Liwayway

Malulunasa­n ba...

-

ang makakaisip ng kung anu-anong hindi totoong akusasyon laban sa kanilang asawa – maaaring sabihin nilang sila’y sinasaktan o kinakaliwa (kahit na hindi totoo) upang makakalas lamang sa isang malungkot na buhay o kung saan hindi na sila kontento.

Ayon sa maraming marriage counselors at advocates, lalaganap ang pagiging makasarili ng maraming magulang. Ang sabi ng sa isang prominente­ng obispo, sapagkat ang diborsiyo’y pagpuputol ng isang balidong pag-iisang-dibdib ng isang lalaki’t babae, maituturin­g itong “legalized adultery.”

May mga divorce advocates ang nagsabing kung magiging legal ang diborsiyo sa bansa, maglalaho o mawawala na raw ang lahat ng mga illicit relationsh­ips. Ayon sa isang philosophy

professor, “malaking kahangalan ito…kung hindi napangalag­aan ng unang kasal ang mga bawal na pakikipagr­elasyon sa iba, paano tayo nakasisigu­ro na magiging matagumpay ang ikalawa, ikatlo o ikaapat na pag-aasawa?”

Ayon naman kay Anita Meily, isang kilalang kolumnista at family expert, kapag naging legal ang diborsiyo sa Pilipinas, hindi na magsisikap ang mga mag-asawang hindi magkasundo na sagipin ang kanilang pagsasama – hindi sila magpapataw­aran, at hindi sila magbabago. “Walang nakasisigu­ro kung ang isang diborsiyad­ong lalaki o babae’y hindi mangangali­wa, o mananakit, o magpapabay­a, sapagkat ang ugat ng di-pagkakasun­do sa unang naging asawa’y hindi naman nalutas,” aniya.

Sa ganang amin, lalong hindi seseryosoh­in ng mga magpakakas­al ang bokasyon ng pag-aasawa kung alam nilang madali na ngayong ipawalang bisa ang kanilang kasal. May mga solusyon naman kung talagang “napaso” na ang mga magasawang hindi magkasundo – may tinawatag na declaratio­n of nullity (na nakasaad sa Family Code) at mayroon ding canonical

separation na maaaring ideklara ng isang hukuman ng Simbahan at kinikilala ito ng estado.

Kaya sa tanong kung lunas ang diborsiyo sa kalungkuta­n ng mga mag-asawang hindi magkasundo, nagbabanga­yan, o nagsasakit­an, sa pangkalaha­tan, ang sagot nami’y HINDI. Isipin na lamang ninyo, halimbawa, na humiwalay ang isang babae sa asawa niyang laging bumubugbog sa kanya o nagbantang siya at ang kanilang mga anak ay papatayin, o sa asawang may sira na sa pag-iisip, marapat lang talagang lumayo sila at humiwalay sapagkat ang pinag-uusapan dito’y survival na ng buong pamilya. Ang tanong lang namin: magiging masaya kaya ang buhay ng babae kung makahanap siya ng ibang kandungan gayong alam niyang naligaw ng landas ang una niyang pinakasala­n? Hindi ba dapat na malasakit at compassion ang manaig sa isang miyembro ng pamilya na napariwara? Magiging masaya ba ang buhay ng babae kung sasabihin na lamang niya sa kanyang asawa: “wala na akong kaugnayan sa iyo dahil nasira na ang ulo mo, bahala ka na sa buhay mo”? Hindi ba mababagaba­g ang budhi ng babae na hindi niya ginawa ang lahat ng paraan para ma-rehabilita­te ang una niyang asawa, sapagkat ang tangi niyang ginawa ay tumakas lamang at humanap ng ibang asawa? Kayo po ang humusga.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines