Liwayway

Pag-Usapan Natin!

- Kuya Sam

DEAR KUYA SAM: Lagi po akong bumibili ng Liwayway at walang patlang ang pagsusubay­bay ko sa inyong pitak. Ako nga pala si Gayzel, 27 years old, nagtatraba­ho sa isang call center sa

Cebu.

Single parent po ako, Kuya Sam, at limang taon na ang anak ko. Marami ang nagtangkan­g manligaw ngunit hindi muna ako pumasok sa isang relasyon dahil parang nadala na ako. Nakatuon lang ang aking atensiyon sa aking makulit ngunit magiliw na anak.

Ngunit noong nakaraang buwan, nagkaroon ng pagkakatao­n na magkita-kita kami ng aking mga high school batchmates. Kumustahan. Biruan. Just like the old days. Doon ko nalaman na ang aking high school sweetheart na si Winwin ay wala pa rin palang asawa at kakahiwala­y lang sa kanyang girlfriend. Tinutukso nga kami ng mga dati naming kaklase. Alam din kasi nila. Nag-blush ako. Guwapo pa rin kasi siya.

Ewan ko ba ngunit parang may fire pa rin kaming dalawa, Kuya Sam. Pagkatapos ng aming mini-reunion, bumalik siya ng Maynila dahil isa siyang marketing executive sa isang malaking kompanya. Pinapadalh­an niya ako ng mga sampol ng produkto nila at pinadalhan ko naman siya ng mga delicacy sa Cebu.

Hindi naman siya nanligaw, at least sa salita, Kuya Sam, ngunit sa kanyang ipinakitan­g kabaitan, as if papunta na siya roon. Hindi ako nagexpect na liligawan niya ako dahil sobrang yaman na niya. But of course, I would be more than happy kung liligawan niya akong muli at maging kami uli.

Sa totoo lang, Kuya, siya ang nagpapasay­a sa akin ngayon. I think I’m in love with him for the second time. – GAYZEL

DEAR GAYZEL: Walang duda na nagkaroon na nga kayo ng koneksiyon sa isa’t isa. Hindi man sinasabi ngunit kitangkita sa pakikitung­o ninyo sa isa’t isa: nagmamahal­an na nga

kayo.

Sa pakiwari ko, hindi na mahirap sa inyo ang mag-umpisang muli ng isang relasyon dahil naging kayo naman talaga noon. Kumbaga, isang kindat lang, alam n’yo na kung ano ang ibig sabihin nu’n. Kung may nagbago man sa inyong mga ugali, kaunting-kaunti lang iyon. Maliit lang ang margin of error. Ang gagawin n’yo na lang ay ang magkaroon ng malinaw na usapan kung, officially, kayo na nga ba. At kung paano ito alagaan. Mahirap ding sobrang assuming tayo at baka nakikipagk­aibigan lang naman ‘yung tao o kaya dahil may pinagsamah­an kayo bilang kaklase.

Hindi mo binanggit sa iyong sulat kung bakit kayo hindi nagkatuluy­an noon. I would like to presume na sobrang bata n’yo pa noon at hindi pa kayo handa sa isang seryosong relasyon. Siguro ito na ang tamang pagkakatao­n na bigyan ninyo ng chance ang isa’t isa.

Kung tanggap niya ang bitbit mong bagahe— na may anak ka na— wala naman akong nakikitang problema kung magiging kayo muli. Ang mahalaga, wala kang karelasyon ngayon at si Winwin wala rin.

Basta ang habilin ko sa iyo, kapag nagtapat na si Winwin at bago mo siya sagutin, kailangang tanungin mo muna siya kung kaya ba rin niyang mahalin ang iyong anak. You need a definite

answer here. Kasi kung ikaw lang ang kayang mahalin ni Winwin, huwag na lang. Bahagi na ng iyong pagkatao, Gayzel, ang iyong anak. Hindi ito palaman lang. Ikaw at ang iyong anak ay iisa lang, tandaan mo iyan. Lahat ng desisyon mo sa hinaharap, isama mo sa konsideras­yon ang iyong anak. – KUYA SAM

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines