Liwayway

Empowered Woman

- Marilyn C. Arayata

MULA sa isang babae na laging abala sa pagpapa-sexy, naging isang magaling na abogada si Elle Woods, karakter na ginampanan ni Reese Witherspoo­n sa pelikulang “Legally

Blonde”.

Sa hirap sa law school, at dahil hindi naman sanay si Elle sa pagbabasa at sa intelligen­t discussion­s, naisip na rin niya na sumuko, pero hindi niya ginawa. Sa halip, ang party goer, fun-loving, anak-mayaman, maganda at sexy na si Elle, ay nagpilit na disiplinah­in ang sarili niya sa pag-aaral at pagbabasa.

Nakagugula­t at nakaaaliw, ang kaalaman pa ni Elle sa pagkukulot ng buhok, kasama ng lohika, common sense, at lakas ng loob ang naging daan para maipagtang­gol niya ang isang akusado at mahuli ang totoong kriminal sa sarili niyang dila. Hindi porke’t maganda at sexy ay wala nang ibang puwedeng patunayan. Kahit ang kanyang sariling mga magulang ay nagulat at hindi supportive noong sinabi niya ang tungkol sa pagpasok sa law school. Elle pushed herself to become the woman that she wanted.

Kung minsan ba ay nawawalan ka na ng gana at pinanghihi­naan ng loob dahil walang suporta galing sa mga malalapit sa iyo? Tandaan, ang umaayaw ay laging talo. Ano ba ang nasa kaibuturan ng puso mo? Minsan, kailangan mo lamang mag-focus sa kung ano ang dapat mong gawin.

Maaaring si Elle Woods ay isa lamang fictional character, pero maraming tao sa tunay na buhay ang kagaya niya na sinikap mas maging produktibo at empowered. Kung mayroon kang mga anak, sinusuport­ahan mo ba ang mga pangarap nila?

Kailangan natin ng maraming magulang, edukador, at namumuno na hahayaan ang mga kababaihan at mga batang babae na maging mayabong at bibigyan sila ng mga oportunida­d. We also need more films that encourage women to “do more, be more, and achieve more”. Ang mga kababaihan ay nagpapakah­usay at sinisikap na magkaroon ng mas makahuluga­ng buhay hindi para makipagkum­petensiya sa mga kalalakiha­n, kundi para maging kanilang kasama o ka-partner sa pag-unlad.

Isang pagpupugay sa mga taong hinahayaan­g maging mas mahusay, mas mainam, at mas makahuluga­n ang pamumuhay ng mga kababaihan! Happy Internatio­nal Women’s Month!

Ang mga kababaihan ay nagpapakah­usay at sinisikap na magkaroon ng mas makahuluga­ng buhay hindi para makipagkum­petensiya sa mga kalalakiha­n, kundi para maging kanilang kasama o ka-partner sa pag-unlad.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines