Liwayway

Paano Kita Mamahalin?

- Ni GILDA OLVIDADO

(IKA-40 NA LABAS)

SA narinig na pag-amin ni Tristan na tungkol kay Anne ang nalaman ni Aling Mila kaya umalis ito sa Maynila na napakasama ng loob, at nagbunga sa atake sa puso na ikinamatay nito, labis na galit ang sumabog kay Lorea.

“Ano’ng karapatan ninyong pasamain ang loob ng aking ina? Hindi na ba kayo naawa? Nagpunta siya doon, lumunok ng pride dahil sa akin ... sana man lang, hindi n’yo na sinabi sa kanya ang masyadong masakit. Nawalan ako ng ina dahil sa inyo!”

“Sara, hindi sa akin nanggaling ang desisyon na ‘yon. Ni hindi ko alam. Kung ako lang siguro ang direktang nakausap ng nanay mo, hindi ko ‘yon sa kanya sasabihin. Ang kailangan kong sabihan

about Anne ay ikaw lang. Dahil ang isyu na ito ay para sa ating dalawa,” punongpuno ng pagpakumba­ba ang paliwanag ni Tristan.

“Walang paliwanag na makakabuha­y pa sa aking ina! Puwedeng mawala sa akin ang lahat, nobyo, anak ... huwag lang ang aking ina!”

“Sara ... huwag mo namang idamay si Anton sa galit mo.”

“Bakit, hinuhusgah­an na rin lang ako tungkol sa batang ‘yon, wala na akong pakialam ano man ang iisipin mo sa akin bilang ina!”

“Kaya ako nagpunta dito para pag-usapan ang dapat pag-usapan.”

“Patay na ang nanay ko, wala nang dapat pag-usapan! Umalis ka na! Huwag ka nang magpakita!” “How about Anton? Ang akala ko pa naman, napamahal na sa iyo ang anak mo.”

“Matagal ko na siyang inalis sa buhay ko. Wala na akong dapat balikan. Isang malaking pagkakamal­i ang pagtatagpo ng aming landas,” matigas na sagot ni Lorea.

“Gusto kong isipin na galit ka lang kasi ngayon. Patawarin mo kami sa pagkamatay ng iyong ina. Sana, hindi ito magiging dahilan para magsara ka ng pinto. It should be that this tragedy will open a road for us to talk things. To try to understand the situation. And to open our hearts ... I’m willing to open my heart again, Sara.” Napaismid si Lorea. “Inamin mo na ngang may iba ka na tapos sasabihin mo ‘yan sa akin? Ngayon pa na galit na galit ako sa inyong pamilya? Tapos na ang lahat, Tristan. Ipagpatulo­y mo na lang ang buhay mo kay Anne. At si Anton naman, may pamilya na siya. Iyon na talaga ang pamilya niya. Hindi ko pangangara­pin kailanman na magkakaroo­n uli kami ng kaugnayan. Pakisabi kina Thelma at Dino na kanilang-kanila na ang bata. Wala silang ipag-aalala dahil wala ako kahit katiting na planong kunin uli ang bata sa kanila.”

Napakunot-noo si Tristan. “Dapat ko pala talagang itanong kung anong klase kang ina? Lorea, handa naman akong makinig sa explanatio­n mo. Handa naman akong magbigay ng patawad kung hihingiin mo iyon. Pero bakit ikaw pa ang matayog? Are you sure of what you are telling me?”

“Wala akong pag-aalinlanga­n sa mga sinabi ko. Tanggapin mo na lang. Dahil iyon ang mga katotohana­n. Umalis ka na sabi!”

Tiimbagang na tumayo si Tristan, hindi pa rin magawang pumunta sa pinto ng simbahan.

Lumapit siya sa kabaong. Pero tumayo si Lorea at pinigil siya.

“Wala kang karapatang tingnan ang bangkay ng aking inang kayo ang pumatay.”

“That is nonsense, Lorea. Namatay ang ina mo dahil iyon ang nakatakda. Ginawa niya ang ginawa niya. Walang dapat sisihin.”

“Huwag mo nang sirain ang pagluluksa ko, Tristan. Pabayaan mo na kami. Kung aalis ka, pabor iyon na ibibigay mo sa akin.” “Pati ba pagbibigay ng huling respeto sa Nanay mo bawal?” “Para sa akin, para iyang sugat na binudburan mo pa ng asin. Kung may kunsens’ya ka, umalis ka na.”

Napailing na lang si Tristan. Napilitang sumunod. Lumabas na sa simbahan.

Nagbubulun­gan ang mga tao habang nakasunod ang tingin sa kanya.

“Nobyo yata, ‘no? Ang guwapo. At nakakotse. Ibig sabihin, mayaman.”

“Mukha namang galit na galit sa kanya si Lita. Pinalayas pa. Kakaiba ang kuwento ng dalawang ‘yan, kapana-panabik siguro.”

“Ano’ng kapana-panabik? Malungkot ‘kamo. Nakikita natin na iyak nang iyak si Lita, o.”

“Inatake sa puso sa barko ang nanay niya, may kinalaman kaya ang nobyo niya kaya galit na galit si Lita?”

“Napakahira­p hulaan ang buong kuwento. Basta makiramdam na lang tayo. Baka babalik pa ang guwapong ‘yan.” Puno ng kapaitang lumapit si Lorea/Sara sa kabaong ng ina. “Inay, kayo naman kasi, pumunta pa kayo sa kanila, iyan ang napala ninyo, iniwan ninyo ako nang biglaan. Hindi na kayo dapat nakiusap, Inay. Okay lang naman, e. Kahit nawala sa akin si Tristan, si Anton ... sana nandidiyan ka pa rin. Kasi ngayong wala ka na, ngayon ako natatakot na baka hindi ko makaya.”

At napahagulh­ol nang malakas si Lorea/Sara. Napasigaw sa tindi ng lungkot na nararamdam­an. “Inaaaaay!” Narinig ito ni Tristan na naglalakad pero hindi pa nakakalayo sa maliit na simbahan. Parang sumakal sa puso niya ang ganoong klaseng iyak. Ng babaeng hindi pa rin lubusang nawawala sa puso niya.

NASA hotel si Tristan, hindi makatulog.

Tumunog ang kanyang celfone. Ang Kuya Dino niya.

“Nandidiyan ka pa rin? Inaasahan namin umuuwi ka na.”

“Hindi ko pa siya maiwan, Kuya. Namatay ang kanyang ina dahil sa atin.”

“What? Si Aling Mila, patay na?”

“Nakaburol. Ang payatpayat na ni Lorea, hindi umaalis sa tabi ng kanyang ina. Galit na galit siya sa atin. At naiintindi­han ko ‘yon.” “Ano ba ang nangyari?” “Inatake si Aling Mila habang sakay ng barko galing diyan sa atin. Nasaktan siya nang husto.”

“Sa mga sinabi namin na totoo naman?”

“Ganyan ba talaga ang dapat kong marinig mula sa iyo, Kuya Dino? Sana, sorry ka man lang kahit konti.” Natigilan ang nasa kabilang linya. Nang muling magsalita, malungkot na. “Wala kaming planong maatake sa puso ang ina ni Lorea. Ang mga sinabi namin ay walang ganoong hangarin. Kung puwede nga lang bang hindi siya masasaktan. Dahil matanda na siya, nag-alala rin naman kami na baka hindi niya makayanan.”

“Hindi matanggap ni Lorea na nawala ang nanay niya. She is very vulnerable now.”

“Tristan, pabayaan mo na si Lorea. May iba ka nang nobya. Mali naman kung you will jeopardize your relationsh­ip with your formal girlfriend.”

“Mali rin kapag umalis ako at pabayaan na lang kahit ano ang mangyari kay Sara. She could do anything. My worst fear is ... a suicide.”

“Bihira naman ang mga taong magpapakam­atay dahil may pinagdadaa­nan. Tristan, don’t give too much. Isipin mo rin ang kapakanan mo. Kay Anton. Kami ng ate mo. Lalo na si Anne.” “Kuya Dino, hayaan mo na muna ako ngayon. I can’t leave yet. Hindi pa muna.” Napabunton­ghininga na lang si Dino, halatang pinipigil lang ang inis.

“I’ll be calling you again, Anton. Sige. I’m giving you some more space.”

“Thank you, Kuya Dino.” Pinutol na niya ang linya. Nang muling nag-ring ang kanyang celfone. Sinagot pa rin naman ni Tristan kahit inis na. “Hello, Kuya

Dino ... hindi ba puwedeng saka mo na lang ako kulitin? I’m trying to think how to

help Sara!” “This is Anne, Tristan.” Natigilan si Tristan. “A-Anne. Ikaw pala ...” “Nalaman ko na from your family that you want to mourn with your ex. Dahil namatay ang kanyang ina.”

“Anne ... I have to tell you this ... namatay ang ina ni Lorea dahil sa amin. Naatake sa puso dahil nasaktan sa mga nasabi ng aking Kuya Dino at Ate Thelma.” “And so you’re paying for that guilt. Ayaw mo nang umalis diyan.” “Gusto ko lang na nandidito ako hanggang sa mairaos ni Sara ang paglibing sa kanyang nanay.” “Tristan! Give a financial help! Iyon ang kailangan nila!” “Hindi. Walang perang hinahangad si Sara.” “But that’s what she needs. Hindi ikaw.” “I have made my decision to stay here.”

“At hindi ko na mababago ‘yon?”

“I’m sorry.”

“Okay. Sige, payag na ako na diyan ka muna.” Nagulat naman si Tristan sa pagpayag ni Anne. “You’re serious, right?” “I am. Saan nga ba ‘yang exact place na ‘yan?” Clueless naman na ibinigay ni Tristan ang eksaktong address ng kinaroroon­an. “Salamat, Anne. Alam kong hindi buo ang loob mo sa pagpayag na mag-stay muna ako dito. But I’m still glad that you’re allowing me.” “Hindi kita pipilitin sa ayaw mo. See you, Tristan.” “Thanks again.”

Hindi man lubos na naintindih­an kung bakit bigla na lang pumayag si Anne sa desisyon niyang manatili muna sa lugar nina Sara, nakahinga pa rin nang maluwag si Tristan. “So while I’m still here, I’ll help secretly,” sabi niya sa sarili.

NAPAIDLIP si Lorea habang nakaupo sa silyang katabi ng kabaong ng ina.

May marahang gumigising sa kanya. “Lita ... Lita, kumain ka muna. Napakasara­p na sopas ang naluto namin, o.” Naamoy nga ni Lorea ang mabango na sopas. “May manok at may mga gulay ito. Niliit-liit namin ang laman ng manok. Kahit ito lang, makakaraos ka na.”

“S-saan po kayo kumuha ng mga niluluto ninyo, Aling Sepa? Halos wala namang nakapag-abuloy, di po ba? At naiintindi­han ko naman ‘yon kasi mahirap lang talaga tayong lahat dito.”

“Naku, huwag mo nang intindihin ‘yon. Basta makakaraos tayo. May nagbibigay naman, e.”

Sa sarap ng amoy, nakaramdam ng gutom si Lorea. Siguro nga, naghahanap na talaga ang kanyang sikmurang hindi na nalalamnan mula pa kahapon.

Magana niyang kinain ang sopas. Natuwa naman si Aling Sepa. Pati ang mga kapitbahay na nakikipagl­amay.

Naaawa na sila sa kapayatan ni ni Lorea. Halos liliparin na ito ng hangin.

May natutuwa rin habang palihim na nakamasid mula sa likuran ng maliit na simbahan.

Si Tristan. Ang bawat pagsubo ng sopas ni Lorea ay parang nakakatuwa­ng tanawin. Para bang siya ang nabubusog.

Lumapit sa kanya si Aling Sepa. “Naku, Sir ... mabuti naman ho at napakain ko na ang batang ‘yan.”

“Salamat ho, Aling Sepa. Salamat sa inyong lahat dito at pumayag kayo na popronta para sa aking pagtulong ng palihim muna sa kanya.”

“Alam naman naming napakabait ninyo, Sir e. At dama namin na ... mahal na mahal ninyo siya.” Malungkot na tumango si Tristan. “Sana nga maaayos pa kami.” “Bakit, Sir ... napakatind­i ba talaga ng problema?” “Malalim. Masyadong malalim. Pero gusto ko pa ring umasa. Pareho kaming nakatali sa aming sitwasyon.”

PAG-UWI ni Tristan sa tinutuluya­ng hotel, nabigla siya sa naratnan. “Anne?!!” (ITUTULOY)

 ??  ??
 ??  ?? “Wala kang karapatang tingnan ang bangkay ng aking inang kayo ang pumatay.”
“Wala kang karapatang tingnan ang bangkay ng aking inang kayo ang pumatay.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines