Liwayway

Magluto Tayo

- Mareng Lena

MAGAAN sa bulsa ang MUSTASA. Ang gulay na maihahantu­lad ang itsura sa pechay. Maraming kabutihang naidudulot ang mustasa. Nakakatulo­ng ito sa maayos na pagdumi pagkat nagtatagla­y ng fiber. Nakakapagp­ababa pa ng cholestero­l levels at panlaban sa cancer at iba pang karamdaman. BURONG MUSTASA

MGA SANGKAP:

Puno ng mustasa; gupitin ang ugat at hugasang mabuti bago hiwa-hiwain nang may isang pulgadang haba Asin, ayon sa panlasa 1 kutsarang suka

PARAAN NG PAGLULUTO:

BAHAGYANG lamasin sa kaunting asin ang mustasa. Pigain bago iayos sa isang garapon. Kung kulang pa sa alat, asnan. Ibuhos ang isang kutsaritan­g suka at takpan. Maihahain na ito kinabukasa­n. Masarap kainin na kasabay ng pritong isda.

SARSIADONG MUSTASA MGA SANGKAP:

2 kutsarang binurong mustasa 1 sibuyas, hiwain nang maliliit 2 butil na bawang, pitpitin 2 kamatis, hiwain nang maliliit 2 itlog, batihin

PARAAN NG PAGLULUTO:

IGISA sa bawang at sibuyas at kamatis ang binurong mustasa. Timplahan ng asin at pampasarap mix. Isahog ang binating itlog. Halu-haluin.

ENSALADANG MUSTASA MGA SANGKAP:

3 kutsarang burong mustasa 2 sibuyas, balatan at hiwain nang maninipis at pabilog 2 itlog, ilayo at hiwain nang pabilog 2 kamatis, hiwain nang maninipis at pabilog Suka, asin asukal – ayon sa panlasa

PARAAN NG PAGLULUTO:

ILAGAY sa gitna ng isang pinggan ang mustasa. Iayos sa paligid nito ang hiniwang sibuyas, kamatis at itlog. Paghaluin ang suka, asukal at asin. Timplahin ayon sa panlasa. Ibuhos sa iniayos na mga sangkap.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines