Liwayway

Mga Bituin Sa Tubig (5)

- Efren Abueg

(IKA-5 NA LABAS)

NAKITA agad ni Armand pagbaba niya sa tapat ng opisina ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) ang kapal ng mga taong naghihinta­y makapasok sa loob.

“Mas grabe sa dami ang trabaho ngayon dito kesa n’ung umalis ako,” nasabi niya sa sarili nang sumingit na siya sa mga nakapila roon.

May dahilan siya ngayon para tanggihan kung sakaling ibalik siya sa assignment sa ibang bansa. Sasabihin niya kay Police Director Hernandez na italaga na lang siya sa opisina sa nito sa National Capital Region o sa alinmang opisina ng CIDG sa paligid ng Metro Manila. Nagliwanag ang mukha ng nakakunot-noong police director pagkakita sa kaniya.

“Reporting, Sir Majgen!” wika niyang sabay saludo na tuwid na tuwid ang katawan.

Majgen ang karaniwang tawag niya rito—Major General sa military ang katapat ng ranggo nitong police director sa pambansang kapulisan.

“O, Abeza, salamat sa pinadala mong pasalubong. Magagamit ko ‘yon sa ‘yung kasal!”

“Sir, binili ko pa sa Vienna ‘yung mga kurbatang

May bagong babae na nakatagpo si Armand. Babalikan pa ba niya ang babae sa putol na ilog sa daang kalesa?

pasalubong ko sa iyo. Ireserba mo sa sosyalan at military ceremonies.”

Inakbayan si Armand ng police director, saka magkatapat silang naupo sa isang set na sopa sa harap ng mesa nito.

“Bah! Siyempre buena mano ang kurbata sa kasal mo!” agaw nito sa sinabi niya. “Forty ka na bago matapos ang taon, Abeza. Mag-asawa ka na!”

“Sir, nawili tayo sa Middle East kahit mas mainit ang klima kumpara sa atin. ‘Dami kasi’ng problema ng OFWs natin! Nagulat pa ako nang maisip kong mag-iisang dekada na ako roon!”

“O, di nagustuhan mo na nire-call na kita? You can prepare for your future family!”

“Naisip ko nga rin ‘yan…wala naman akong planong manatiling single the rest of my life!”

Nagtawa si Police Director Hernandez. “Nawili ka nga sa mga chicks sa Middle East. Husay mo sigurong manligaw, ha? Ilan ba ang nakagusto sa ‘yung forenero?”

“’Yon nga ang disgrasya, Sir. Gustong-gusto ako, pero umaatras ako pag na-pressure na ako sa huli. Paano ko ititira sila sa Pilipinas…iba ang culture nila sa atin? Mahirap ang adjustment, Sir!”

Nagkibit-balikat si Police Director Hernandez. “Sabihin mo pa! Sige, mag-umpisa ka uli dito sa atin. Bilisan mo lang…tumatakbo ang mga araw, baka mahuli ka na sa biyahe!”

“So, Sir…di mo na ako ibabalik doon?”

“Hindi naman ako ang nagpadala sa ‘yo sa Middle East. Easy-easy ka lang muna sa atin. Maganda naman ang report tungkol sa trabaho mo d’un kaya nakasilip ako ng pagkakatao­ng maiuwi ka rito. Sakaling makasal ka na, dito ka na lang sa office hanggang magretiro ako. May tsansa ka pa na makahawak ng posisyon dito sa police directorat­e office.”

Dama niya ang kasiyahan ng pagpuri sa kaniya ng opisyal. Hindi siya nagkamali sa pagsukat sa kaniyang sarili sa mga trabahong nagawa niya sa loob ng maraming taon.

“MajGen, Sir. Aasahan ko ‘yan sa next balasahan sa office mo. Nakaramdam din ako ng pagod sa trabaho ko sa Middle East. Makapahing­a kahit paano dito sa office mo, Sir.”

Nakangiti pa rin si Police Director Hernandez sa kaniya. Ngunit naiisip niya ang sinabi nito sa kaniya sa cellphone bago siya sumama sa mga sumundo sa kaniya sa Daang Kalesa.

“May politikong humiling na ma-review ang kasong ito. May bagong impormasyo­n daw na mahirap ipagkibitb­alikat. Isang kamag-anak ng biktima ang lumapit sa office niya sa Lower House. More than fifteen years nang closed ang kasong ‘yan!”

“Baka suntok sa buwan ang review ng kasong ito, Sir Majgen. Antagal na!”

Pinagkiski­s ng opisyal ang mga palad nito. “I-routine mo lang ‘yung bagong impormasyo­n. Kung talagang wala, bahala na ako sa politician-friend natin. Sa kabilang banda, mabuti ‘yang may konting trabaho ka habang nasa bakasyon ka. You will remain mentally alert. Paano kung makargahan ka ng malaking kaso immediatel­y after your vacation? Baka mabigla ka! ”

Tumango siya na nagpapasal­amat sa malasakit ng opisyal sa kaniya. “Now, Sir Majgen…how do I proceed with the new informatio­n, Sir?”

“Coordinate with the National Burea of Investigat­ion. Tayo ang nag-umpisa ng kasong ito, pero tumulong sila hanggang sa wala nang developmen­t pa sa bandang huli. Ngayong may interested party na lumapit sa atin, courtesy naman natin na isama uli natin sila!”

“Okay, Sir. Kung sakali at maisara na nang tuluyan ang kasong ito kung ano man ang resulta, maimbitaha­n ko naman kaya kayong isa sa mga ninong sa aking kasal?”

Sinundan ni Armand ang pagtindig ng opisyal. Tinapik siya nito sa balikat. “Pag-uusapan pa ba natin ‘yan? Pasama ka kay SPO Miranda sa contact natin sa NBI para makakuha ka ng mga kopya ng file ng kaso.”

Bumalik si Police Director Hernandez sa mesa nito. Umupo sa swivel chair at may hinilang isang calling card sa ilalim ng paper weight na miniature elephant.

“Photo copy ‘yan ng calling card ng nagpapabuk­as ng kaso. Ipinasa lang sa akin ng politician-friend ko.”

Luzvirmind­a Arago. Taga-Laguna. May-ari ng computer shop sa San Pedro at sa Paranaque.

“Ah! Maganda siya…baka interesado ka?” Dugtong na tudyo sa kaniya ng opisyal bago tumindig uli at kinamayan siya. “At salamat uli sa pasalubong mo!”

“Small things lang ‘yun, Sir? Tungkol dito, patitipo ako sa may-ari ng calling card na ito. Baka sakali.” Patawa ang ganting-biro niya sa opisyal ng kapulisan.

Tinawagan niya sa cellphone si SPO Miranda. “Iginawa na ako ni Police Director ng appointmen­t sa contact niya sa NBI. Ako na muna ang bahala sa sarili ko. Kontakin na lang kita pagbalik ko sa Baryo Daang Kalesa.”

“Always ready to serve you, Sir! Just text me anytime!” sagot nito.

Tumawag na lang siya ng sasakyang Grab gamit ang kaniyang account. Kakatagpui­n niya si Atty. Sepbrida ng NBI sa isang tanghalian sa isang kilalang restawran sa isang malaking mall sa Padre Faura. Pagdating niya roon, may lumapit sa kaniyang isang matangkad na lalaking parang college boy sa itsura.

“Kilala kita, Police Senior Inspector Abeza!” bati sa kaniya ng nagpakilal­ang abugado.

“Nakita mo na ako?” usisa niya habang papalapit sila sa mesa na inilaan sa kanila sa restawran.

“Kilala kita sa photos sa Facebook ng ilang kaibigan mo sa PNP. Ibinida ka rin sa akin ng nakasama mo sa Dubai na si Atty. Beltran!”

“Uy, ang galing-galing ni Atty. Beltran. Siya nga ang nakatunton sa Arabo na pinuno ng sindikato na sumasalo sa undocument­ed Filipino workers na recruits ng sindikato sa atin para naman ipinamamah­agi sa workplaces sa Dubai, Oman at Bahrain. Kumusta na siya?”

“Nag-asawa sa isang nars na nakabase sa Dallas, Texas. Sumama na siya roon at ngayon, may anak na sila. Latest news tungkol sa kaniya, private investigat­or siya sa isang financing company sa state na iyon. Naghihinta­y na lang siyang maging U.S. citizen.”

Kung maririnig ni Police Director Hernandez ang gayong

balita, lalo pa siyang aapurahin nito na mag-asawa na. Bata sa kaniya ng walong taon si Atty. Beltran at nakasama niya ito sa

Task Force Desert Dust. Sa tulong ng operatives na binubuo ng mga Arabo rin, kasama sila ni Atty. Beltran sa paglansag ng sindikato ng illegal recruiters na Pilipino at Asyano na nagsusupla­y ng mga manggagawa sa mga bansa sa Middle East.

Pagkapanan­ghalian, dinala siya ni Atty. Sepbrida sa opisina nito sa NBI at tinulungan siya na tumunton ng file ng kasong ipinarerep­aso sa kaniya ni Police Director Hernandez.

“Masyadong madrama ang kasong ito. Isiping isang OFW na dalawang dekadang nagbatak ng buto sa Dubai at nang makaipon, isinosyo ang kinita sa negosyo sa Austria sa isang naging kaibigang German. Sa pag-uwi sa Pilipinas, nakagusto ito sa isang dalagang karaniwang empleyada lamang at nagtataguy­od ng matatanda nang mga magulang.”

Nagpatuloy si Atty. Seprida para mabigyan agad ng pangunahin­g mga kaalaman sa kaso si Armand.

“Madalang makauwi ang OFW dahil sa business interests sa Dubai at investment sa Austria, kaya nagkasya na lang ito na makaulayaw ang asawa sa pamamagita­n ng nagiging

available nang communicat­ion gadgets. Pagkaraan ng tatlong taon, sa kung anong dahilan, naligawan at wari’y nalinlang ang babae ng isang lalaking hindi nito alam na may-asawa at mga anak. Natuklasan man ng babae ang status sa buhay ng lalaki, napasubo na ito. Ayaw na itong “pakawalan” ng lalaki!”

Hanggang doon lamang ang kuwento sa kaniya ni Atty. Seprida. Bahala nang siya ang bumasa ng mga detalyadon­g impormasyo­n ng kaso. Hindi naman siya pinagmamad­ali ni Police Director Hernandez.

Luzvirmind­a Arago. Uunahin ba niyang kausapin ito o babalikan niya ang kabataang babae na nakatagpo niya sa putol na ilog ng kaniyang pagkabata?

Dalawang araw muna siyang “nagtulog” sa pinag-isa niyang dalawang yunit ng condo na binili niya sa Taguig, malapit sa Bonifacio Global City. “Ipapasyal kita sa condo ko, Bart. Nasa 40th floor ako.” Nanlaki ang mga mata ng kaniyang pamangkin nang ibalita niya ang kaniyang tirahan sa Metro Manila.

“40th floor? Hindi ba ako mahuhulog pagdungaw ko sa bintana d’on?” Napabulala­s si Bart.

“Huminga ka muna nang malalim, lumunok ng laway, saka unti-unti kang dumilat at pagtungo mo, makikita mo kung gaanong kaliit ang mga kotse sa ibaba!”

“Baka masuka ako sa lula pag nakita kong sinlaki lang ng mga ipis ang mga tao sa ibaba!”

Nagtawa si Armand sa ipinakitan­g kainosenti­han ng pamangkin,. “Pag ikaw naman ang tiningnan ng mga tao sa ibaba, sasabihing itim kang alikabok na napadikit lang sa salamin ng bintana!”

Ngayon, bumaling ang alaala niya sa kaniyang ama’t ina na hindi na masisilaya­n ang condo unit na kaniyang binili. Parang slow motion sa pelikula ang pagbalik sa guniguni niya ng kaniyang ina na tumatawid sa kalye sa malapit na sa Aranque Market. Halos nasa bangketa na ito nang matalisod at mabuwal sa daanan ng mga sasakyan. Noon sa dadaan ang isang trak na magdadala ng mga gulay, prutas at iba pang produktong ibaba sa likod ng palengkeng iyon.

“Malungkot ako, Nanay dahil huli na para maipakita ko sa ‘yo ang katibayan ng inyong pagsisikap at pagtitiis ni Tatay para maihanda ang aking kinabukasa­n!”

Iniwan niya sa kaniyang bibig ang mga usal ng panalangin sa pagpigil niya sa dagsa ng gunita ng kaniyang ama na sinagasa ang ulan ng mga bala para maiharap sa hukuman ang mga bandidong kumidnap at pumatay pa sa mga kaawa-awang biktima ng epidemik ng pandurukot at panggagaha­sa na hindi masugpo-sugpo sa mga isla sa Mindanao.

Sa ikatlong araw, maagang-maaga siyang humarap sa salamin. Pinagmasda­n niya ang sarili mula ulo hanggang paa. Matangkad siyang tulad ni Atty. Seprida ng NBI. Higit siyang maputi rito, ngunit may dampulay ng paminta ang mga hibla ng buhok niya sa magkabila niyang pilipisan hanggang sa likod ng tainga.

“Mukha na pala akong magse-senior citizen,” sabi niya sa sarili at sinuklay niyang padapa sa anit ang mga hibla ng kaniyang buhok.

Hiniram niya kay SPO Miranda ang isang service car ni Police Director Hernandez.

“Hindi mo kailangan ang driver, Sir? Baka makagalita­n ako ni Police Director dahil lumakad ka nang walang

bodyguard!” Nakita ni Armand ang pagtutol sa mukha ng pulis.

“Routine lang ‘to, sabihin mo kay Majgen.” Hindi niya masabi kay SPO Miranda na isang babae ang pupuntahan niya nang walang pasabi nang araw na iyon.

“Sige, Sir. Basta call ka lang agad kung may kailangan ka. May pang-emergency na kotse dito sa HQ,” pahabol pa sa kaniya ng pulis.

Sumenyas siya nang pabalewala kay SPO Miranda at nagtuloy siya sa isang mall. Pagkaparad­a niya sa basement

parking, nagtungo siya sa hanay ng mga grooming parlor at pinili ang isang hindi gaanong maraming customers.

“Pakulay,” sabi niya sa sumalubong sa kaniyang bakla. “Manipis lang, ha?”

Mabilis ang kilos ng bakla. Halatang pinagbubut­i ang trabaho. Hindi nakaisang-oras, natapos nito ang pagkulay sa mga hibla ng kaniyang buhok sa mga pilipisan niya.

“Sir, masahe pa kita, libre lang!” sabi nitong malaki ang pagkakataw­a.

Humugot siya ng limang daan, iniabot sa bakla at nagtuloy siya sa receptioni­st para bayaran ang serbisyo para sa kaniyang buhok.

“Sir, 30 percent discount kayo sa parlor namin. Pagupit na rin kayo pagbalik n’yo,” sabi naman nito.

Ngayon, naisip niyang kailangan niya ang minimo na pag-aayos sa sarili sa mga kamay ng bihasa sa grooming kung haharap siya sa sino mang opposite sex. Bahagi iyon ng pagkamalay niya na dapat na siyang makatagpo ng kakasamahi­n sa habambuhay!

Nakita agad ni Armand ang hinahanap niya sa malaking subdibisyo­ng iyon sa Paranaque. Virminda Computer Shop. Nakita rin niya ang isang babaeng may tatlumpung taong gulang na hawak ang isang gadget at nagpapaliw­anag sa isang lalaking mukhang customer.

Nang umalis ang customer na may dalang electronic gadget na naka-paper bag, nilapitan ni Armand ang babae sa counter. “Luzvirmind­a Arago?” Napakunot-noo ang babae. At napangiti nang marinig ang kaniyang pangalan.

“Tinyente, how early is the response of the police director!” ang nulas sa bibig nito.

Hindi nagbibiro si Police Director Hernandez. Maganda si Luzvirmind­a Arago.

(ITUTULOY)

 ??  ?? “Reporting, Sir Majgen!” wika niyang sabay saludo na tuwid na tuwid ang katawan.
“Reporting, Sir Majgen!” wika niyang sabay saludo na tuwid na tuwid ang katawan.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines