Liwayway

Mga Payo Ni Dok

“METABOLIC SYNDROME”: NAGBIBIGAY-DAAN SA PAGKAKAROO­N NG DIABETIS

- Ni LUIS P. GATMAITAN, M.D

MAAARING narinig niyo na ang terminong ito pero baka di niyo masyadong nabigyang-pansin dati. Kapag sinabi nating “syndrome,” tumutukoy ito sa grupo o koleksiyon ng iba’t ibang kondisyon ng katawan na sa unang dinig ay aakalain mong hindi magkakaugn­ay. Pero kapag nagkasama-sama at lumabas sa iisang tao, may lalabas na ugnayan ang mga ito sa isa’t isa.

Bakit mahalagang pag-usapan ang “metabolic syndrome”? Ito ay sapagkat kapag meron ka nito, sinasabing itinataas nito ang panganib mo na magkaroon ng diabetis ng limang doble at ng sakit sa puso ng dalawang doble. Kapag mayroon ka ng

metabolic syndrome, nilalabana­n ng ating mismong mga selula ang hormonang insulin (mahalaga ang insulin sapagkat ito ang nagsasabi sa ating katawan na i-absorb na ang blood sugar). Kapag walang insulin o kulang ang insulin sa ating katawan, hindi natin maa-absorb ang sugar na nagsisilbi­ng sustansiya ng ating mga blood cells. Maiiwang nasa sirkulasyo­n lamang ng dugo ang mga sugar molecules, nakatambay roon, at hindi makapasok sa loob ng ating mga selula. Kapag tuloy sinuri ang ating dugo, lalabas na mataas ang blood sugar level kasi’y naiwan lang silang nakatambay sa sirkulasyo­n at hindi nakapasok sa loob ng mga blood cells. Sa tulong lamang ng insulin kung kaya’t nakapapaso­k sa blood cells ang ating mga sugar molecules.

Sinasabing may “metabolic syndrome” ang isang tao kung may tatlo o higit pa ng sumusunod na kondisyon sa katawan:

1. Kung ang sukat ng baywang (waist measuremen­t) ay nasa 40 inches sa mga lalaki at 35 inches o higit pa sa mga babae. Note: Kung susukatin ang baywang, gawin ito sa level kung saan nandoon ang inyong pusod; huwag gawing batayan ang sukat natin sa binibiling pantalon dahil mas madalas na ‘below the waist’ ang measuremen­t na nakasulat doon. Maaaring 32 inches ka lamang sa RTW na pantalon pero ang aktuwal mo na palang

waist measuremen­t ay lampas na sa 35 inches. 2. Kung ang blood pressure mo ay nasa 130 over 85 mmHg o higit pa (o kung may iniinom kang gamot para sa alta presyon)

3. Kung ang triglyceri­de level ng iyong dugo ay nasa 150 mg/DL o higit pa (o kung umiinom ka ng anti-cholestero­l

drug para sa high triglyceri­de level) 4. Kung ang “good cholestero­l” (HDL cholestero­l) mo ay mas mababa pa sa 40 mg/DL para sa kalalakiha­n at below 50 mg/DL para sa kababaihan

5. Kung ang level ng Fasting Blood Sugar mo ay 100 mg/ DL o mas mataas pa (o kung umiinom ka na ng gamot na pampababa ng blood sugar level)

Tingnan mo kung may tatlo ka bang kondisyon o higit pa sa limang nabanggit. Kung meron na, pasok ka na sa tinatawag nating “metabolic syndrome” at kailangan nang umaksiyon nang hindi lumala ang sitwasyon. Tandaan na ang metabolic

syndrome ay nagbibigay-daan sa pagkakaroo­n ng diabetis. Heto ang ilang paraan na puwede nating gawin upang ang metabolic syndrome ay hindi tuluyang mauwi sa pagkakaroo­n ng diabetis: - Magbawas ng timbang. Mantinihin ang inyong ideal

body weight batay sa inyong height. Malaking bentahe ang magagawa ng pagbabawas ng timbang. - Kumain ng pagkaing mayaman sa gulay, prutas, whole

grain, at karneng walang taba. - Regular na mag-ehersisyo (30 minuto araw-araw) sa loob ng 5 araw sa isang linggo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines