Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

N

ADAKIP noong Marso 23, 113 taon na ang nakaraan, nasukol ng mga sundalong Amerikano si Gen. Emilio Aguinaldo habang natutulog sa pinagtatag­uang kuta sa Palanan, Isabela.

Sa pagkakadak­ip kay Aguinaldo sa tulong ng mga katutubo sa Macabebe, Pampanga, agad pumalit si Gen. Miguel Malvar bilang pansamanta­lang pangulo ng bansa hanggang sa sumuko ito noong 1902.

S

ALUNGAT sa hinuha ng ilang Pilipino, hindi si Andres Bonifacio ang naging kauna-unahang Supremo ng Katipunan. Ang unang pangulo ay si Deodato Arellano noong 1892. Siya’y pinalitan ni Roman Basa nang sumunod na taon. Pinili ni Bonifacio na maging comptrolle­r at piskal ng Katipunan, sa unang dalawang Supremo Councils nito. Noon lamang taong 1895 nang ipasya ni Bonifacio na siya ang pinakamahu­say para maging Supremo.

A

NG pangalang Dakak ay nangangahu­lugan ng “maraming punongkaho­y” sa wikang Cebuano. Ang pook-liwaliwan sa Dakak ay tunay na kinaroroon­an ng maraming punongkaho­y. Binuksan ito sa madla noong Agosto 1989. Halos nalililima­n ng mga halaman ang buong pook.

A

NG Palawan ang pinakamala­king probinsiya sa buong Pilipinas batay sa sukat ng land area nito na may 14,896.3 km. Paraguan ang dating pangalan nito noong 1905. Ang Batanes naman ang pinakamali­it na lalawigan sa Pilipinas batay sa land area nito (209.3 km.) at bilang ng populasyon *16,467) ayon sa 2000 census. S A lalawigan ng Bohol nilagdaan ang marahil ang kauna-unahang peace treaty ng Pilipinas sa ibang bansa sa pamamagita­n ng makasaysay­ang blood compact nina Rajah Sikatuna at Miguel Lopez de Legazpi noong 1565.

Ngunit dito rin naganap ang dalawang makasaysay­ang pag-aaklas laban sa mga Kastila – ang Revolt of Tamblot noong 1621 hanggang 1622 at ang Dagohoy Rebellion noong 1744 hanggang 1829 na nagresulta sa 85 taong kalayaan ng Bohol mula sa mga Kastila. Pinakamaha­bang pag-aaklas ng mga Filipino na naitala sa kasaysayan ng bansa ang Dagohoy Rebellion.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines