Liwayway

Nasaan Ang Forever (19)

- Neri Jedeliz

NARAMDAMAN ni Liza na kinabig siya ni Nichole sa braso at hinila.

“Papasok na tayo,” ani Nichole. “Na-late tayo ng konti at marahil naroroon na sila sa loob.” “Sinong sila?” “Sino pa, e, di ang mga cancer patients.” Umakyat sila sa second floor, at pumasok sa isang maluwang na bulwagan. Air conditione­d ang bulwagan at maganda ang mga palamuti na nakasabit sa paligid. May mga kurtina na nakasabit sa mga bintana upang di makapasok ang sinag ng araw kung bukas ang mga bintana.

“Ang tsekeng ibinigay mo, malaki ang nagawang tulong. Ipinamili nila ng mga kurtina para sa mga bintana. Me mga pasyente kasi na masama sa kanila ang masinagan ng sinag ng araw. Meron ding masama pag mainitan.”

Nakita ni Liza na marahil mga kinse na tao ang nasa gitna ng bulwagan. May mga upuan din sa paligid ngunit karamihan ay naka-squat lamang sa malinis at may carpet na sahig. Marahil kumportabl­e sila sa pagkilos at ramdam nila’y nasa loob lang sila ng kanilang pamamahay. Walang kapormalan, kung baga. Nakita rin ni Liza na may dalawang pasyente na kanlong ang kani-kanilang gamit na saklay. May isang gulang na babae na nakatayo sa unahan at halos ang lahat ng paningin ay nakatutok sa kanya.

“Itinuturin­g siyang ina-inahan rito, kaya ang tawag namin sa kanya’y si Mother. Actually, siya ang nagmamay-ari nitong bilding na namana niya sa kanyang mga magulang. Isa siyang propesora noon sa isang kilalang unibersida­d hangga’t nagkasakit siya ng breast cancer. Kaya ipinapagpa­siya niyang tumigil na sa pagtuturo at i-devote na lamang ang kanyang panahon at oras upang makatulong o gumabay sa mga cancer

patients,” wika ni Nichole patungkol sa babaeng nakatayo sa harapan ng grupo. “Tulong financial ang ibig mong sabihin?” tanong ni Liza. “Hindi. Ang pagtulong sa mga cancer patients ay di lang sa pera. Ang totoo’y karamihan sa kanila’y me kaya sa buhay ang mga magulang. Mga anak ng mayayaman. Ang kelangan lang nila’y ang moral support upang kahit paano’y malagpasan nila ang kanilang dinadarana­s na hirap sa araw-araw.”

“Itong sakit na cancer tila sakit ito ng mga mayayaman, pero marami ring mga dukha ang nagkakasak­it nito. Walang pinipili

ang sakit na cancer.”

Bumati si Nichole ng isang “good afternoon” sa lahat. Saglit na bumaling ang mga paningin ng lahat sa kanilang dalawa ni Liza, at kaagad na ibinalik ang kanilang mga paningin sa babaeng nakatayo sa kanilang harapan. Tila lumi-lecture ang babae nang dumating sila. Sumenyas ang babae sa kanilang dalawa bilang pagbibigay pansin sa kanilang pagdating. Hinila ni Nichole si Liza upang umupo sa sahig na may malambot namang carpet.

Narinig nila ang isang inspiring story ng isang cancer patients na tumayo upang magsasalay­say ng kanyang mga karanasan sa kanyang sakit. Marahil karamihan sa mga pasyenteng ito’y nakapaglah­ad na ng kanilang mga kuwento tungkol sa kanilang mga sakit, kung paano sila nagkasakit ng cancer at kung ano ang kanilang nagiging reaksiyon sa sakit na dumapo sa kanila.

“Dapat ilabas mo ang iyong mga saloobin upang kahit paano’y gumaan ang iyong pakiramdam. Nakakagaan ng kalooban ang malamang me mga taong handa makinig at dumamay sa ‘yo,” bulong ni Nichole kay Liza.

“Kayo, Alfonso, ano ba ang mga pangarap mo noong di ka pa nagkasakit ng cancer?” Itinuro ni Mother ang isang lalaking kahit nakaupo sa sahig ay mahalatang matangkad ito. Tumayo ang tinawag na si Alfonso upang magsalaysa­y. “Noon, pangarap kong magiging mahusay na basketball

player, at matangkad naman ako. 6’5” ang aking height. Ang totoo’y nakapaglar­o na ako sa liga ng aming unibersida­d,” tugon ni Alfonso. “Paganda at paganda na sana ang aking paglalaro, nang mararamdam­an kong me masamang nangyayari sa aking katawan. Nang kumunsolta ako sa mga doktor, sinabi sa aking me cancer ako sa buto. Biglang gumuho ang lahat ng aking mga pangarap sa buhay.”

Itinuro naman ni Mother ang isang teenager na babae sa kulumpon ng mga nakikinig. Kaagad namang tumayo ang itinuro.

“Kayo, Bernadette, ano naman ang pangarap mo noong wala ka pang sakit?” tanong ni Mother. “Sapol pa noong maliit ako, pangarap ko nang magiging

singer, sapagkat me mga nakapansin na maganda raw ang aking boses,” panimula ng tinawag na Bernadette sa paos na boses. “Sa ‘yong palagay, talaga bang maganda ang iyong boses?” “Aba, opo. Ilan namang mga amateur contest sa aming bayan ang aking sinalihan noon at napagwagih­an. Bagama’t mga kanta lang na low pitch ang aking kinakanta. Di raw bagay sa akin ang

high pitch na kanta o mataas.” “Bakit naman?” “Ayon sa mga nakarinig, kung mataas daw ang aking kinakanta, parang iyak daw ng kinakatay na baboy ang aking boses.”

“Hmmm. So, kahit me mga nakapuna sa iyong boses, ipinagpatu­loy mo pa ang pagkanta?” “Aba, siyempre naman. Talaga pong gusto kong magiging

singer. Kaya lang po, me mga nakapuna na nangyayari tuwing kakanta ako.” “Ano ‘yon?” “Kapag kumakanta daw ako, umuulan. Baka daw ginigising ko ang mga palaka sa bukid pag kumakanta ako at sumasabay sila sa pagkokak, kaya umuulan. Sabi ko naman, nagkataon lang ‘yon.” “O, ano pa?” “Me mga magsasaka na nagbiro na dapat daw pakantahin ako sa gitna ng bukid upang umulan, sapagkat nagkabitak-bitak na raw ang kanilang mga taniman sa sobrang init ng tag-araw.” “Hmmm… O, ano ang ginawa mo?” “Inisnab ko lang po ang kanilang mga panunudyo. Ngunit ng kalaunan, ako na rin ang nakapansin na unti-unti akong namamaos. Hangga’t nahirapan na akong kumanta. Ipinakunso­lta ako ni Mama sa mga doktor. At ang kanilang findings, ikinayanig ng aking pagkatao. Me cancer daw ako sa lalamunan. Tila gumuho ang lahat ng aking mga pangarap. Gumuho ang aking pangarap na magiging isang mahusay na mang-aawit gay ng aking idol na si Regine Velasquez at Nora Aunor.”

Sa halip na tumawa, di nakahuma ang lahat ng nakikinig. Dinaklot ng labis na pagkahabag kay Bernadette ang kanilang dibdib, lalo na’t napuna nila ang ilang patak ng luha na dumaloy sa pisngi ng dalagita. Ang lahat huminga na lang ng malalim, pati na sina Nichole at Liza. Ramdam din ni Liza ang labis na pighati na nararamdam­an ni Bernadette, gaya rin sa kanyang naramdaman noon nang matuklasan niyang may sakit din siyang cancer.

Nang lumao’y, ibinaling ni Mother ang kanyang pansin kina Nichole at Liza.

“Kayo po, Miss, bago ka rito, ano?” si Liza ang napagtuuna­n ng pansin ni Mother.

“Opo. Niyaya lang ako nitong si Nichole upang dumayo rito,” tugon ni Liza.

“Mother, siya po ang nagbigay ng tseke noong kamakalawa bilang donasyon sa ating samahan,” si Nichole.

“Gano’n ba? Maraming salamat, Iha. Ano pong pangalan ninyo?” “Li… a, e, Ana po.” “Datapwa’t, me sakit ka ring cancer kaya ninais mong dumalaw rito.” “O-opo.” “Di na kita tatanungin kung anong uri ng cancer ang dumapo sa ‘yo. Ang cancer, kahit anong klase’y cancer pa rin na kinakakata­kutan ng sangkatauh­an at kumikitil ng buhay ng nakakarami. Bago kayo nagkasakit ng cancer, ano naman ang mga pangarap mo sa buhay?”

“Isa po akong estudyante sa isang kilalang unibersida­d. Kumukuha ako ng kursong Journalism sapagkat gusto kong magiging manunulat o writer.” “Sa palagay mo, me talino ka sa pagsusulat?” “Aba, opo. Sa aking palagay, ang pagkamanun­ulat, gaya din ng isang artist o pintor, isa itong inborn na talento. Naririyan na sa iyong dugo nang isinilang ka. Marahil namana mo sa iyong mga magulang na me ganito ring talento.” “Nasubukan mo na ba ang sumulat kahit ano?” “Opo. Noong nasa high school ako, nakapagpad­ala na ako ng ilang short story sa isang magasin.” “Natanggap naman ang iyong short story?” “A, e, sa umpisa, ilang beses na ni-reject ng editor ang aking mga short stories.” “Bakit daw?” “Mahina daw ang komposisyo­n, kulang sa substance. Sabi nga ng editor, kahit simple lang ang iyong plot, basta maganda ang pagkagawa, maganda raw basahin. Di na raw kelangan ang malalim na plot, konting simbolismo lang, okey na, basta tama ang presentasy­on at takbo ng estorya.”

“Paano ba nalalaman ng editor na di maganda ang takbo ng isang kuwento?”

“Kapag binabasa daw nila, kahit na sa isip lamang, bumabalukt­ot din daw ang kanilang dila sa pagbabasa kung di maganda ang takbo ng estorya. Magaspang, ‘ika nga kung basahin.”

“Grabe ba. Me dila rin pala ang isip. O, natanggap naman sa huli ang iyong mga ipinadalan­g mga short stories?”

“Marahil nagsawa na rin ang editor ng pagpunit at pagtapon sa basurahan ng aking mga manuscript­s, at tinanggap ang isa kong kuwento. Tila naabot ko ang langit ng ma-published ang isa kong kuwento. Talagang maligaya ako. Bumili talaga ako ng beinteng kopya ng magasin at ipinamigay sa aking mga

Inakala ni Liza na patay na si Gudo. Ngunit talaga namang ang masamang damo ay mahirap patayin. Ngayo’y may panibagong banta, hindi lang sa kanya, kundi pati na rin sa buhay ni Ray…

 ??  ?? “Ituloy lang ang paglalakad, Miss, na parang walang nangyayari,” nawika ng isang lalaki.
Nanginig ang kalamnan ni Liza.
“Ituloy lang ang paglalakad, Miss, na parang walang nangyayari,” nawika ng isang lalaki. Nanginig ang kalamnan ni Liza.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines