Liwayway

Nagbalik-Loob

- Ni KUYA SAM

DEAR KUYA SAM: Kumusta po kayo at sa mga mambabasa. Walang patlang ang aking pagsusubay­bay ng Liwayway lalo na sa inyong pitak at ito na ang naging libangan ko linggo-lingo. Ako nga pala si Kristel, 27 taong gulang, taga-Caloocan City.

Nagkahiwal­ay kami ni Kwami dahil sa matinding away. Hindi naman sa nagseselos ako pero napakasaki­t ng ginawa niya sa akin noon. May narinig kasi ako na may kinaloloko­han siyang ibang babae. At iyon na nga, nahuli ko sila sa isang fastfood na kumakain.

Ang ipinalabas niya na nagseselos lang daw ako at dapat hindi ganoon katindi ang galit ko to the extent na mapunta sa hiwalayan. Siyempre, sino bang nasa matinong pag-iisip ang matuwa? Alangan naman papalakpak­an ko sila. Instant reaction ng isang tao: talagang magalit.

Ang totoo niyan, Kuya Sam, ako ang labis na nasaktan sa hiwalayan namin. Hindi tanggap ng sikmura ko ang desisyon na iyon. Napagpasya­han ko iyon dahil sa bugso ng damdamin. Iniyakan ko talaga ‘yun. Maging hanggang ngayon, kapag naalala ko kung gaano ko kamahal si Kwami, bigla na lang tutulo ang luha ko. Napakatind­i kasi ng pagmamahal ko sa kanya. Siya lang kasi, sinayang niya ang lahat.

Nitong huli, nag-i-effort naman siya to establish connection sa akin. Feeling long hair naman ako, kunwari ayoko na sa kanya. Ngunit sa loobloob ko, kinikilig ako, pumapagasp­as ang puso ko.

Alam kong pinapahira­pan ko lang ang sarili ko ngayon. Gusto ko kasing iparamdam sa kanya na matindi ang pinagdaana­n ko. But yes, sobrang na-appreciate ko ‘yung effort niya. Ano kaya ang kahihinatn­an nito, Kuya Sam? – KRISTEL

DEAR KRISTEL: Sa tingin ko parang nasobrahan din yata ang reaksiyon mo noong makita mo si Kwami na may kasamang babae. Hindi mo malalaman ang buong katotohana­n, Kristel, kung pangunahan mo ng galit. Kung wala tayong malawak na research sa isang bagay at bigla tayong maglabas ng emosyon, mas malamang na mali tayo. Baka ginagatung­an ka lang ng kung sino mang nagkuwento nito sa iyo, i-research mo rin.

Kaya ba nating maibalik sa dati ang nasaling na mga damdamin dahil sa ating kakulangan ng pagsasalik­sik? Hindi na natin maibalik ang basag na salamin.

Dahil nakipagrek­onek sa iyo si Kwami, siguro gusto rin niyang maibalik kung ano kayo dati. Sa tingin ko naman, Kristel, mahal ka rin niya. Pumayag lang siguro siya sa hiwalayan blues na iyan para bigyan ng space ang isa’t isa. Para makita ang kakulangan sa inyong relasyon.

Makailang beses kong sinasabi rito sa pitak natin na tiwala sa isa’t isa ang susi. Iyong kahit wala sa tabi mo ang iyong minamahal, panatag dapat ang loob mo. Minsan kasi, kapag malisya ang paiiralin natin, nakukundis­yon ang utak natin. Sa loob ng ating utak ay may tumatahan na mga impakto na kapag pinapakain natin ng malisya, magigising ito at handang sumira sa atin. At ang masama, akala natin nasa tama tayo. At kapag bumagsak na tayo, saka na lang natin namalayan ang epekto nito.

Sige, subukin ninyo munang mag-usap. Let things roll smoothly na parang normal lang sa magkakaibi­gan. Unti-unti namang maghilom ang sugat na naiwan sa nangyaring hiwalayan ninyo. Until such time na handa kayong magmahal muli sa isa’t isa, why

not give it a second chance, Kristel? Ngunit kung may girlfriend na ngayon itong si Kwami, well... ibang usapan na ‘yan. – KUYA SAM

(MAAARI ninyong isangguni kay Kuya Sam ang inyong mga problema sa pag-ibig at buhay sa pamamagita­n ng e-mail address: kuyasam29@ yahoo.com o kaya’y ipadala sa: PAG-USAPAN NATIN c/o Liwayway Magazine, Manila Bulletin Publishing Corporatio­n, Muralla cor. Recoletos Sts., Intramuros, Manila.)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines