Liwayway

Kim Chiu, Papasukin Ang Nakakikila­bot...

- Ni MARICRIS VALDEZ-NICASIO

Maricris V. Nicasio

ISANG hindi-malilimuta­ng movie experience ngayong nalalapit na Undas ang pelikulang The Ghost Bride mula Star Cinema na sinasabing ang pinakanaka­kakilabot na horror-mystery movie ngayon.

Sa direksiyon ng master filmmaker na si Chito S. Rono at sa panulat nina Charlson Ong at Cathy Camarillo, in-explore ng The Ghost Bride ang isang kakaibang klaseng wedding

practice na nagmula sa makalumang Tsinong tradisyon. Umiikot ang pelikula kay Mayen (Kim Chiu), isang Filipino-Chinese na babae na isusugal ang kanyang buhay sa isang sikretong tradisyon na mula sa kulturang Tsino, sa payo ng isang misteryosa­ng matchmaker na si Madame Angie Lao, upang matulungan niya ang kanyang pamilya. Papasukin ni Mayen ang isang kakaiba at hindi pamilyar na mundo na kailangan niyang pakasalan ang isang taong patay na upang mabuhay ang ibang tao.

Third horror movie na ni Kim ang The Ghost Bride. Kaya naman mula sa tawag na Chinita Princess, binabansag­an na rin ngayon si Kim bilang Horror Princess. Bago ang The Ghost Bride, si Kim ay napanood sa The

Healing noong 2012 kasama ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at sa Shake, Rattle & Role X noong 2008 naman.

Sa naturang pelikula, galing sa mahirap na pamilya si Kim na napilitang maging ghost bride para makatulong sa kanyang amang may sakit.

Ipinahayag ni Kim na pamilyar siya sa Chinese tradisyon na ito hinggil sa ghost bride.

“Chinese Tradition siya, actually 'yung cousin ng lola ko, isa siyang ghost bride, so alam ko ng buong-buo iyong kuwento ng pagiging ghost bride na ikinasal sa patay yung isang… pero kapalit niyon, mayaman ka na,” pahayag ng aktres. Sa isang panayam ay sinabi rin ito ni Kim, “Ako, I’m very

proud to represent the Chinese tradition, the Chinese family, kasi, isa iyon sa Chinese tradition na hindi alam ng karamihan. Na ginagawa iyon sa isang family, na ipinapakas­al ang isang babae roon sa patay na lalaki, para magkapera sila. “Pero, it’s about sacrifice, what can you sacrifice for you family.” Kaya ba niyang gawin iyon, ang magpakasal sa isang patay kung naiba ang circumstan­ces ng buhay niya?

“Kung kailangan, kung ang tatay mo ba naman ay 50-50 na, hindi ka ba naman magpapakas­al sa isang patay? So, parang ganoon, nasa trailer naman siya,” nakangitin­g saad pa ni Kim.

Matutungha­yan ng mga manonood ang makataas-balahibo at makapigil-hiningang pagsaksi sa sakripisyo­ng gagawin ni Mayen sa kanyang pagpasok sa nakakatako­t na mundo ng isang kakaibang kasalan tulad ng makalumang ghost weddings, na itinuturin­g na ilegal sa kulturang Tsino.

Ipakikita rin ng The Ghost Bride ang mga di mabilang na pamahiin, makaluma at moderno, na patuloy na naaapektuh­an ang ilang mga grupo sa komunidad ng mga Filipino-Chinese, partikular sa distrito ng Chinatown sa Binondo, Maynila. Habang palalim nang palalim na nalulubog si Mayen

sa underworld ng mga ghost weddings, marami siyang madidiskub­re na maglalagay sa kanya sa panganib. Malalagpas­an ba ni Mayen ang mga kagimbal-gimbal na mga pangyayari na kanyang pakakawala­n bilang isang ghost bride? Alamin kung ano ang mangyayari sa The Ghost Bride.

Tampok din sa pelikula sina Matteo Guidicelli, Christian Bables, Robert Sena, Ina Raymundo, Beverly Salviejo, Isay Alvarez, Nanding Josef, Mon Confiado, Kakai Bautista, Victor Silayan, Jerome Ponce.

Ipalalabas ang The Ghost Bride sa mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Nobyembre 1.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines