Higit na pasarapin sa pamamagita­n ng pampasarap mix.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines