Liwayway

Nasaan Ang Forever (37)

- Neri Jedeliz

(IKA-37 NA LABAS)

NAKADAMA rin si Ray ng excitement sa sinabi ni Boy Turko na may nakapaskel daw doon sa gate ni Madam ng “wanted yaya”. Kaagad naisip niyang bakit hindi na lang yayahan ni Magda ang sariling anak upang magiging malapit ang damdamin ng mag-iina? Ngunit alam din niyang di ganoon kadali kaya patuloy siya sa pag-uusisa ke Boy Turko.

“Ano, Boy, sabi mo me nakapaskel doon sa gate ng bahay ni Madam na “wanted yaya”, bakit wala ba roon si Madam sa kanilang bahay?” tanong ni Ray.

“’Yan din ang katanungan ko sa sarili nang makita ko ang nakapaskel, kaya gumawa ako ng paraan upang mag-usisa. Pinindot ko ang doorbell at magpa-tao po. Tutal di naman nila ako kilala at di ko rin sila kilala.” “O, anong nangyari?” “Isang matandang babae ang lumabas. Sa tingin ko’y iyon ang mayordoma. Nagtanong siya kung ano ang kelangan ko. Sabi ko, magtatanon­g lang ako tungkol sa nakapaskel sa kanilang gate na “wanted yaya.” “O, ngayon…” “Ang akala niya’y ako ang gustong mag-aplay kaya sabi niya’y di sila tumatangga­p ng lalaking yaya. Napatawa nga ako sa sarili sapagkat isa akong gangster na kamukha ni Al Capone, ngayo’y mag-aaplay na yaya. Kaya sabi ko, me pamangkin akong babae na p’wedeng magyaya. Sabi ko, itong pamangkin ko’y nakapagtra­baho na sa Dubai bilang caretaker, kaya magaling siyang mag-alaga ng mga bata.

“Mukhang nagkainter­es ang matanda nang banggitin ko

ang caretaker kaya sabi niya’y kung gustong mag-aplay ang aking pamangkin dalhin ko na lang doon.”

“Magaling. Nagtanong ka ba kung bakit naghahanap sila ng bagong yaya?”

“Oo. Sabi niya, wala pala doon ang mag-asawang mayari ng bahay, naroon daw sa California na me inaasikaso­ng bagong negosyo. Matagal palang tumira itong mag-asawa sa California at baka aabutin sila roon ng tatlong buwan. Magbubukas daw sila roon ng Filipino restaurant. Iniwan nila pansamanta­la ang kanilang anak daw na lalaki na limang taon ang edad at papasok na sa kinder. Kaya naghahanap sila ng yaya upang pansamanta­lang mag-aalaga sa bata.” “Bakit wala pa bang yaya ang bata?” “Meron dati. Kaya lang umuwi sa probins’ya nang magkasakit ang ina. Baka daw di na bumalik at asikasuhin nito ang ina at iba pa nilang kabuhayan.”

“Ngayon, sino ang kasama ng bata at ng matandang babae doon sa bahay ni Madam?”

“Ang matanda ay bale mayordoma nila. Me kasama pa silang dalawang katulong. Kaya apat sila doon pati ang bata. Me dalawang security guard naman doon kaya wala namang problema.” Humugot nang malalim na paghinga si Ray na napangisi. “Sige, pagbalik mo doon ay magkasama na kayo ni Magda. Sabihin mo’ng si Magda ang siya mong pamangkin na

caretaker at siyang gustong mag-aplay na yaya.” “’Yan nga rin ang pumasok sa kukute ko. Nahulaan ko kaagad na ‘yong batang lalaking nakita ko roon, ang siyang anak ni Magda na nais niyang mabawi. Pagkakatao­n na ito upang magkalapit sila ng kanyang anak.”

“Nakana mo, bata. Bukas na bukas din ay tutungo ako sa Baguio upang sunduin si Magda.” Dumukot si Ray ng pera sa kanyang pitaka at iniabot kay Boy. “Pambayad mo ‘yan sa pansit canton at beer,” ani Ray.

“Aba, ang laki nito. Hindi lang pansit canton ang mabili nito, baka dalawang buong litsong baboy ay p’wede nang bilhin nito,” ani Boy na napangisi at kinuyom sa kanyang palad ang lilibuhin na salapi.

“Kayo ang bahala kung ano ang bilhin mo. Hintayin mo lang kami ni Magda at iteks na lang kita.” Tumayo na si Ray at lumabas ng karinderia.

KINABUKASA­N…

Madilim pa nang magising si Ray upang tumungo sa Baguio. Tanghali na nang makarating siya sa lunsod ng Pino. Di muna siya dumeretso sa kanilang rest house kundi’y dumaan muna siya sa bupete ni Atty. Cesar Jayme.

“O, Ray, kumusta?” bati ni Atty. Jayme nang pumasok si Ray sa kanyang opisina. “Kumusta ang lakad mo?”

“Ito. Ngayon ay naniniwala na akong sina Ana at Liza ay magkakamba­l. Nang makilala ko noon si Ana sa Manila, naririto lang pala sa Baguio si Liza, na di sinasadya’y nagkabangg­aan kami at nagkakilal­a rin.”

“Kung gayo’y itong magkakamba­l na sina Ana at Liza’y iisang lalaki lang pala ang kanilang boyfriend, at ikaw ‘yon, di ba?” “Korek ka d’yan.” “Ngayon nasaan na itong magkakamba­l?”

“Sa tingin ko’y wala sila rito sa Pilipinas, at kung naririto lang sila, di p’wedeng di nila ako kukontakin. Sabi ko nga, baka nasa abroad sila.”

“Alam mo, Ray, matagal namang naging kliyente ko itong si Liza at noon me mga malalaking negosyo rin siya rito sa Baguio. Ngunit unti-unti niyang ipinagbili ang kanyang mga ari-arian rito at bigla na lang lumipat siya sa Maynila.” “Ano pa ang nalalaman mo tungkol kay Liza?” “Baka di ka maniwala kung sasabihin ko sa ‘yo.” Masusing tinitigan ni Atty. Cesar Jayme si Ray.

“Sabihin mo sa akin, sapagkat basta tungkol kina Ana at Liza’y tiyak damay ako riyan.”

“Okey. Alam mo namang bilang isang abogado’y di talaga mawawala sa atin ang curiousity tungkol sa ating mga kliyente. Nais nating ang taong lumalapit sa atin upang kunin ang ating serbisyo’y dapat lamang na makilala o makilatis nang husto. Kaya nagpa-background check ako kay Liza.”

“S’yanga? Ano naman ang natuklasan mo tungkol sa kanya?”

“Nalaman kung me permanente palang personal nurse na nag-aalaga sa kanya. Stay in ang nars. Nalaman ko ring madalas na pumupunta sa ospital si Liza upang magpa

check up. Nang sisiyasati­n ko ang record ni Liza sa ospital, natuklasan kong me sakit pala siyang cancer at me taning na ang kanyang buhay.”

Di kaagad nakapagsal­ita si Ray. Napailing na lang siya at huminga nang malalim.

“’Yan din ang sapantaha ko, sapagkat sa aming pagsasama ni Liza’y madalas ko siyang makitang umiinom ng gamot, na marahil ay pang-maintenanc­e niya. Madalas ko ring mapansin, na kung minsan ay bigla na lang siyang mahihilo. Pag magtanong ako’y ayaw ring magsalita,” nasabi ni Ray kalaunan.

“Sa palagay ko’y di lang niya nais na mag-worry kayo, o marahil, upang maitago niya sa ‘yo ang tunay niyang identity. Marahil, si Liza lang ang me sakit na cancer, at ang kanyang kakambal na si Ana ay wala.”

“Sana, gayon nga.” Parang dasal na namutawi sa mga labi ni Ray. “Gayon nga marahil.” Napangiti si Atty. Jayme. “Panyero, kaya nga dumaan ako rito, gusto kong ako na lang ang bibili sa mansion nina Ana at Liza. Ibig kong huwag mawala sa kanilang pag-aari itong bahay na ancestral house nila, na tiyak naglalaman ng mga mahalagang alaala ng kanilang angkan. Tiyak me sentimenta­l value itong bahay para sa magkakamba­l.”

“Aba, madali ‘yan. Ako nga ang broker e. O, ano, gusto mong makita ang mansion?” “Sige.” Tumayo si Atty. Jayme at umuna nang lumabas. Sumunod si Ray. Sa bungad ng opisina ni Atty. Jayme naririyan din ang mesa ng kanyang sekretarya. May ipinagbili­n si Atty. Jayme sa kanyang sekretarya. At kapadaka’y lumabas na sila at bumaba sa ground floor. Naroon naman sa harap naka-park ang kotse ni Ray. Pumasok sila sa kotse, si Ray ang magmamaneh­o. Mula sa Burnham Park, kalahating oras lang ang kanilang tinakbo at narating nila ang kinatitiri­kan ng mansion.

Bumaba sila at lumapit sa gate na bakal ng mansion. Namangha si Ray nang makita ang kabuuan ng mansion.

“Wow, ang ganda! At ang lawak ng sakop na lote.

Nais ni Ray na mabigyan na ng kalutasan ang problema ni Magda, upang maharap na niya ang paghanap sa nawawala niyang “forever.”

Napaikutan pa ng mga Pine tree ang bakuran,” nasambit ni Ray.

“Maganda nga. Kaya parang nanghihina­yang din ako na mapunta sa iba na di natin kilala. Buti nga nagkainter­es kang bilhin na lang ito. Ipaalam ko ba ke Liza na kayo ang bibili?”

“Aba, huwag. Baka magulat silang dalawang magkakamba­l. Marahil di naman sila magtatanon­g sa ‘yo kung sino ang nakabili sapagkat layon lang naman nilang maibenta ito. Naririyan ka ring kanilang abogado na magsaayos ng lahat.” “Sige, kung ‘yon ang gusto mo.” “Bigyan mo ‘ko ng dalawang araw upang maibigay sa ‘yo ang aking tseke.” “Okey, a. Ikaw pa.” Bumalik sila sa downtown at doon na sila nagkahiwal­ay. Kaagad na tinungo naman ni Ray ang kanilang rest house kung saan naroroon si Magda. Ang una niyang nakita’y ang kanilang caretaker na matandang lalaki. “Tatang, kumusta ang ating bisita?” bati ni Ray. “Naroroon sa hardin at nagdidilig ng mga halaman. Gusto lang daw niya ang makapag-ehersisyo at baka raw tumaba siya sa kain at tulog lang,” tugon ng matanda.

Lumakad si Ray patungo sa hardin. Nakita nga niya si Magda na nagdidilig. Nagulat pa ang dalaga ng batiin siya ni Ray.

“Aba, Ray, kelan ka lang umalis, naririto ka na naman?” sambit ni Magda na masiglang sumalubong kay Ray. Yumakap pa ito kay Ray.

“Kiss muna. Miss na kita,” ani Magda at mabilis na dinampian ng isang masuyong halik sa pisngi si Ray.

“Miss mo na ‘ko, e, kahapon lang tayo nagkahiwal­ay?” “Ewan, kung bakit miss na kita kahit isang araw lang na di kita makita. O, ano ang balita?” “Tiyak matutuwa ka sa dala kong balita.”

“Excited na nga ako, lalo na nang sabhin mo sa akin kahapon na p’wede ko pang mabawi ang aking anak sapagkat wala palang adoption paper na napagawa ang mag-asawang umampon ng aking anak.”

“Lalo kang maging excited pag sinabi ko sa iyong p’wede mo pa makita at mayakap ang iyong anak.” “Talaga? Aba, parang dilang anghel ka kung magsalita.” “Totoo ‘yon. Kaya magbihis ka na at aalis na tayo ngayon upang tumungo sa Maynila.”

Natigilan si Magda na tila di makapaniwa­la. Ngunit nakita niya sa mukha ng binata na di ito nagbibiro. Kaya masayang pumasok siya sa bahay upang magbihis. Naghintay lang si Ray sa labas.

Ilang saglit pa, lumabas si Magda na may bitbit na isang bag na ang laman ay ang kanyang mga damit at gamit.

“Ready na ‘ko,” sambit ni Magda. “O, tayo na.” Nauna nang lumakad si Ray na kasunod si Magda. Sumakay sila sa kotse ni Ray.

Habang tumatakbo ang kanilang sasakyan patungong Maynila’y ikinuwento ni Ray kay Magda ang ikinuwento rin sa kanya ni Boy Turko.

“Kung gayo’y p’wede na ‘kong magyaya sa aking anak?” Halatang excited talaga si Magda.

“Pagkakatao­n mo na ‘to na magkalapit kayo ng iyong anak. Pero huwag kang magmamadal­i. Huwag ka munang magpakilal­a na kayo ang kanyang ina, baka lang matakot ang bata sa ‘yo. Idaan mo ito sa suyo at diplomasya.”

“Ako na ang bahala riyan. Alam ko ang aking gagawin bilang isang ina. Mother knows best.” “Magdasal ka lang na ikaw ang matanggap na yaya.” “Kelangan ako talaga. Ang tagal kong hinintay ang pagkakatao­ng ito. Hindi p’wedeng hindi. Kung kelangang gilitan ko ang lalamunan ng mayordoman­g ‘yon upang matanggap lang ako, gagawin ko.”

“Tingnan mo, ngayon pa lang naging bayolente ka na. Sabi ko, relaks lang.”

Dumidilim na nang makarating sila sa Maynila. Dumiretso sila sa bahay ni Ray upang doon muna patutulugi­n si Magda kasama ni Juday. Samantala si Ray umalis muna at may kakausapin pang kliyente. Kinaumagah­an na lang niya dalhin si Magda sa bahay ni Madam upang mag-aplay na yaya kasama si Boy Turko.

KINAUMAGAH­AN… Matapos na makapag-almusal, sinabihan ni Ray si Magda na maghanda na at aalis na sila. Tumalima naman si Magda at umalis sila. Ngunit nagtataka si Magda nang sa isang boutique sila pumasok. “Ano ang gagawin natin dito?” tanong ni Magda. “Magpamek-ap ka,” maiksing tugon ni Ray. “Magpamek-ap? Di ba papasok ako bilang yaya, hindi isang beauty queen?”

“Kelangan mo ang make-over, upang kahit paano’y magbago ang anyo mo. Naniniguro lang tayo, Magda. Kelangan walang makakilala sa ‘yo. Malay natin, baka nakita ka noon nitong mayordoma at matandaan ang pagmumukha mo. Magiging bulilyaso ang lakad natin pag nagkagano’n.”

Naunawaan kaagad ni Magda ang tinutukoy ni Ray. Ang mga abogado nga naman, magaling dumiskarte upang manalo sa kaso.

“Sige, mainam ding magbago kahit paano ang itsura ko, dahil baka maispatan ako ng mga tauhan ni Gudo, tiyak mabulilyas­o nga ang lakad natin.” Kaibigan ni Ray ang baklang make-up artist. Itong make-up

artist nakapagtra­baho naman sa pelikula kaya kayang-kaya nito baguhin ang mukha ng kanyang kliyente sa pamamagita­n lang ng mek-ap. Akala nga ng make-up artist ay lalabas sa isang pelikula si Magda.

“Ano bang anyo ang nais ng iyong kliyente, Ray. Gawin ba nating aswang, bampira, bruha o impakta?”

“Hindi naman. Kahit ano, basta magbago lang ang kanyang mukha. Na me pagkakaiba sa tunay niyang anyo,” tugon ni Ray. “’Yan o, mahaba ang kanyang buhok. Putulan mo at iksian kagaya ng buhok ni Jolina Julie sa pelikulang Benevolent.”

“A, gano’n ba? Medyo manipis din ang kanyang labi, kaya mek-apan natin upang kumapal. Ang kanyang kilay ay pakapalan din natin. P’wede rin siya magsuot ng false eyelids upang di masyadong mapupuna na banlag siya.”

“Hoy, di ako banlag. Ano ako manok?” sansala ni Magda sa biro ng bakla.

“A, bahala na kayo,” singit naman ni Ray. “Wala akong alam diyan. “Sa lahat ng kinaiinisa­n ko’y ang magtagal sa harap ng salamin, kaya ang lahat sa akin ay natural.” At tumalikod na si Ray upang magpahangi­n sa labas habang naghihinta­y kay Magda. Tawagan niya si Boy Turko sapagkat ito ang sasama kay Magda upang mag-aplay na yaya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tumawag. “O, Boy, naririto na si Magda. Samahan mo siya ngayon na upang mag-aplay na yaya. Sasama din ako kaya lang di ako lalantad,” ani Ray nang sumagot si Boy sa kabilang kawad.

“Okey a. Pero, Boss, me ibabalita ako sa ‘yo na baka interesado ka.” “Ano ‘yan?” “Tungkol ito kay Gudo.” “Bakit nasaan si Gudo?” “Sa punerarya.” “Ano?” nabigla rin si Ray.

(ITUTULOY)

 ??  ?? “Wow, ang ganda! At ang lawak ng sakop na lote. Napaikutan pa ng mga pine tree ang bakuran,” nasambit ni Ray.
“Wow, ang ganda! At ang lawak ng sakop na lote. Napaikutan pa ng mga pine tree ang bakuran,” nasambit ni Ray.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines