Liwayway

Mrs. Evans

- Mellodine A. Antonio

PILIPINO siya, hindi dayuhan at hindi rin iyon ang kanyang tunay na pagkakakil­anlan pero iyon ang gusto kong itawag sa kanya. Hanga ako kay Mrs. Evans dahil iba ang tatag niya. Taliwas sa payat at laging puyat na katawang kung titingnan, hitsurang isang bulate na lang ang hindi pumipirma.

“Lima ang anak niyan,” nguso ni Ma’am Manlili, co-teacher namin sa maputlang babaeng dumaan sa harapan namin. Bago ako sa paaralang iyon kaya marami ang hindi pamilyar sa akin.

“Anim pala.” Nakaingos na pagtutuwid nito sa sarili. “Sa sobrang dami ng anak na di kayang suportahan ng asawang

traysikel drayber, hayan, utang dito, utang doon. Sabi ng mga tagarito, taga-Loandon.” Umirap ito sa inis. “Buti sana kung marunong magbayad. Lahat na yata ng teacher dito, nautangan niya pero mabibilang mo sa daliri iyong nabayaran. Iyon lang mga eskandalos­a sa singilan.”

Hinabol ko ng tanaw ang paksa ng aming usapan. Tingin ko naman, mabuting tao si Mrs. Evans iyon nga lang talagang

hustler sa utangan. At maging ako ay hindi nakaligtas sa kanyang mga kamay. “Babayaran ko rin sa s’weldo.” Naroon ang hiya sa matang tila laging nangingino.

Inilabas ko ang limandaang papel mula sa wallet ko. Iniabot ko iyon sa kanya.

“Pasens’ya ka na, ha?” Dagling nagliwanag ang mukha niya nang mahawakan ang pera. “Wala na kasi akong matakbuhan­g iba.” Parang may nangingili­d na luha akong nakita sa mga mata niya.

Tinanguan ko lang siya. Sa isip-isip ko, ito ang hirap sa dalaga, inaakalang laging maluwag sa buhay kaya unang inaasinta kapag may kailangan ang iba. Hay, di bale, una’t huli na iyon. Tinandaan ko kasi ang sinabi ni Ma’am Manlili sa akin: “Huwag mong pamisahani­n. Baka sobra kang abusuhin.”

ISANG umagang pumasok ako, nagkakagul­o sa faculty room. May pass the hat para kay Mrs. Evans.

“O, magbigay ang mga may ibibigay. Kusa nang ibigay kaysa sapilitan pa kayong utangan,” salat sa malasakit na sabi ng isang guro na kadepartam­ento ni Mrs. Evans.

“Hay naku, ‘yan ang hirap, e. Anak ang nagbabayad sa maling gawain ng magulang. Iba talaga kapag ang naningil, ang kalangitan.”

Hindi ko sila maintindih­an.

“Namatayan ng anak. Dalawang araw daw sa ospital kaso hindi na naagapan.”

Iilan kaming pumunta sa burol ng anak ni Mrs. Evans. Iyon ngang iba sa mga kasama ko, napilitan lang dahil sila ang opisyal ng faculty club.

“Salamat,” mahinang usal niya nang sabihin kong nakikirama­y ako.

Nilingon ko ang paligid. Sa maliit na kapilya nakaburol ang anak ni Mrs. Evans. Iyong kinalalagy­ang ataul, halatang pinakamura lang. Iisa ang korona ng bulaklak ng may tatak pang ng puneraryan­g nagbigay rito ng serbisyo. May apat na payat na kandilang ginagamit lang sa brownout na nakatungha­y rito. Iyong mga bumbilya na dapat sana’y nagdadagda­g ng liwanag, tila pundido.

“Hindi kasi namin alam kung mababayara­n namin agad itong upa sa kapilya kaya di ko muna pinasindih­an ang mga bumbilya para makatipid nang konti. Mamaya na lang sindihan kapag gumabi,” sinagot niya ang piping tanong ng isip ko.

Tinawag nito ang anak na panganay para utusang dulutan kami ng kape at biskwit. Naging mapilit na kumuha kami kahit tig-iisang piraso ng iniaalok nito. Nang lahat kami ay may hawak na, nagsimula siyang magkuwento sa nangyari sa anak niya.

“Matagal na iyong sakit niya hindi lang mapangalan­an ng mga ospital na pinagdadal­han namin sa kanya. Sa limang taong inilagi niya sa mundo, dalawa doon halos sa ospital namin naubos. Kaya nga kabi-kabila ang utang ko, kinailanga­n kasi ni Ella ang maya’t mayang pagpapagam­ot.” Mataman akong nakikinig sa kanyang kuwento.

“Si Ella ang bunso ko. Nag-iisang babae. Matagal naming hinintay na ibigay sa amin.” Nakita ko ang hirap niya sa pagpipigil ng damdamin.

“No’ng tatlong taon siya naging kapuna-puna iyong madalas na pagdurugo ng bibig niya. Pero kapag dinala sa doktor, wala namang makitang diprens’ya.” Sandali siyang tumigil para sindihan ang panibagong kandilang pamalit sa isang naupos na.

“No’ng mag-apat na taon na siya mas lumalala pa. Pati pagsesepil­yo naging problema na. Huwag lang di makanti ng

toothbrush, nagdudugo kaagad ang gilagid niya. Sabi ng doktor, baka raw gingivitis.” Pasimple niyang pinahid ang luhang di napigil ng pandalas na pagbuntung­hininga.

“Nitong maglima siya, ilong naman parati ang dumudugo. Nasa klase nga ako nang tumawag ang kapatid ko na kasama namin sa bahay. Sabi, dumudugo na naman ang ilong ni Ella. Akala ko naman balinguyng­oy lang dahil sa pabagu-bagong panahon kaya ‘kako paliguan para mapreskuha­n ang katawan.” Nag-unahan na sa pagtulo ang luha niya.

“Pagdating ko no’ng gabi, hindi na maampat ang pagdurugo sa ilong niya kahit anong gawin namin. Dinala ko na sa ospital, sabi doon baka daw typhoid. Ilang oras na kaming naro’n no’ng lumapit iyong doktor. Sabi, hindi typhoid, baka malaria. Pero wala silang pasilidad para sa gano’ng sakit kaya ilipat na lang daw namin.” Bakas ang sakit sa kanyang mga matang mugtungmug­to na. “Inilipat namin kinabukasa­n.” Binanggit niya ang pangalan ng pampubliko­ng ospital na malapit sa isang malaking simbahan. “Doon natuklasan, hindi naman daw malaria. Evan’s disease daw. May

bacteria sa dugo niya na sumisira sa bone marrow, iyong nagpo-produce ng hemoglobin.

Rare disease daw. Walang tiyak na dahilan. Wala ring tiyak na gamutan.” Yumuko siya.

“Alam n’yo noong magising si Ella noong araw na iyon, hinanap niya’ng mga kuya niya. No’ng dumating, isa-isa niyang hinalikan. Sabi niya: Kuya, alagaan niyo sina Mama, ha?” Halos magkabuhul-buhol ang kanyang hininga sa pag-aalaala sa ikinukuwen­tong eksena.

“Ilang minuto pagkaalis ng mga anak kong lalaki, biglang nanigas si Ella. Nagngalot ng ngipin. Senyales daw ‘yon ng pagla-lock ng mga panga niya. Iyong doktor na nasa tabi ko, wala ng ginagawa sa anak ko. Kasi no’ng tutukan niya ng maliit na flashlight ang mata ni Ella, iisang mata lang ang sumunod sa liwanag. Akala ko iyong mga mata ng anak ko nakatitig lang sa akin, mali pala. Ni hindi na pala ako nababanaag­an ng isang mata ni Ella. Iyon namang isa, malabo na rin ang nakikita.” Nilingon nito ang kinalalagy­an ng anak.

“Hindi ko iniwan ang anak ko kahit sabi ng doktor, wala na. Oras na lang ang hinihintay. Non-stop na ang pagdurugo ng ilong at bibig niya. Pilit kong niyakap si Ella. Hinaplus-haplos ko ang buhok niya tulad ng ginagawa ko kapag naglalambi­ng siya para matulog,” mariin siyang napapikit.

“Hirap na hirap na ang anak ko.” Tila taghoy ang bitaw ng salita niya. “Pero hindi ko inalis ang tingin ko sa anak ko kahit wala akong magawa para hatian man lang siya sa kanyang paghihirap.” Naroon ang paninisi sa sarili sa kakapusan ng kakayahang tulungan ang anak sa pinagdaraa­nang labis na hirap.

“Panay na ang habol niya ng hininga. Patuloy na naninigas ang katawan ni Ella. Sabi ng doktor, gano’n daw talaga iyon

Wala siyang pakialam kung tama o mali ang ginawa niya. Ang mahalaga sa sariling paraan, naisalba niya ang pagnanasa ng ilan na muling gawing katatawana­n si Mrs. Evans…

dahil iyong bacteria nakarating na sa utak ni Ella.” Nagpahid siya ng luha.

“No’ng pakiramdam kong pilit pang nilalabana­n ni Ella

ang sakit niya, bumulong ako. Sabi ko: Sige na, baby. Naiintindi­han ni Mama. Sige na, baby. Love ka namin ni Papa.” Suminghot ito. “Sabi ko: I love you, Ella. Mahal ka naming lahat. Pagkatapos no’n naramdaman kong nagrelax ang katawan niya. Huminto ang paghabol niya sa hininga. Tumuwid ang kanyang mga paa.” Mahinangma­hina iyon.

“Five forty five nang ideklarang wala na si Ella. Inilabas na siya sa k’warto para dalhin sa morge, kasama pa rin ako. Pagkabukas ng pinto para ipasok ang stretcher na hinihigaan ni Ella, tumunog iyong kampana sa simbahan para sa Angelus.” Malungkot ang ngiting ibinigay niya sa amin.

“Hanggang sa morge, sinamahan ko si Ella. Pati do’n sa pag-aayos sa kanya sa punerarya. Gusto ko, lahat makita ko baka kasi may ibang gawin sa anak ko.” Hindi matatawara­n ang pagmamalas­akit niya sa anak. “Hanggang dito, magbabanta­y ako. Hindi ako aalis. Kasi limitado na ang oras na makakasama namin siya.”

Nasa bahay na ako pero naiiyak pa rin ako dahil sa mga narinig ko. Hindi ko mabigyan ng pangalan ang nararamdam­an ko lalo pa nga’t bago kami umalis, nagpahabol ng paumanhin si Mrs. Evans sa akin.

“Pasens’ya muna sa atraso ko. Hayaan mo magkapera lang ako, babayaran ko’ng utang ko sa ‘yo.” Hiyang-hiya niyang ginagap ang palad ko.

“O, ANO? Kailan ang pasok ng Reyna ng Utang? Baka naman gamitin na naman niya ang sitwasyon para dagdagan pa ang listahan ng kanyang uutangan? Aba’y malapit nang mag-birthday ang utang niya sa ‘kin, a!”

Nilingon ko ang kapwa guro kong masakit sa tenga ang tanong.

“Kung di naman kasi kaayusan ang buhay, ‘wag nang mag-anak na akala mo makakayang tustusan.” Kitang-kita ko ang yamot sa anyo nito.

“Magkano po ba’ng utang niya sa inyo?” Hindi ko napigil ang sariling magtanong.

“Two hundred lang naman.” May pagmamalak­i nitong turan. “Hindi napupulot sa kalye ang gano’n ‘no!”

Kinapa ko ang pera na nasa bulsa ng uniporme ko. “Akala ko ho, milyon ang utang na di nabayaran sa inyo.” Inilabas ko ang pera. “Ipinabibig­ay n’ya ho.” Iniabot kong halagang sinabi nito. Pinasobrah­an ko pa ng kaunti. “Ibinigay na rin ho niya pati tubo.”

Wala akong pakialam kung tama o mali ang ginawa ko. Ang mahalaga sa sariling paraan, naisalba ko ang pagnanasa ng ilan na muling gawing katatawana­n si Mrs. Evans.

Tama rin siguro sila. Maraming pagkukulan­g sa pagkatao ni Mrs. Evans. Maraming kapintasan. May gawing kinayayamu­tan ng ilan. Maraming puwedeng itawag sa kanya. Akma nga marahil ang taguring Reyna sa kanyang pagiging utangera. Puwede ring pulaan ang mga pagliban niya sa eskuwela. Ngunit sino ang inang hindi magkakagan­oon kung may isang anak na tulad ni Ella na nangangail­angan ng tulong at atensiyon?

Kapag nilingon ko si Mrs. Evans, di ko na itututok ang mata ko sa kanyang mga kakulangan. Hindi ko na hahayaang bulagin ako ng pintas mula sa ilan. Dahil para sa akin, sa pagiging ina, di hamak na higit at mabuti siya kaysa sa aming pumupula sa kanya.

 ??  ?? “Lima ang anak niyan,” nguso ni Ma’am Manlili, co-teacher namin sa maputlang babaeng dumaan sa harapan namin. Bago ako sa paaralang iyon kaya marami ang hindi pamilyar sa akin. Si Mellodine A. Antonio ay kasalukuya­ng guro sa Senior HS ng San Mateo...
“Lima ang anak niyan,” nguso ni Ma’am Manlili, co-teacher namin sa maputlang babaeng dumaan sa harapan namin. Bago ako sa paaralang iyon kaya marami ang hindi pamilyar sa akin. Si Mellodine A. Antonio ay kasalukuya­ng guro sa Senior HS ng San Mateo...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines