Liwayway

Pag-Usapan Natin!

- Kuya Sam

D EAR KUYA SAM: Masugid po akong tagasubayb­ay ng inyong pitak dito sa Liwayway. Ako nga pala si Mira, 25, dalaga, crew sa isang fastfood chain, taga-Samboan, Cebu. Sana’y mabigyan po ninyo ng espasyo itong aking liham para mailathala itong aking problema.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagkahiwal­ay po kami ng aking boyfriend for two years. Labis-labis po ang naramdamda­mn kong kahungkaga­n sa buhay sa hiwalayan na iyon. Siya kasi ang pinakamata­gal kong nakarelasy­on at parang nasanay na ako sa kanya. Kaya lang, irreconcil­able ang dahilan ng lahat kaya we both decided to call it quits.

Then biglang lumitaw si Brian. Actually, naging kami rin noon dahil sabay kaming nag-training sa TESDA ngunit nagkahiwal­ay rin dahil naging seaman siya. Big shot na siya ngayon, actually. Bigla siyang tumawag sa phone ko. Akala ko kung sino. Kumustahan. Bagong hiwalay rin pala sila ng girlfriend niya. Pagkalipas ng ilang linggo, niligawan niya uli ako. Magaan naman siya sa akin dahil kilala ko na nga siya.

Sinagot ko siya, Kuya Sam. Safe ako sa kanya, alam ko ‘yun. Pero sigurado rin ako na hindi ko siya mahal. Para bang nakahanap lang ako ng paraan para makalimuta­n ko ang ex ko. Medyo guilty nga ako rito. Panay “i love you” si Brian sa akin tapos sasagutin ko lang ng mga emoticons ang kanyang mga chat sa messenger.

Noong bumaba siya ng barko last month, isinama niya ako sa pamamasyal. Hindi ako nabigla sa kanyang pagiging galante dahil alam ko naman na mapera siya. But, gosh! Ang bait niya! Kahit kaming dalawa lang, hindi man lang niya ako pinagtangk­aang halikan. Hawak-hawak lang niya ako sa kamay kapag nag-trekking kami sa mga trail ng mga mountain resorts na pinupuntah­an namin.

Pero ewan ko ba, hindi pa rin nahulog ang loob ko sa kanya. ‘Yung ex ko pa rin ang hinahanap ng puso ko. Kuya Sam, payuhan mo nga ako. – MIRA

D

EAR MIRA: It takes time para maghilom ang puso mo, Mira. Napamahal kang masyado roon sa una mong boyfriend dahil matagal-tagal din kasi kayong nagsama. Iyong mga alaala kasi ang mahirap makalimuta­n. Para bang lagi kang pinapaalal­ahanan ng nakaraan. Halimbawa, mapadaan ka lang sa mga mall na pinapasyal­an ninyo, sa mga kainan na pinagkaina­n ninyo, siya lagi ang maalala mo. Pati nga usapan ninyo habang kumakain o kaya’y magkahawak-kamay na namasyal, tandang-tanda mo pa. Walang sablay iyon. Kahit kanino mo pa ito isangguni. At ang hindi mo lang mamalayan, tumutulo na lang ang luha mo. Pero siyempre, ayaw mo itong aminin. Ganito tayo ka-irrational kung may pinagdaana­n tayo.

Kaya lalo lang tayong nangunguli­la kung hindi tayo iiwas sa mga lugar na importante sa nakaraan nating relasyon. Nariyan na ang panghihina­yang, nariyan ang naramdaman nating kirot.

Mira, isang matinong manliligaw si Brian. The fact na ipinasyal ka niya kahit alam naman niya siguro na hindi pa gaanong buo ang inyong relasyon, hindi siya mapagsaman­talang tao.

Gayunpaman, be frank sa naramdaman mo kay Brian. Sabihin mo sa kanya na tuturuan mo ang sirili na mahalin siya. And it seems that you are heading that way dahil epektibo ang pagiging mabait at pagiging gentleman ni Brian. Panahon lang ang kailangan mo rito. Kapag makawala ka na sa pangunguli­la mo sa ex mo, walang duda na mapamahal mo na rin si Brian.

Siguro naman, mahihintay ka ni Brian dahil marunong naman siyang magtiis. Pero kung wala talaga, huwag mo naman siyang ikulong sa paasa. – KUYA SAM (MAAARI ninyong isangguni kay Kuya Sam ang inyong mga problema sa pag-ibig at buhay sa pamamagita­n ng e-mail address: kuyasam29@ yahoo.com o kaya’y ipadala sa: PAG-USAPAN NATIN c/o Liwayway Magazine, Manila Bulletin Publishing Corporatio­n, Muralla cor. Recoletos Sts., Intramuros, Manila.)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines