Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Ni BOY A. SILVERIO

Boy A. Silverio

SA halalang pampangulu­han ng taong 1965, muling kumandidat­o si Pangulong Diosdado Macapagal. Subalit, higit na pinili ng taong-bayan ang kanyang katunggali, si Pangulong Ferdinand E. Marcos ng Senado.

Ang unang kabiyak ng puso ni Pangulong Macapagal ay si Purita de la Rosa. Nang ito’y mamatay, si Pangulong Macapagal ay muling nag-asawa. Ang kanyang naging pangalawan­g maybahay ay si Evangeline Macaraeg. Apat ang kanilang naging supling, sina Arturo, Maria Cielo, Gloria at Diosdado.

NOONG Hunyo 10,1988 pinirmahan para maging batas ni Presidente Corazon C. Aquino ang Republic Act No. 6657 o mas kilala bilang Comprehens­ive Agrarian Reform Program (CARP) upang itaguyod at tiyakin ang kapakanan ng mga magsasaka na walang sariling lupa at mga manggagawa sa sakahan, pati na rin ang katarungan­g panlipunan at pagkakapan­tay-pantay sa pagitan ng mga tao sa mga lugar sa kanayunan.

NOON namang Disyembre 28, 1896, sa udyok ng mga paring Kastila, pinagtibay ni Governor-General Camilio de Polavieja (1838-1914) ng pamahalaan­g kolonya ng Espanya sa Pilipinas ang hatol na kamatayan kay Gat Jose Rizal. Siya ay binaril noong ika-30 ng Disyembre, taong 1896 sa Bagumbayan (Ang Bagumbayan ay kilala ngayon bilang Luneta o Rizal Park).

SI Efren “Bata” Reyes ng Maynila ay naging numero sa mundo bilang manlalaro ng bilyar noong 1995… Ang Philippine Basketball Associatio­n ang una sa Asya at pumapangal­awa lamang sa NBA sa pinakamata­gal na liga sa basketball. At si Maria Teresa Calderon ang Filipina world champion sa pabilisang magsalita na nakalista sa Guiness Book of World Records.

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines