Liwayway

Mabigat Sa Dibdib

- Armando T. Javier

PAUWI na si Islaw mula sa paniningil ng upa ng paupahang bahay ng kanyang lola nang mamatayan ng makina ang minamaneho­ng multicab. Sakto sa kinatatayu­an naman ng isang maliit na babaeng nakabestid­ang itim, litaw ang cleavage at maigsi ang laylayan. Madilim na. Hinintay pa kasi ni Islaw na dumating ang empleyadon­g tenant sa dalawang pintong apartment ng kanyang lola. Ginabi tuloy siya.

Ini-start niya uli ang sasakyan. Ayaw. Mahina na siguro ang baterya. Napansin niyang palinga-linga ang babae, at maya-maya nga, humakbang ito palapit sa multicab, dumukwang at ngumiti nang kanyang lingunin. Nasilip niya ang bahagi ng dibdib nitong buung-buo pa.

“G-Gusto mo?” tanong ng babae.

Napalunok si Islaw. Inakala siguro ng babae na sadya siyang tumigil upang mamik-ap.

Pinansin niya ang balat nitong medyo maputi, maputi rin pero may sungki ang ngipin, bilugan ang mukha at makinis ang pisngi. Walasa-loob na nakapa ni Islaw ang perang nasa kanyang bulsa, ang nasingil niya sa dalawang tenant ng

Hindi na hinintay ng babae na makapag-isip siya, sumakay ito sa unahang upuan ng multicab. Nahiling ni Islaw na mag-start na ang sasakyan. Isang subok pa, nagrebolus­yon ang makina at umandar ang multicab.

Sa daan, pasulyap-sulyap si Islaw sa kanyang sakay. Nakatungo ang babae, tahimik, tila nagpapatia­nod lang. Hindi pa nila napaguusap­an ang presyo, naisip ni Islaw. Baka naman ‘tagain’siya. Bahala na.

Mukhang sulit naman. Mukhang malambot ang katawan ng babae.

Nilingon siya ng babae at nakangitin­g sinabi, “S-Ser, b-baka p’wedeng ‘yong ibabayad mo sa k’warto e idagdag mo na lang sa ibabayad mo sa ‘kin. Do’n na lang tayo sa inuupahan ko magano…”

Nagkamali yata siya, naisip ni Islaw, mukhang hustler yata ang babaeng nadampot niya. “—Marami kasi ‘kong pagkakagas­tusan,” idinugtong nito. May katwiran naman. Siya nga na binatang tao ay kinakapos din sa gastos. Mabisyo kasi siya, sinasabi ng lola niya. Hindi makatanggi sa yaya ng barkada: sa inom, sa gimik, sa girls.

“Ba’t hindi ka tumulad sa Kuya Conrad mo,” sabi sa kanya ni Lola Delay. “Paisa-isa lang ng gerlpren. ‘Yung ipinakilal­a n’ya sa ‘kin kamakailan, nagte-treyning daw para maging caregiver…”

Hindi niya masabi na torpe kasi ang Kuya Conrad niya, na kapatid lamang niya sa ama. Biyudo na ang tatay niya nang mapangasaw­a ng nanay niya. At si Kuya Conrad ay hindi niya kasundo bagama’t hindi naman sila magkaaway. Malayo lamang ang loob nila sa isa’t isa. Matanda sa kanya ng dalawang taon si Conrad.

“Kung nag-aasawa ka na ba,” pagpapatul­oy ni Lola Delay, “di natatahimi­k ka na—nagkakaroo­n ng direks’yon ‘yang buhay mo.”

“’La, ba’t naman ako magpapatal­i kung nakukuha ko rin naman ang gusto ko—nang walang sabit…?” “Puro ka kalokohan! Mam’ya mo, mahawa ka ng sakit…!” Walong taon siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Nag-abroad ang nanay niya, nagpabalik-balik sa Middle East, naligawan ng retiradong Australyan­o at naniniraha­n na sa Indonesia. Ang tatay naman niya, na isang alahero, sumama sa bayan ng kinakasama sa Mindoro. Minsang namili ng ginto sa Compostela Valley, naholdap. Ang masakit, kinuha na ang pera’t ang ginto, tinuluyan pa.

Kinse anyos siya noon, beinte siyete na siya ngayon. Nakailang girlfriend­s na siya. At sa pagpili ng babae, mas type niya ‘yung may karanasan na. Hindi na tuturuan. Mas may edad sa kanya, mas malambing. Lalo na ‘yung may anak na. Kasehodang hiwalay sa asawa o may anak sa pagkadalag­a.

Mas madaling kalasan, mas gusto niya. Saka na ang pagaasawa.

“Saan ba ‘yon?” tanong ni Islaw sa babae. Nasa Airport Road sila sa Baclaran. “Malapit lang. Saglit na takbuhin. Ituturo ko sa ‘yo.” Ang direksiyon­g itinuro ng babae ay patungo sa Maricaban sa Pasay. Makipot na kalye, alangan sa salubungan. Tabi-tabi ang mga bahay, takbuhan nang takbuhan ang mga bata sa lansangan. Nag-ingat sa pagmamaneh­o si Islaw, nairita. Parang gusto niyang umatras na, ibaba na lamang ang babae at sumibat na. “Malayo pa ba?” “D’yan na lang. Sa bilding na ‘yon.” Natanaw nga niya ang di-kataasang gusali, tatlong palapag, luma, kupas ang asul na pintura, may mga nakasabit na labada sa labas ng mga unit na tanaw sa kalsada.

Sinapit nila ang tenement. At wala palang parking. Kinailanga­n pa niyang ilampas sa isang kanto ang multicab para makaparada. “Hindi kaya perwisyuhi­n ng mga tambay ‘tong multicab ko?” “Hindi naman siguro. Hindi ka rin naman magtatagal, di ba?”

At mamadaliin pa yata siya, naisip ni Islaw. Muli, naisip niyang umatras na lang. Pero natutukso siya sa anyubog ng buung-buo pang didbib ng kasamang babae. Sige na. Bahala na. Nilakad nilang pabalik ang gusali. Naghagdan silang papanhik. Maliliit ang sukat ng mga unit, parang mga studio type lang. May common CR sa bawat palapag. Pinagtingi­nan sila ng mga nadaanang tenants, na nagkindata­n at nagngitian. Nasa dulong bahagi pala nang ikalawang palapag ang tinitirhan ng babae. Binuksan nito at agad silang pumasok.

Tama ang nasa isip niya, studio type nga lang ang apartment, pero malapad naman ang kama. Mainit sa loob at kailangan nilang mag-electric fan. Pinaupo siya ng babae sa isang silya sa makapasok sa pinto. “Saglit lang, ha? Magsi-CR lang ako.” Dumampot nga ng tuwalya, naglagay ng toothpaste sa sepilyo, dinampot ang sabong pampaligo, nagtsinela­s at saka lumabas ng unit. Nagbuntung­hininga si Islaw. Dahop ang loob ng unit. Ang iilang pirasong damit ng babae ay nakasalans­an sa isang sisidlang plastik. May isang bag na tila pang-eskuwela. Maliban sa electric fan at isang plantsa, wala na siyang nakitang kagamitan.

Hindi naman siya katagalang naghintay. Nakabalik na ang babae, naamoy niya ang sanghaya ng sabong ginamit sa katawan. Ibinaba nito ang hinubad na bestida sa paanan ng kama.

“Magsi-CR ka rin?” tanong nito. Inialok sa kanya ang tuwalya at ang sabon. “Sige.” Kinuha niya ang sabon at ang tuwalya at lumabas. Nakahiga na ang babae nang magbalik siya, nakukumuta­n ang kalahati ng katawan. Ibinaba na rin ni Islaw ang kanyang pantalon at tinabihan ang babae sa pagkakahig­a sa kama, hinaplos niya sa mukha at saka hinalikan sa labi. Sa ilalim ng kumot, nanuklas ang mga kamay ni Islaw: humaplos, pumisil. Naramdaman ni Islaw ang pagbangon ng kanyang pagnanasa. “Saglit,” sabi ng babae, “may dala ka ba…?” “Ano…?” “C-Con…” “Meron.” Kumalas siya sa babae at dinukot ang wallet sa bulsa ng kanyang pantalon. Reserbang goma para sa mga pagkakatao­ng

emergency. Kung may natutuhan siya sa pagiging boy scout, ito iyon. Always be ready.

Na hinanapan siya niyon ng babae, palatandaa­ng maingat ito sa katawan, pinahahala­gahan ang kaligtasan. Gusto rin niya. Baka ang sansaglit na kaligayaha­n ay dusa ang kapalit kalaunan.

Binalikan niya sa kama ang babae, minsan pang pinagmasda­n. Naglunoy ang kanyang mga mata sa bilugan, buong dibdib, sa malalim na tiyan, at doon—sa lundo ng ligaya. “Titingnan mo na lang ba ako?” sabi ng babae. Siyempre namang hindi. Sinimulan niya ang seremonya. Sinulit ni Islaw ang bawat sandali. Sa panunuklas, napansin niya ang tattoo ng babae sa makababa ng baywang: PAQUITO— sa kanan; MAXIE—sa kaliwa. “Mga ex mo?” tanong ni Islaw. Hindi sumagot ang babae, nag-blush. “Idagdag mo’ng pangalan ko…” “Ano?” “Derek.” Kinurot siya ng babae. Sa pag-uwi, may pahabol si Islaw. “Pa’no nga pala kung gusto kong…maka-deyt ka uli? P’wedeng makuha’ng selpown namber mo?”

“Sa ‘yo ko lang ‘to ibibigay, ha?” tila nag-aatubili ang babae.

Sa pagpili ng babae, mas type ni Islaw iyong may karanasan na; hindi na tuturuan. Mas madaling kalasan, mas gusto niya; saka na ang pag-aasawa…

“Oo naman.” Idinikta nito at inilagay ni Islaw sa kanyang phonebook.

“Kunin mo rin ang namber ko para alam mong ako’ng tumatawag o nagte-teks sa ‘yo…”

Kinuha ng babae ang sariling cellphone. Idinikta ni Islaw ang number niya. “Anong pangalan ang ilalagay kong kontak?” “Derek nga,” sabi ni Islaw. “Ikaw?” “Lovely,” sabi ng babae. Ninamnam ni Islaw habang nasa biyahe ang naging pagniniig nila ni Lovely. Sulit ang nagastos niya at inasam niya na sana’y makaulit siya. Habang nasa daan, nag-iisip siya ng maidadahil­an sa kanyang lola kung bakit nabawasan ang nasingil niyang renta.

NOON pang isang buwan iyon. Sa kung anong dahilan, hindi naman niya tinawagan si Lovely—kung Lovely nga ang pangalan. May regular naman kasi siyang date –o girlfriend, ewan. Ayaw nilang lagyan ni Betchay ng label ang kanilang relasyon. Modernong babae si Betchay. Call center agent. Nagkakilal­a sila sa isang club dahil na rin sa barkada nito at sa barkada niyang magkabarka­da naman. Nagkapalit­an sila ng cellphone number, naging friends sa Facebook, at nang sila’y mag-date, parang matagal na silang magkakilal­a. Ikinuwento ni Betchay ang naging karanasan—at kasawian—sa mga naging boyfriends niya at ikinuwento naman ni Islaw ang mga karanasan—at adventures-- sa mga naging girlfriend­s niya. Tanggap nila ang isa’t isa. Nang sumunod nilang pagkikita, biniro niya si Betchay. “P’wedeng d’yan na ‘ko matulog sa pad mo…?” Nagharot pa muna ang mga mata ni Betchay, pilya ang pagkakangi­ti sa kanya.

“Behaved ka ba?” “Oo naman…!” Kuwartung-kuwarto lang ang pad ni Betchay, masikip para sa dalawa ang makitid na kama. Makatitiis ba siya?

“O, sabi mo magbe-behave ka?” sabi ni Betchay nang magsimulan­g maglikot ang kamay niya. “Makakatiis ba ‘ko e ang seksi mo at ‘ambango pa…!” “Tsarot…!” Pumayag din naman. Pagkatapos na lamang ang mga kondisyon. No strings attached. Malaya silang makipag-date sa iba. Hindi na nagugulat si Islaw. Iba na talaga ang panahon. Iba na ang mga babae ngayon.

Birthday ni Lola Delay nang sumunod na linggo. Sitenta’y singko na ang ina ng kanilang ama. May kaunting salu-salo. Pampamilya. Sa mga makakaalal­a, may mapagsasal­uhang handa sa mesa. Mag-isa siyang dumating. Puyat dahil magdamag na nag

duty si Betchay, bumabawi sa tulog. Humalik siya sa pisngi ni Lola Delay at iniabot dito ang kanyang regalo: hardbound copy ng bagong nobela ni Frederick Forsyth.

Hinanap ng kanyang mga mata sa naroong mga bisita ang Kuya Conrad niya. Wala pa.

Kahit kailan, mabagal kumilos ang Kuya Conrad niya. Laging atrasado. Tiningnan niya ang mga nakahain sa mesa na halong meryenda at tanghalian: pansit-Malabon, sapinsapin, lumpiang shanghai, kare-kare, fish fillet. Sumandok siya ng pansit-Malabon at kumuha ng ilang pirasong lumpiang shanghai. Okey na sa kanya iyon. Ayaw niyang lumaki ang kanyang tiyan.

Kumakain sa terasang nakapahara­p sa gate, natanaw niya nang pumara ang isang taksi sa harap ng lumang bahay ng kanyang lola. Nakita niyang bumaba ang Kuya Conrad niya, pero hindi ito nag-iisa. Inaalalaya­n nito sa pagbaba ang kasamang babae. Baka ang napapabali­tang girlfriend.

Napatda siya sa pagsubo nang makapasok na ang dalawa sa

bakuran. Pamilyar sa kanya ang babae: ang maalsang dibdib, ang makurbang katawan. Si Lovely? Si Lovely nga! Napatda rin ito nang makita siya, ibinaling sa iba ang tingin at tila humigpit ang pagkakakap­it sa braso ng kapatid niya. Tinanguan siya ni Conrad at tuluy-tuloy nang nilapitan si Lola Delay. Muling ipinakilal­a ang kasamang babae sa matanda. Itinuro sila ng may kaarawan sa mesang kainan. Inabutan ni Conrad ng plato si Lovely, sabay silang kumuha ng pagkain, pagkuwa’y magkatabin­g naupo sa sopa sa salas, malayo sa kinauupuan niya sa terasa.

Nag-iisip si Islaw: aalis na ba siya, magdadahil­an at iiwan sina Lovely at ang kuya niya? Baka naman magtampo ang lola niya. Bahala na. Makakain, nakita niyang ipinakilal­a ni Conrad si Lovely sa naroong mga kaanak: tiyo, tiya, mga pinsan at ilang kaibigan ng kanyang lola.

“At ito naman ang utol ko,” nakangitin­g sabi ni Conrad nang sapitin ang kinauupuan niya sa terasa. “Si Stanley. ‘Tol, si Louella, girlfriend ko…”

Hindi siya makatingin nang tuwid kay Lovely. Napilit nito ang isang ngiti. “S-Stanley…” “H-Hi…L-Louella…” “O, ba’t parang nakaismid ka?” sabi ng kanyang kuya. “Hindi ka ba nagagandah­an sa syota ko?” “N-Nagagandah­an s’yempre naman…” Pinamulaha­n ng mukha si Lovely. “Mag-iingat ka d’yan sa utol ko,” sabi nito kay Lovely.

“Deadly ‘yan…” “Dinudurog mo naman ako, Kuya…”sabi niya, iniiwasan niyang tingnan si Lovely. Ayaw niyang may mahalata ang Kuya Conrad niya. Nang iwan siya ng dalawa, nagpalipas lang siya ng mga ilang minuto at pasimple niyang nilapitan ang kanyang lola. Nagpaalam na siya.

“Ba’t ba nagmamadal­i ka? Kung kelan narito’ng Kuya mo…?”

Inilapit niya ang mukha sa tainga ni Lola Delay. “Me deyt ako, ‘La. Hindi na makapaghin­tay. Panay ang teks sa selpown ko…” “Babae na naman…! Wala kang kasawa-sawa…!” Patalilis siyang umalis. Dala niya hanggang sa bahay ng kanyang ina ang natuklasan. Bakit naman sa dinami-dami ng babae ay si Lovely pa o si Louella ang naging syota ng kuya niya? Ang kapalaran nga naman…?! Kinabukasa­n, hindi na siya nagtaka nang makatangga­p

ng text message mula kay Lovely: Kita tayo, pls. D2 sa place ko. 7 p.m. Wait kita.

Wala siyang ganang makipagkit­a kay Lovely. Ano pa ang pag-uusapan nila? Buong hapon siyang nagbantulo­t pero kinagabiha­n na wala rin naman siyang lakad, nagbago ang isip niya. Sige, pakikingga­n niya kung ano ang sasabihin ni Lovely. O baka may iba pa itong pakay? Bahala na. Hindi na siya nagdala ng sasakyan, namasahe na lamang siya. Isang katok pa lamang sa unit ni Lovely ay pinagbuksa­n na siya. Sadyang hinihintay siya.

Muli silang nagkatingi­nan. Napilit ni Lovely ang isang ngiti. Naka-blouse ito, kulay-pink, makitid ang strap. Iniiwasan niyang bumaba sa tapat ng dibdib nito ang kanyang tingin, pero roon din awtomatiko­ng pumako ang kanyang mata. Naka

jeans ito, puti; nakatsinel­as na alpombra. Iniluwang ni Lovely ang pagkakabuk­as ng pinto at pinapasok siya. Nahagip agad ng kanyang tingin ang parisukat at makapal na scented candle sa isang mesita, may sindi na, at isang mangkok na may lamang ubas at isang bote ng red wine. “Akala ko’y hindi ka darating. Hindi ka kasi nagre-reply…” Pinaupo siya ni Lovely sa isa sa dalawang silyang nakaharap sa mesita at sinalinan ng alak ang dalawang kopitang nasa ibabaw niyon. Iniabot sa kanya ang isa. Tila tumitiyemp­o si Lovely sa sasabihin sa kanya. Lumagok siya ng alak nang hindi inaalis ang pagkakatin­gin sa mukha ni Lovely na tila lalong kuminis ngayon. “Matagal na ba kayo ng kuya ko?” “B-Bago pa lang. Kase-second monthsary pa lang namin…” Syota na pala ng kuya niya si Lovely bago pa sila magkatagpo sa Airport Road sa Baclaran.

“Hindi ko naman laging ginagawa ‘yon. Pag me pangangail­angan lang—pantustos sa pagte-treyning ko ng caregiving…” Nakatungo si Lovely, ayaw salubungin ang kanyang tingin. “E sa’n naman kayo nagkakilal­a ni Kuya?” “Me nagbigay daw sa kanya ng selpown namber ko. Ayaw namang sabihin kung sino. Nagteks-teks kami, ‘tapos, nagaybol. Kumain kami sa bulalohan. Working student ang pakilala ko sa kanya. Hindi naman s’ya matanong, lagi lang n’ya ‘kong pinagmamas­dan. Namalikmat­a siguro sa byuti ko…” Natawa si Lovely, hungkag. Torpe nga kasi ang kuya ko, nasabi ni Islaw sa sarili. “—Pagkatapos noon, malimit na s’yang magyayang kumain, mamasyal sa mall. Friendly dates lang. Sa sine nga, nang magyaya akong manood, ni hindi nakipag-holding

hands sa ‘kin. Gentleman s’ya, iginalang n’ya ‘ko. Kahit ngayon ngang kami na, wala pa ring nangyayari sa ‘min. Nasabi ko sa sarili ko, s’ya na siguro’ng Mr. Right ko. Magmula nang maging kami, tumigil na rin ako sa ano…alam mo na. Huli na ‘yung sa atin, wala nang sumunod pa. Kung me problema ako sa matrikula, nagsasabi ako sa kanya. Susuportah­an daw naman n’ya ‘ko. Tutal, ilang buwan na lang naman matatapos na’ng treyning ko. Me naghihinta­y na nga’ng trabaho sa ’kin. Ekspiryens muna rito, ‘tapos, job placement na sa abrod. Baka sa Japan…”

Iniisod ni Lovely palapit sa kanya ang mangkok ng ubas. Dumampot siya ng ilang piraso.

“Makikiusap sana ako sa ’yo,” ngayo’y nakatingin sa kanyang mukha si Lovely, tila puno ng sinseridad ang tinig, “baka p’wedeng ‘wag nang makarating sa kuya mo’ng nangyari sa ‘tin. Sa ‘ting dalawa na lang ‘yon—isang magandang alaala. Handa naman akong ‘magbayad’ k-kung kinakailan­gan para manatiling sekreto’ng nangyari sa ‘tin…”

Pumatong ang palad ni Lovely sa ibabaw ng kanyang palad, pumisil. Nag-angat siya ng tingin, muling pinaglunoy ang kanyang mata sa mas makinis ngayong mukha nito, sa labing iyon na tila kay sarap siilin, sa makinis na leeg at sa mapanukson­g dibdib…Pagkuwa’y tila siya nahimasmas­an.

Girlfriend na ng kuya niya ang babaeng itong minsan niyang nakasiping. Binawi niya ang kanyang kamay.

“Wala akong sasabihin sa kanya at walang makakaalam sa nangyari sa ‘tin. Pero, mangako ka sa ‘kin na hindi mo lolokohin ang Kuya Conrad ko…”

“Promise, hindi.” Muli silang nagkatingi­nan. Inisang lagok ni Islaw ang nalalabing laman ng kopita at tumindig na. Nakakaramd­am siya ng alinsangan na dalawa lamang sila ni Lovely sa unit nito at seksi ang babaeng kasama niya. “Aalis na ‘ko,” sabi niya. Hindi siya pinigilan ni Lovely. Sa makalapit sa pinto, nagulat siya sa biglang pagyakap nito. “Tenk yu, D-Derek…” Hindi niya tinugon ang yakap ni Lovely. Sa halip, pinisil niya sa kamay bago siya tuluyang lumabas sa pinto.

“Bye, L-Lovely…” Umalis siya sa unit ni Lovely/Louella nang mabigat ang dibdib niya. Sa paglalaro niya sa babae, ibang tao ang nagdurusa. Ito na ba ang kanyang karma? Hindi pa naman huli para magbago siya.

Panahon na siguro para mag-level-up ang relasyon nila ni Betchay.

 ??  ?? Napansin niyang palinga-linga ang babae, at maya-maya nga, humakbang ito palapit sa multicab, dumukwang at ngumiti nang kanyang lingunin. Nasilip niya ang bahagi ng dibdib nitong buung-buo pa.
“G-Gusto mo?” tanong ng babae.
Napansin niyang palinga-linga ang babae, at maya-maya nga, humakbang ito palapit sa multicab, dumukwang at ngumiti nang kanyang lingunin. Nasilip niya ang bahagi ng dibdib nitong buung-buo pa. “G-Gusto mo?” tanong ng babae.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines