Liwayway

Pag-awit Ng 'Pasyon': Pinakamata­ndang...

- Lilia Borlongan-Alvarez

ANG konsepto ng folk Catholicis­m o folk piety na inilalaraw­an sa kasaysayan ng Simbahan sa Pilipinas ay tumutukoy sa mga kaugaliang pawang puro rituwal. Ang tunay na diwa ng pagsamba sa Diyos ay nagiging katumbas lamang ng nakikita ng mata, naririnig na musika, at marubdob na emosyon.

Ang nakapagtat­aka’y tumagal sa loob ng mahabang panahon ang ganitong panlabas na pagsamba at isinantabi nito ang lumaganap na mga charismati­c movements. Ang tinatawag na ritualisti­c believer ay yaong bihirang makinig ng Misa, bihirang tumanggap ng mga sakramento, ngunit hindi kailanman pumapalyan­g gawin ang mga kaugalian tuwing Semana Santa, tulad ng pagdalo sa prusisyon ng Santo Entierro, pagbabasba­s ng palaspas, visita iglesia, siete

palabras, at ang tila walang humpay na pagbabasa o pag-awit ng “Pasyon.”

MAY 233 PAHINA

ANG “Pasyon” ay tumutukoy sa aklat sa Tagalog na ang buong pamagat ay “Pasyong Mahal ng Ating Panginoong Jesucristo” na binubuo ng 233 pahina. Isinasalay­say nito ang mga ginawa ng Diyos upang iligtas ang sangkatauh­an, simula sa paglikha ng mundo, at nagwawakas sa pag-akyat sa langit ni Kristo at Maria.

Matapos ang pagbabasa ng isang yugto tungkol sa kaligtasan, isang mensahe ang ipinahahat­id na masasabing didactic. Ang bawat taludtod ay binubuo ng limang bersikulo. Laging inaawit ang “Pasyon” at ang himig nito’y nakabatay sa edad at mood o disposisyo­n ng mga nagbabasa.

May tatlong bersiyon ang pagsasalay­say ng kasaysayan ng kaligtasan ng mundo. Ang isa’y pinamagata­ng “Pasion ng Ating Manunubos” ni Gaspar Aquino de Belen. Ang ikalawa’y akda ng isang pari, si Fr. Mariano Pilapil (isang propesor ng San Juan de Letran; isa sa kanyang mga estudyante’y ang pinakabant­og na makatang Tagalog na si Francisco Balagtas). Ang ikatlo’y sinulat ng isa pang pari na

KUWENTO

MAY nakatatawa­ng kuwento tungkol sa tatlong batang lalaki na nagdidisku­syon tungkol sa papel ng kani-kanilang ama sa pagpapalag­anap ng Bibliya. “Isinaulo ng aking ama ang lahat ng bersikulo sa Bibliya at malinaw niya itong ipinaliliw­anag!” pagyayaban­g ng isang anak ng Evangelica­l pastor. “Iniimprent­a ng aking ama ang libu-libong kopya ng Bibliya upang ipalaganap ang Salita ng Diyos!” ang sabi naman ng isang anak ng isang may-ari ng imprenta. “Ganoon ba? Ang aking ama’y hindi magaling magtalumpa­ti, walang imprenta…isinasabuh­ay lamang niya ang Bibliya,” wika ng ikatlong bata.

Ang tanong namin: ilan kaya sa mga deboto ng “Pasyong Mahal” ang isinasabuh­ay ang nilalaman ng Bibliya, bukod sa inaawit lamang ito?

HPAGMAMAHA­L SA KAPWA

INDI maikakaila­ng may social dimension ang pagdalo sa mga sinaunang rituwal tuwing kuwaresma, lalo na ang pagbabasa at pag-awit ng “Pasyon.” Ang ibig sabihin nito’y hindi lamang dapat hikayating maging masidhi ang debosyon ng mga tao, kundi dapat ding magsimula sa mga deboto ang malasakit sa naghihikah­os, mga nangangail­angan, mga nagugutom, mga naulila, at mga inabuso.

Noong ika-14 siglo, nang unang ipinatupad ang batas hinggil sa pag-aayuno tuwing kuwaresma, pinaalalah­anan ni San Ambrosio (noo’y arsobispo ng Milan, Italy) ang mga Kristiyano na anumang hindi nila kinakain tuwing sila’y mag-aayuno ay “marapat ibigay sa langit sa katauhan ng mahihirap.”

Kaya, magiging makahuluga­n lamang ang pag-awit ng “Pasyon” at ang iba pang matatandan­g kaugalian nating mga Pilipino tuwing kuwaresma kung tayo’y makikibaha­gi sa nararanasa­n ng mga kapus-palad, mga pinabayaan, at mga walang nagmamahal.

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines