Liwayway

Malulunasa­n Ba Ng Diborsiyo Ang Kalungkuta­n?

- Onil Lavares

MAINIT na paksa ng mga debate lagi ang diborsiyo. Ngunit wala naman talagang bago o kagimbal-gimbal hinggil sa konsepto at kaugaliang ito. Ang kasaysayan nito’y makikita sa Code of Hammurabi kung saan isinabatas ang diborsiyo sa Babylon mahigit 2,000 taon na. Naging masamang kostumbre rin ang diborsiyo ng mga Hudyo noong panahon ng Lumang Tipan at ito’y isinama sa Mosaic Law. Kinasangka­pan din ng mga sinaunang Romano at Griego ang kanilang batas sa diborsiyo upang magpalitan ng mga asa-asawa.

At, naisip din si Jose (na itinakdang esposo ni Maria) na diborsiyoh­in siya nang madiskurbr­e niyang si Maria’y “nagdadalan­tao.” Ngunit, ayon sa ebanghelyo ni San Mateo, may anghel na ipinadala ang Diyos at sinabi sa kanyang “ang anak sa kanyang sinapupuna­n ay gawa ng Espiritu Santo.” (Sapagkat matuwid na tao si Jose, sumunod siya sa kalooban ng Diyos at ginampanan niya ang papel niya bilang ama sa lupa

(foster father) ni Jesus). Kamakaila’y naging mainit na isyu ang panukalang batas na ipinasa sa Kongreso tungkol sa legalisasy­on ng diborsiyo. Sa ilalim ng batas na ito, magiging madali na ang annulment ng mga kasal batay sa mga kondisyong ito: “Physical violence or grossly abusive conduct directed against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner; physical violence or moral pressure to compel the petitioner to change religious or political affiliatio­n; attempt of respondent to corrupt or induce the petitioner, a common child, or child of petitioner to engage in prostituti­on; imprisonme­nt of respondent for more than six years, even if pardoned; drug addiction or habitual alcoholism or chronic gambling on the part of respondent; respondent’s homosexual­ity; bigamous marriage contracted by respondent; marital infidelity or perversion or having a child with another person other than spouse during marriage, except upon

mutual agreement; attempt against the life of the petitioner, common child or child of petitioner; abandonmen­t by petitioner by respondent without justifiabl­e cause for more than one year.”

Ipinanunuk­ala rin ng batas na maaaring magdiborsi­yo ang mag-asawang hiwalay na sa loob ng limang taon. (Kasama sa batas ang mga probisyon hinggil sa annulment ng kasal na nakasaad sa Article 45 ng Family Code of the Philippine­s.)

Ang diborsiyo’y paghahayag o hatol ng hukuman na nagpapawal­ang bisa sa isang kasal at pinahihint­ulutang magpakasal sa iba ang naghiwalay na mag-asawa.

Maraming argumento ang mga umaayon sa magkaroon ng diborsiyo rito sa Pilipinas. (Ang bansa nati’y isa sa dalawa lamang na bansa kung saan walang diborsiyo – ang ikalawa’y ang Vatican). Anila’y kung hindi na magkasundo ang magasawa, bakit kailangan pang patagalin ang malaimpiye­rno nilang buhay? Kapag anila hindi na matagalan ng mag-asawa ang kanilang pagsasama, ang lunas ay pahintulut­an silang maghiwalay at humanap ng ibang partners. Ang sabi naman ng iba: kailangang maging malaya ang mga babae sa pag-aaruga sa kanilang asawa lalo na kung ang huli’y babaero!

Wala ring bago sa isyu ng pagtutol sa diborsiyo. Si Kristo mismo ang nagsabing “…kapag pinahiwala­y ng isang lalaki ang kanyang asawa nang hindi naman ito nangangalu­nya, at ito’y nag-asawang muli, ang lalaking iyo’y nagkasala – itinulak niya ang kanyang asawa sa pangangalu­nya. At sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalaya­n ay nangangalu­nya.” (Mateo 5:32)

Ito ang kinatataku­tan ng Simbahan at lahat ng tutol sa diborsiyo: sa oras na maging legal ang diborsiyo sa Pilipinas, darami ang awayan, pagseselos­an, at hiwalayan ng mga magasawa. Ayon sa ilang teologo, marami pa ngang may-asawa

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines