Liwayway

Magluto Tayo

- Mareng Lena

MGA PANGHIMAGA­S naman ang ating ihanda! Tulad ng:

BUNWELOS NA SAGING MGA SANGKAP:

5 saging na saba (hinog) 1 itlog, batihin ½ puswelong arina 3 kutsarang asukal

PARAAN NG PAGLULUTO:

DURUGIN ang saging na saba. Ihalo sa itlog at arina. Prituhin nang paisa-isang kutsara hanggang pumula. Patiktikin. Bago pagulungin sa asukal. POP CORN NA KANING LAMIG

MGA SANGKAP

Kaning lamig asukal mantika (ang dami ay ayon sa pangangail­angan)

PARAAN NG PAGLULUTO:

IBILAD sa araw ang kaning-lamig hanggang maging tuyongtuyo (iwasan lamang langawin o langgamin). Iprito nang paunti-unti iyong “pumuputok” sa gilid ang sasandukin. Haluan ng asukal bago ihain.

PUTO MAYA MGA SANGKAP:

3 gatang na malagkit 5 puswelong gata 1 tasang asukal 1 kutsaritan­g asin Niyog, kudkurin

PARAAN NG PAGLULUTO:

ISAING ang malagkit sa gata. Hulmahin sa puswelo kapag luto na. Ihain nang nakapalamu­ti ang niyog at asukal.

PUDDING NA TINAPAY MGA SANGKAP:

Lumang tinapay, ½ ng isang buong palasak na tinatawag na “tasty” 2 puswelong gatas 2 itlog, batihin 1 puswelong asukal ½ kutsaritan­g vanilla 2 kutsarang mantikilya (tinunaw)

PARAAN NG PAGLULUTO:

LAGYAN ng kaunting arnibal ang liyanerang paglulutua­n bago ibuhos dito ang pinaghalon­g sangkap. Ilagay ang liyanera sa kawali o malaking kaldero na may tubig. Ang tubig ay kailangang kapantay lamang ng pudding at hindi ng liyanera. Takpan ang kawali o kaserolang kinapapalo­oban ng liyanera at pakuluin ang tubig hanggang sa maluto ang pudding. Masasamaha­n ito ng isang maliit na kahon ng pasas o isang puswelong dinurog na mani. Enjoy!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines