Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

ISANG mahirap na pamilya ang pinagmulan ni Apolinario Mabini. Subalit nagsikap siyang makatapos ng pag-aaral. Namasukan siya noong una bilang sastre sa kanilang bayan at dahil sa kanyang katalinuha­n ay natuto siya ng wikang Latin. Iyon ang naging daan para siya’y makapagtur­o nito. At pinuhunan niya iyon upang makatapos ng pag-aaral sa San Juan de Letran at nakapasa sa kursong Bachelor of Arts. Taong 1896 nang magkasakit siya at nalumpo. Ngunit hindi ito naging hadlang dahil siya’y naging tagapayo ni Hen. Emilio Aguinaldo sa itinayo nitong pamahalaan­g rebolusyon­aryo. Naging pinuno siya ng gabinete ni Aguinaldo at nahirang na punong mahistrado ng Korte Suprema sa Unang Republika ng Pilipinas.

ANG San Juanico Bridge ay bahagi ng tinatawag na Pan Philippine Highway na mula sa lalawigan ng Samar hanggang sa probinsiya ng Leyte. Ito ang pinakamaha­bang tulay sa Pilipinas na may 2.16 kilometro ang kahabaan. Ginawa ang tulay na ito noong 1969 at natapos ng taong 1973.

I

SANG Ilokanong manunulat sa wikang Ingles si Manuel Arguilla. Kilala siya sa kanyang maikling kuwento na “How My Brother Leon Brought Home A Wife” na nagwagi ng unang gantimpala sa Commonweal­th

Literary Contest noong 1940. Nang sumiklab ang digmaan laban sa mga Hapones ay lihim na kumilos si Arguilla subalit kalaunan ay nahuli siya, pinahirapa­n at pinatay ng mga sundalong Hapones sa Fort Santiago sa lungsod ng Maynila. NAGSIMULA ang career sa showbiz ni Mona Lisa na mas unang nakilala sa stage name na Fleur de Lis, noong 1930s sa mga pelikulang tulad ng “Ang pagbabalik” (1938) at “Giliw ko” (1939) pero mas lalong bumango ang kanyang pangalan nang gawin niya itong Mona Lisa at makipagtam­bal kay Fernando Poe, Sr. sa mga pelikulang gaya ng “Viuda Alegre” (1941), “Intramuros” (1947) at “Sagun”. Tumigil sa pag-aartista si Mona Lisa noong 1950s at bumalik lamang noong 1970s. Noong 1975 ay ginampanan niya ang papel na Tonia sa classic masterpiec­e ni Lino Brocka na “Insiang”, ang kauna-unahang pelikulang Pinoy na pinalabas sa Cannes Film Festival. Mga larawang mula sa Google

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines