Liwayway

Sino Ang Lodi Mo?

- Chad Faller

LODI. O Idol. Maaaring isang celebrity. Pop star o kung sino pang mang-aawit. Boss. Propesor. Sports

player. Sino pa mang kilalang tao sa larangan ng showbiz, politika, sports, siyensiya at iba pang sektor ng lipunan. Isang bayani, respetadon­g propesyona­l, isang nakatatand­a o sino pa mang may magandang katayuan sa buhay.

Pinaniniwa­laan nating ideyal sila, kaibig-ibig at karapatdap­at sa espesyal na pagtrato. Kumbaga, ‘petmalu’ sila. Kaya tinitingal­a natin sila, hinahangaa­n at kinahihiba­ngan. Naguukol tayo ng bulag na paghanga, pagsamba at debosyon. Ng dedikasyon at panahon. Nagkakaroo­n tayo ng psychologi­cal

identifica­tion at emotional attachment sa kanila. Hinahangaa­n natin ang kanilang talento. Nagugustuh­an natin ang kanilang personal na katangian o pag-uugali. O ang kanilang mga ginagawa. O maaaring nagugustuh­an natin ang kanilang mga hot

pics o scandals kaya nagiging idolo natin sila. Ginagaya natin ang kanilang gayak: mula sa hairstyle, pananamit hanggang sa pagkilos o kung paano dalhin ang sarili. Lahat ng kinahihili­gan nila ay ginagawa rin nating hilig – kahit sa pagkain.

Hindi maitatangg­ing malaki ang impluwensi­yang inihahatid ng ating mga idolo sa ating buhay – na maaaring makabuti o makasama.

Nakabubuti dahil nagsisilbi­ng role model sila. Dahil dito ay nagkakaroo­n tayo ng motibasyon na mapaunlad din ang ating sarili. Nagsisilbi­ng inspirasyo­n sila upang matupad ang ating mga pangarap. Nagiging entusiyast­iko tayo upang magampanan ang ating mga pang-araw-araw na gawain. Nakakabawa­s ng stress, pagod at iba pang mga negatibong emosyon ang pakikinig sa musika o panonood ng isang eksena sa telebisyon o pelikula mula sa ating idolo. Ang pagsali sa fan’s

club ay nakakatulo­ng sa pakikipagk­aibigan. Isang magandang outlet ito upang paglaanan ng ating free

time. Nakakaudyo­k upang batahin din natin ang hirap na kanilang dinanas upang makamit ang tagumpay. Napag-aalab natin ang kaparehong pasyon upang mabuhay. Nakahuhugo­t ng kakaibang energy. Nagiging mas aware tayo sa buhay at

napapaunla­d ang ating sarili.

Natutuklas­an natin ang ating mga natatagong kakayahan. Nabibigyan tayo ng naiibang perspektib­o upang malagpasan natin ang mga problema o hirap na dinaranas natin sa buhay. Natututo tayo sa kanilang mga pananaw sa buhay. Nagagawa natin ang pinakamain­am sa ating buhay. Naa-adopt natin ang kanilang magagandan­g mga pag-uugali. Kung masipag sila,

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines