Liwayway

PANSIT ILOCANO

-

MGA SANGKAP: 1 pack ng miki noodles ¼ kilong sotanghon 1 pitso ng manok, pakuluan at hiwa-hiwain ½ kilong liempo, pakuluan at hiwain ayon sa nais na laki ¼ kilong hamon 3 butil ng bawang, pitpitin 1 malaking sibuyas, hiwain nang maliliit 1 kutsarang katas ng atsuete 2 punong kintsay, hugasan at hiwain nang 1 pulgadang laki (puwera ugat) 1 kutsarang toyo (o higit pa ayon sa panlasa) 2 itlog, batihin, iprito at hiwa-hiwain (pampalamut­i sa ibabaw ng pansit)

PARAAN NG PAGLULUTO:

LUTUIN ang noodles. Ibabad hanggang lumambot ang sotanghon bago gupit-gupitin. Igisa sa bawang at sibuyas ang liempo. Isunod ang manok at hamon. Timplahan ng toyo. Isabaw ang pinaglagaa­n ng manok at liempo. Tantiyahin ang dami na sapat makaluto sa miki at sotanghon. Ihalo ang katas ng atsuete at ang kintsay. Para sa higit pang sarap, lagyan ng pampasarap mix. Sa paghahain, palamutiha­n sa ibabaw ng piniritong scrambled eggs.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines