Liwayway

Paano Kita Mamahalin? (73)

- Gilda Olvidado

(IKA-73 NA LABAS)

NAPAUPO na lamang si Tristan at nadiinan ng palad ang noo. Hirap na siya sa sitwasyon. Nawawala si Lorea, wala pa ring palatandaa­n na ang pulisya ay naniniwala­ng sina Anne at Andy ang may kagagawan.

Nasisira pa sa mga mata ng lipunan si Lorea na dati nang biktima ng kawalanghi­yaan ng rapist.

At ang kanyang pamilya na naman ang magdidiin kay Lorea bilang masamang tao—namigay ng anak, mas inuna ang pagsama sa lalaki kaysa mag-donate ng kidney sa anak na may sakit

At si Anton, hindi na nga ba uurong ang ama nitong rapist sa pagkakaloo­b ng

kidney? Gaano ba ka-healthy ang rapist para huwag silang mababahala na hindi iri

reject ang kidney ng isang mangingino­m at nagdodroga.

Ang dalawang mahal niya sa buhay, sina Lorea at Anton ay parehong walang katiyakan ang kaligtasan ngayon.

Pero hindi siya maaaring tumigil sa paghanap ng paraan.

Dahil naniniwala siyang si Anne ang utak ng pagkawala ni Lorea, kailangan niya itong dikitan. Hindi iiwasan. Kung siya ang nais makuhang muli ni Anne, kailangan niyang makipaglar­o.

Para sa kaligtasan ni Lorea. At para na rin sa kaligtasan ni Anton.

Naligo si Tristan, nagbihis ng casual elegance, saka tumawag kay Anne. “Hey ...” “Tristan ... himalang naalala mo akong tawagan?

Ang dalawang mahal sa buhay ni Anton na sina Lorea at Anton ay parehong walang katiyakan ang kaligtasan ngayon. Dahil naniniwala siyang si Anne ang utak ng pagkawala ni Lorea, ano nga ba ang kailangan niyang gawin?

Teka, baka naman I’ll hear non-stop from you about Lorea and that I’m still keeping her! Or that hindi naman siya sumama kay Andy even if that is very believable!” “Let’s not talk about her anymore.” Natigilan si Anne. “What do you mean?” Kunwaring napabunton­ghininga si Tristan. “I had a long talk

with my brother and his wife. For Anton’s sake, kailangan ko nang

tanggapin that Lorea should never be a part of the equation. Should be out of our lives.”

“Ayaw n’yo nang bumalik si Lorea diyan?” “Iyon ang hiniling ng rapist. That he will help Anton with

his kidney if Kuya Dino and Ate Thelma will tell the society that she is an irresponsi­ble mother. Na ipinamigay si Anton, na hindi natanggap si Anton bilang anak.”

“And that’s true, right?” “Yes. Totoo naman. Talaga namang itinawil niya ang pamangkin ko. At iyon ang magiging statement nina Kuya Dino and Ate Thelma. At kailangan kong tanggapin dahil totoo.” “Thank God! Natauhan ka rin!” “I guess my eyes are open now.”

Napaniwala si Anne, natuwa. “And that should open our chance of being in each other’s arms again, Tristan!”

“Gusto kong subukan uli, Anne.” “I’m so willing to try it again. Kailan ka pupunta dito?” “Today if you like.” “So okay with me. Hmmn ... with your clothes?” Napailing sa sarili si Tristan. Wala naman sana siyang balak na makipag-live in uli kay Anne. Pero kinakailan­gan niyang lumapit nang husto para makakuha ng hints kung nasaan si Lorea.

Kung saan tinatago ni Andy.

“Of course.” “You’ve really finally come to your senses, Honey! Ako naman

talaga ang true love mo so welcome back to my heart, Tristan!”

LUMABAS na sa dalawang tabloids at ilang broad sheets ang interviews kina Dino at Thelma. Bidang-bida ang rapist. Kontrabida­ng-kontrabida si Lorea. “We wanted Lorea to help our son, her real son ... pero ano ang ginawa niya? Inuna niya ang pagsama sa isang lalaking mas binigyan niya ng importansi­ya kaysa kay Anton.” “Hindi na siya nagpaparam­dam. Hindi na nangungumu­sta man lang sa anak niyang may sakit. We want Anton to live. Kaya gagawin namin ang lahat. And so nilapitan namin ang ... kanyang ama.” “At pumayag ho siyang mag-donate ng kidney sa bata? Kahit na ipinakulon­g siya ng pamilya ng babaing ginahasa niya?” “He is a changed man now. Tumino siya sa kulungan. Active sa Bible studies,” sagot ni Dino.

SA KULUNGAN ng mga sandaling iyon, palihim na nakikipag-inuman ang rapist sa mga maimpluwen­sIyang preso.

Birthday ng isang drug lord kaya may party. Kasabwat ang ilang mga alagad ng batas na nagbabanta­y sa kulungan.

Nabibili sila at kayang bumili ng pabor ang mga maimpluwen­sIyang preso na ito. Na kabilang ang rapist.

“Wow, pare! Naipalusot mo ang mga whiskey!”

“Ako pa? Nasa payroll ko ang pang-umagang guwardiya! Kaya, toast! Cheers!” “Cheers!” “Cheers na rin sa kumpareng rapist natin! Aba, nabaligtad ang mundo! Bida na siya ngayon sa lipunan! Ganda ng mga

statements ng mga umampon sa bata!” Ngising-ngisi naman ang rapist. “Gigil na gigil ako sa Lorea na ‘yon! Walang nagawa ang pera namin, naipakulon­g ako! Dahil galing niyang mag-manipulate sa sosyedad noon! Siya ang kinampihan ng lahat kaya nga kung may death sentence lang aba’y sunod na ako sa kuryente, mga tsong!”

“Hahaha! Nakaligtas ka dahil wala nang death sentence sa batas!”

“Pero hindi ako matutuwa sa buhay kapag hindi naman siya ang masentensi­yahan ngayon ng publiko. Totoo naman ang press release na masama siyang ina. Itinakwil niya ang anak namin.”

“Ganting-ganti ka na! Balitang nawawala, sumama nga kaya sa lalaki?”

“Wala akong pakialam kahit pa pinatay na pala siya. Iyon nga ang gusto kong mangyari, e. Mabiktima naman siya ng isang malupit na krimen.”

PATULOY pa rin ang interview ng isa na namang reporter kina Dino at Thelma. “Nang lumapit kayo sa kanya, kusa ho ba siyang pumayag na mag-donate ng kidney sa kanyang anak? Iniingatan ho ba niya ang kidney na ibibigay niya kay Anton para masigurado­ng hindi iri-reject ng katawan ng bata?” “Ahm, siya pa nga ang kumontak sa amin, e. Akala namin kung bakit gusto niya kaming makausap. Iyon pala, nabalitaan na niyang may sakit si Anton at kailangan ng kidney donor. Bakit daw hindi na lang siya? Anak naman niya si Anton, good candidate siya as a kidney donor ng bata.” “Ano’ng nararamdam­an n’yo ngayon na ang isang dating rapist ay isa nang mabuting ama?” “Humahanga kami nang husto sa kanya. Totoo pala talaga na may nangyayari ring magandang pagbabago sa mga preso sa kulungan,” sagot agad ni Thelma. Well-rehearsed ang lahat na statement nila para sa good image ng rapist.

“Umaasa ba kayo na makakarati­ng ito sa Malakanyan­g at mabibigyan din siya ng parole tulad ng ibang na-reform nang mga preso?”

“Hindi naman ito sinasadya o nagpapaban­go lang. Ang makakarati­ng sa Malakanyan­g sana ay katotohana­n na hindi laging masama ang isang tao. Ang isang dating masama, napakabuti na ngayon. Ang isang biktima, nagiging ... walang kuwenta palang ina.”

HINDI pa kuntento sa pag-inom, tumitira naman nang palihim ng matapang na droga ang rapist.

“Pare, ipapasok ka na sa ospital, paghahanda sa operasyon ninyo ng tunay mong anak. Dahan-dahan sa bawal na gamot ...” Lango na nga sa alak, lango pa sa bawal na droga ang rapist. “Hindi ko ginustong ipanganak ang gagong batang ‘yan! Wala akong nararamdam­ang pagmamahal sa kanya! Kaya kung ang maitatanim sa kanya na kidney ko ay butas-butas o durog na

... wala rin akong pakialam!”

“Di masisira na naman image mo sa Malakanyan­g? Malalamang kahit nandidito ka na sa kulungan ay puro ka pa rin bisyo? Nag-iisip ka ba, pare? O lumiit na utak mo?”

“Ang importante lang sa akin, nasira ko na si Lorea! Nakaganti na rin ako sa kanya!”

“Mukhang wala kang balak mag-donate, a! Joke lang ba? Hindi mo pala totohanin? Paano?” “Magkukunwa­ri akong inatake sa puso!” “Langhiya, pare! Itim pala talaga ng budhi mo! Alam mo kahit preso ako, pagdating sa anak, matino akong tao!” kantiyaw ng isang kasamahan.

“Kung pinalaki mo ang anak na ‘yon, okay ‘yon! Bakit, nasilip ko man lang ba kahit minsan ang batang ‘yan? Wala akong amor sa sperm cell na ‘yan, mga pare! Para sa akin, isa lang siyang ligaw na katas kong tumubo sa kung anong klaseng babae lang!” At humagalpak ng tawa ang rapist.

SI TRISTAN ay may dalang suitcase nang pagbuksan sa mansiyon nina Anne.

“Sir, hinihintay na po kayo ni Ma’m Anne sa inyong silid.”

“Pakitawag mo. Sabihin mong sa sala muna kami mag-uusap. Parang hindi tamang diretso agad ako sa ... silid.”

“Pero iyon po ang bilin niya, Sir. Baka po ako ang mapagalita­n. Tutulungan ko na lang po kayo sa bagaheng ‘yan.” Aagawin sana ng maid ang maleta. Pero hindi pumayag si Tristan. “No. I can take

care of this. Sige na, didiretso na nga lang ako sa silid namin dati.”

“Ay, salamat po, Sir. Hindi na po ako mapapagali­tan.”

Mabibigat ang mga paa ni Tristan nang tumungo sa dating silid nila ni Anne. Masakit sa puso niya na ginagawa niya ito habang hindi pa nakikita si Lorea.

Pero inisip na lamang niya na para kay Lorea ito. Para sa kaligtasan nito. Para sa walang katapusang pagmamahal niya kay Lorea.

Naka-sexy nightwear si Anne nang pumasok si Tristan. Nakahiga na sa kama. Very sexy ang malamlam na liwanag. “Hi, Tristan ...” “Anne ...” “Tabihan mo muna ako dito.” “Hindi na ba tayo ... mag-uusap? Wala na ba tayong dapat pag-usapan?” “Nandidito ka na. So action speaks louder now.

Make me happy, Tristan because I miss you so much.” Iniwan na lang ni Tristan sa isang tabi ang kanyan suitcase. Buo ang loob na ituloy ang planong pagliligta­s kay Lorea.

Siniil niya kaagad ng halik si Anne. Alam niyang kapag pinaliliga­ya niya ito ay mas magiging madulas ang bibig.

Posibleng may masasabing daan para matagpuan niya si Lorea. Para mailigtas kay Andy. Agresibong-agresibo si Anne sa pagniniig na iyon. Nauhaw nang husto dahil ngayon lang uli nasa loob ng katawan niya ang lalaking gusto niyang angkinin hanggang sa huling araw niya sa mundo. (ITUTULOY)

 ??  ?? “Nang lumapit kayo sa kanya, kusa ho ba siyang pumayag na mag-donate ng kidney sa kanyang anak? Iniingatan ho ba niya ang kidney na ibibigay niya kay Anton para masigurado­ng hindi iri-reject ng katawan ng bata?”
“Nang lumapit kayo sa kanya, kusa ho ba siyang pumayag na mag-donate ng kidney sa kanyang anak? Iniingatan ho ba niya ang kidney na ibibigay niya kay Anton para masigurado­ng hindi iri-reject ng katawan ng bata?”
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines