Liwayway

Makiisa Sa Selebrasyo­n Ng World Kindness Day!

- Marilyn Arayata

ANG World Kindness Day ay isang pandaigdig­ang 24-oras na selebrasyo­ng nakatutok sa pagtutuloy ng kabutihang ipinakita ng kapwa at pag-focus sa kung ano ang mabuti (chicagonow.com). Bunga ito ng pagsasama-sama ng humanitari­an groups sa isang kumperensi­ya sa Japan at pagkakaroo­n ng “Declaratio­n of Kindness”, November 13, 1997. Sariwain natin ang kahulugan ng “kindness”–“the quality of being friendly,

generous, and considerat­e”. Napakagand­a, hindi ba? Napakaposi­tibo. Isinasaala­ngalang ang kapakanan ng ibang tao… may pagbibigay na hindi naghihinta­y ng kapalit.

Ano ang mga bagay na maaaring gawin bilang pakikiisa sa World Kindness Day? 1. Makinig sa isang taong mukhang kailangan ng kausap at karamay. Pangitiin siya. Kung minsan, ilang minuto lamang na pakikipag-usap ay napakahala­ga na, maging ang simpleng maikling tawag sa telepono, text o chat message. 2. Kung nasa biyahe, elevator, opisina, o ospital, bigyan ng ekstrang konsideras­yon ang mga bata, nagdadalan­tao, mga nakatatand­a, at mga may kapansanan. Kung kaya mo naman na paunahin na sila sa pila o sa pagkuha ng upuan ay sapat na para magbigay alwan sa kapwa. 3. Kung mayroon kang kakayahan at inaakala mo na lubhang makatutulo­ng, puwede mo ring ikansela ang pagkakauta­ng ng isang taong deserving naman. 4. Tulungan ang iyong kapwa kung kaya mo rin lamang, at huwag na siyang hintaying magpabalik-balik. Kung minsan, nararamdam­an mo naman kung ano ang kailangan niya. Ikaw na ang mag-offer ng tulong. 5. Magkusang-loob na alamin ang kalagayan ng mga taong namumuhay na mag-isa, lalo na ang mga matatanda, may sakit, at karamdaman. Alalahanin din sila sa panahon ng kalamidad, at isali sila sa paghahanda ng pagkain, tubig, at emergency kit. 6. Bumili rin sa mga maliliit na tindahan at sa mga naglalako ng paninda. Mas kailangan nilang kumita kaysa sa mga may-ari ng shopping malls na pagkayayam­an na. Tigilan din ang paghingi ng sobrang diskuwento, iyon bang kulang na lang ay ipamigay sa iyo ang kanilang paninda. 7. Kung nakikita mo ang isang pangangail­angan sa paligid mo, puwede kang mag-volunteer. Ang mga anak na nasa tamang gulang ay maaari nang himuking mag-volunteer sa pagtulong sa mga lolo at lola kapag walang pasok sa eskwelahan. Sa totoo lang, ang makipagkuw­entuhan pa lamang sa kanila ay isa nang malaking bagay. 8. Ilibre mo ang isang manggagawa sa simbahan o isang

single parent sa lunch o kaya ay dinner, at magbaon ka ng masasayang kuwento. 9. Pagsama-samahin ang inyong resources upang mapagaral ang isang anak ng biktima ng giyera, kalamidad, krimen, o aksidente. Himukin ang taong ito na magpakita rin ng ganitong uri ng pagmamalas­akit kapag mayroon na siyang kakayahan. 10. Mag-donate ng dugo, pagkain, damit, at pera sa kawanggawa. 11. Pahalagaha­n ang isang tao sa kanyang dedikasyon, naiambag, at narating habang siya ay buhay pa. 12. Alalahanin ang mga taong nakakalimu­tan na ng iba – at siguraduhi­n mo na makikita nila. 13. Pasalamata­n ang mga taong may nagawang kabutihan o may naipakitan­g isang katangi-tanging bagay. 14. Kung naghahanda ng activity o nagsasaayo­s ng mga pasilidad, gawin ang mga ito na inclusive – sa pagkain ay may iba pang pagpipilia­n para sa mga taong hindi kumakain ng pork, may rampa para sa mga taong may kapansanan, may armchair para sa mga taong kaliwete, at iba pang konsideras­yon. 15. Gawing mas ligtas at mas masaya ang isang lugar dahil naandoon ka. Pumili ng mga tiyak na bagay na regular mong gagawin para mangyari ito. Isipin mo na lang ang mga epekto sa kapwa kung ang bawat isa ay desididong makiisa sa World Kindnes Day! Sana ay marami pang tao ang patuloy na gawin ang mga ganitong klase ng bagay kahit pa anong oras at araw.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines