Liwayway

Pulot At Dagta (12)

- JD Ronquillo

NANLAMIG man ngayon sa pagsulpot ni Richard, inisip agad ni Gwen kung totoong nagulat ito pagkakita sa kaniya! Hindi naaalis sa isip niya ang suspetsang isiniset-up siya nina Lola Nitz, ng anak nitong si Monsie, ni Arlene at baka pati na si VP Adriano! “I did not expect you to drop by soon, Richard! Napag-isipan mo na ba ‘yung inilagay namin sa aming proposal?” Masayang inakbayan ni VP Adriano ang binata. Humarap naman ito sa kanila ni Arlene, bahagyang tumungo, saka bumigkas ng mahinang hello. Sa pag-iisip ng reaksiyon niyang gagawin, hindi siya nakasabay kay Arlene sa pagngiti. Mula sa panlalamig, dama naman niya ang pag-iinit ng kaniyang mukha. “A senior friend of mine rung me up, VP Adriano. He said Mr. Tan asked him days ago about my personal background and my expertise. I don’t exactly got what he told him, but my friend invited me for lunch today and told me that Mr. Tan would be happy to listen to me about financial matters! Walking distance mula rito ang restawran na pinuntahan namin, kaya dumaan na ako rito!”

Bakit siya mukhang inaabangan ng babaeng nakita niyang iniwasan ni Richard? Sumabay ba sa kanila si Richard pagpunta nila sa Tagbilaran, Bohol?

“Wow, Arlene. Talagang tuloy na tuloy na ang punta n’yo sa Tagbilaran, Bohol!” At mula sa pagkakaakb­ay kay Richard, pinaupo na ang binata sa harap ng mesa nito. Nakasulyap lamang si Richard sa kaniya at kay Arlene, waring nagtataka kung ano ang koneksiyon ng sinabi nito sa pagpunta nila sa Kabisayaan. Nagpatuloy sa pagsasalit­a si VP Adriano. “See, Arlene? Sinusuwert­e tayo. Kaya lang, nadagdagan na naman ang mga pabor na nahingi ko kay Mr. Chan. Talagang we are so much indebted to you, not to mention your Mom. Alam mo ba na makukuha na naming lahat ang insurance ng assets ng kumpanyang itatayo ni Mr. Tan sa Tagbilaran, pati na ang prospectiv­e insurance coverage ng mga empleadong kakargahin ng management nila!” “That’s not really a problem, VP Adriano. My friend can help you on that matter!”

Sa naoobserba­han ni Gwen na pag-uusap ng mga ito, nagdalawan­g-isip na siya ngayon sa hinalang isineset-up siya ng mga personalid­ad sa paligid niya para mapalapit sa kaniya si Richard.

“Ngayong okey na kay Richard na tulungan natin si Mr. Tan, puwede n’yo nang pag-usapan ni Ms. Gwen ang itinerary sa mga lugar na papasyalan n’yo sa Bohol!”

Sa reaksiyon sa mukha ni Richard, naisip niyang naintindih­an na nito ang koneksiyon ng ibinalita nito sa pagpunta nila sa probinsiya­ng iyon.

Tumingin sa kaniya si Arlene. “O, Gwen, nabanggit ko na ang Alona Beach at Panglao Island na gusto ng boyfriend kong si Nick na pasyalan.

“Wala naman akong maisip na tourist spots doon kundi ang famous Chocolate Hills at ang mahabang Loboc River na nababasa ko lang sa commercial­s sa tv at sa internet!”

“Kuuu! Marami pang iba. Halimbawa’y sadyain natin ang Balicasag Island para naman mapanood natin ang paglalaro ng mga dolphin sa dagat doon!” dagdag pa ni Arlene. “Maximize your leisure time sa Bohol ladies. Pag ulit n’yo roon, kayo na ang gagastos!” pabirong pagunita ni VP Adriano na tumingin kay Richard Chan. “If you can spare some of your time, you can join them at some nice places there at the corporate’s expense!”

Ngumiti lamang si Richard. “Salamat, VP Adriano. Hindi pa rin ako nakakapasy­al sa tourists destinatio­n ng Bohol. If I can slice a part of my time from my schedules and insert that in my meeting Mr. Tan, why not?” “And how about your Mom? She is welcomed, too!” pasunod ni

VP Adriano. Napatingin si Arlene kay Gwen na parang tinatanong siya:

is it okay with you?”

“Why not tell her yourself, VP Adriano? You see, she is not difficult to invite, even at her age!” ani Richard. Tumawa nang malakas si VP Adriano sa suhestiyon ni Richard. “Bakit nga hindi? What do you think, Ms. Gwen, Arlene?” “No problem for me. Even at her age, hindi naman siya kailangang akayin. Baka talunin pa niya ako sa lakaran!”salo ni Arlene. Hindi agad nakapagsal­ita si Gwen kaya nasingitan siya ni VP Adriano. “I agree. Maybe Lola Nitz can still outwalk me in a senior marathon. What a sprightly lady!” Nagkatawan­an sila.

“Lola Nitz amazes me everytime I see her,” nasabi rin ni Gwen sa wakas. ” Sana, gayon din tayong kasigla pagdating natin sa kaniyang edad!”

“You need to congratula­te Richard so that her mother will know what you think of her, agree, Gwen?” singit agad ni VP Adriano. Tumindig na si Gwen. “Mauna na ‘ko, VP Adriano, Arlene at Mr. Chan!”

Hindi niya inaasahan ang narinig kay Richard. “Mamaya pang about five pm ang next appointmen­t ko. May I invite you and Arlene na magkape d’yan lang sa mall sa karugtong na building nito? May bridge naman papunta doon ang building na ito!” Alam nilang lahat ang tinutukoy ni Richard na shopping mall. Nagdaraan din sila sa “tulay” na sinasabi nito.

“I can’t make it, Mr. Chan. Darating ang boyfriend ko. Nagsabi na ako kay Sir VP na aalis ako nang maaga para magsa-shopping kami ni Nick na kailangan sa aking ladies’

shower …” ani Arlene. “Oo nga pala!” nasambit ni Richard. “Congrats for the shower, saka na ang sa wedding.”

“Thanks, Richard. Ipaaabot ko rin kay Nick!” ‘Uy! Talagang walking the aisles na kayo ni Nick?” tudyo ni VP Adriano kay Arlene. “Sabi kasi niya, baka ma-overdue na kami!” patawang sagot. Nakitawa si Gwen sa reaksiyon ni Arlene sa sinabi ni VP Adriano. Pagkakatao­n na niya ngayong makakalas sa usapan nilang tatlo. “Thanks, VP, Arlene! I will run along na. Sometime na lang, Mr. Chan. Thanks!” Nagkapalit-palit na ang tawag niyang Richard at Mr. Chan

sa binata. “I will drop you off kung saan man ‘yon, Ms. Gwen,” ang isinagot nito sa kaniyang sinabi. “It is just across the street…”

At hindi na siya napigil sa pagpapauna sa paglabas ng opisina ni VP Adriano.

May dahilan siya kaya hindi siya pumayag kay Richard na magkape nang silang dalawa lamang o pahatid dito kahit saang lugar na malapit lamang. Inisip agad niya na kapag napag-isa na sila, hihingi ito ng paumanhin sa hindi pagpapasin­tabi nito sa kaniya makaraang makatagpo nito at dagling iwasan ang isang babaing nakita niya.

“Paano kung may mabanggit siya sa akin na ilan sa mga sinabi sa kaniya ni Monsie? Hindi kaya mabasa na niya ang nasa kalooban ko?”

Naisip niyang natatakot siya sa kaniyang damdamin. Habang dumarami ang alam niya tungkol sa buhay ni Richard, parang kumunoy na lumalalim pa ang pagkakabao­n ng interes niya rito.

Sa totoo, wala na naman siyang kausap ngayong hapon. Hindi lamang talaga siya handa na harapin si Richard Chan. Mula nang masaksihan niya ang pag-iwas nito sa babaing nakatagpo paglabas ng restroom, sumisingit ang imahe ng eksenang iyon sa kaniyang isip. Hindi niya maitaboy-taboy iyon, mapawi na sa isip niya.

At gumrabe iyon lalo na nang ikuwento ng kapatid nitong si Monsie ang pinagdaana­n ni Richard sa unang pag-ibig nito!

“Ano naman ang paki ko d’un?” lagi niyang sinasabi sa sarili para tulad sa isang pusang na naitataboy niya iyon nang palayo.

Ngunit sinasagot siya ng sarili. Alamin ang iba pang nangyari kay Richard pagkaraan ng mga karanasan ng kabataan nito.

At kahit na ikinakatwi­ran niya sa sarili na libangan din niya sa marami niyang trabaho ang dibersiyon ng paggunita sa mga naging karanasan niya kay Richard, nauuwi iyon sa pag-iisip ng tungkol sa problema nito at hindi ng problema nila ng kaniyang Dad sa pamilya ng kaniyang Kuya Feling!

“Diyos ko naman! Bakit ko ba iniisip ang mga nangyayari sa kaniya? Ano ba ang pakialam ko sa mga iyon?”

Noong wala pa sa isip niya si Richard, madali lamang ang paglibang niya sa sarili. Tinatawaga­n niya si Badette na madalas siyang mapatawa.

Naroon din si Neriz na ang gusto’y sumama siya sa paglalakwa­tsa nito na siya ang gumagastos dahil marami siyang pera dahil sa mga komisyon niya.

“Matatawaga­n ko pa si Celine, pero ano ba ang mapaguusap­an namin kundi ang paghahanda sa pangangana­k nito, saka ang kaniyang pagiging ninang kapag bininyagan ito!

O kung aksidenten­g masulyapan ang kaniyang tablet bago matulog ay buksan ang kaniyang Facebook at asahang maiinis siya at tuluyang magalit sa mga isinusulat nito sa mga post nito. Sa gayong paraan, iniuugnay na naman niya si Lover Dick kay Richard Chan at dagdagan ang lason sa sarili para kainisan na nang tuluyan ang binata.

Ngunit kailanman, sa kaniyang pag-iisa, pagkaraan ng maraming engkuwentr­o kay Richard at tungkol sa buhay nito, hindi siya masuklam sa binata!

Mag-isa siyang nagmiryend­a. Nagtungo siya sa pinakapopu­lar na kapihan at pinili ang pinakakubl­ing bahagi nito. Dala niya ang kaniyang laptop at gusto niyang rebyuhin ang kaniyang mga transaksiy­on nitong nakaraang linggo. Nasiyahan siya’t hindi matao ang oras na iyon kaya parang naging opisina niya ang kapihan, tulad ng mga pumupunta roon dahil sa mahabang oras ng bukas niyon.

Tinawag niya ang isang babaeng crew ng kapihan para hingin ang listahan ng mga makakain: spaghetti, sandwiches,

cookies at kung ano-ano pang pasta. “Pakiorder mo na lang ako ng cookies at kape. Sorry, di ako makapag-self-service. Medyo napagod ako sa katatayo sa opisina namin. Okey lang ba?” Pakiusap niya.

Nginitian naman siya ng crew at iniwan siya saglit. Nang bumalik, naka-set-up na ang laptop niya. Nakalatag na rin ang ilang papel sa mesa niya. Bumalik ang crew pagkaraan ng ilang sandali, dala na ang kaniyang inorder. Pinalitan niya ng cash ang papel na nakapatong sa pilak na bandeha. “Salamat!” Nginitian siya ng crew. Nabaitan siya rito at sinundan ng tingin ang pagbalik nito sa may cashier. Nahaplusan ng tingin niya ang isang babaing waring nakatingin din sa kaniya. Malayo sa kaniya ang babae. Halos outline lamang ng mukha nito ang malinaw dahil sa malamlam na liwanag sa bahaging iyon ng kapihan. Lumingon siya kung may ibang tao sa may likuran niya. Wala. Ipinalagay na lamang niyang napatingin lamang sa dako niya ang babae.

Humigop siya ng kape, kumagat ng cookies habang binabasa ang nakalatag na isang papel sa mesa at tinitingna­n niya kung nagkakatam­a ang nakasulat doon at ang nasa monitor ng computer.

Naubos na ang cookies at marami pa ang kape. Nasarapan siya sa cookies at gusto pa niyang umorder. Nang magtuon siya ng tingin sa hilera ng mga upuan patungo sa cashier, nakita pa rin niya ang babae. Huli niyang nakatingin pa sa kaniya, ngunit nagbaba agad ito ng tingin.

Tinawag niya ang crew na naghatid sa kaniya ng kape at cookies.

“Masarap ‘yung cookies. P'wede isa pa?” Natawa pa siya sa sarili dahil parang humihingi pa siya ng permiso rito para makakain uli ng gusto niya. “Ay, M’am…special kasi ‘yan!” Malaki ang ngiti ng crew. Kumilos agad ang crew. Hangos agad patungo sa cashier. Naisip niyang ibig nitong mapanatili siyang customer sa kapihang iyon. Nagtuon uli siya ng pansin sa computer. Malapit na pala siyang matapos. Mabilis nga siyang magtrabaho, laging sinasabi ni Arlene. Napangiti siya. Nang tuunan niya ng tingin ang huling talata na kaniyang isinusulat sa laptop, wala pa palang huling period ang linya ng teksto roon. Kinapa niya ang

period at tinuunan iyon. Dinampot ang ilang papel sa mesa at isinilid sa plastik na ipitan ng kahon ng laptop. Pagkasara niya ng laptop, nagtaas siya ng tingin para malaman kung nasaan na ang crew at ang kaniyang cookies. Parating na ang crew, mabilis ang paglapit sa kaniya. Noon niya nakitang tumatayo ang babae, nakasulyap sa kaniya at mukhang papalabas na ng kapihan. Lumipat ito ng upuan malapit sa cashier. Dumating ang cookies at gaya ng dati, pinalitan niya ng

cash ang kapirasong resibo. Ngumuya ng kapirasong cookies. Talagang masarap iyon. Napabilis pa siya ng pagnguya. Sinundan niya ng sunod-sunod na pagsimsim sa kape hanggang sa matunaw na nang tuluyan ang cookies sa kaniyang bibig. Uminom siya nang kaunti. Napatingin siya sa kinaroroon­an ng babae. Nakatayo na ito, nakatanaw sa kaniya nang lumabas ng kapihan. Hagibis lamang sa isip niya ang suspetsa: hinihintay ba ako ng babaing iyon?

Tumindig na siya, bitbit ang mga dating dala. Wala sa loob na nginitian pa ang crew na nagsilbi sa kaniya ng kape at

cookies. “Thanks, come again, M’am!” sabi nito. “Salamat din!” pahabol niya, ngunit sa babae na nakapokus ang isip niya.

Tuloy-tuloy siya sa paglabas ng kapihan. Sinalubong ang mga mata niya ng dagsa ng matinding liwanag sa maluwang na pasilyo ng mall. Nasilaw siya at nalusaw sa paningin niya ang babaaing naunang lumabas sa kaniya ng kapihan.

Kung inaabangan siya ng babaeng iyon, naisip niya, lagi naman siyang alerto sa ano mang panganib. Ngunit sino ba ang babaeng iyon at parang hinintay, binantayan siya?

At napahinto siya sa paghakbang. Malamig ang mall at ngayon, parang nagiginaw siya. Ang babaing iyon! Oo, parang iyon ang babaing iniwasan ni Richard! Inaabangan siya? Bakit siya aabangan? Tumanaw siya sa dako ng mall na huling kinakitaan niya ng babae. Natanaw pa niya ang damit nitong maputlang dilawan bago ito tuluyang nawala sa dagsa ng mga taong yao’t doon at dito nang walang katapusan.

 ??  ?? Nanlamig man ngayon sa pagsulpot ni Richard, inisip agad ni Gwen kung totoong nagulat ito pagkakita sa kaniya!
Nanlamig man ngayon sa pagsulpot ni Richard, inisip agad ni Gwen kung totoong nagulat ito pagkakita sa kaniya!
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines