Liwayway

Victoria Carlos

- Ni VICTORIA CARLOS

MABILIS ang takbo ng bagong kotseng minamaneho ni Fred sa kahabaan ng highway ng hapong iyon. May usapan silang magkikita ng kanyang bagong kliyente sa kabisera ng kanilang probinsiya. Ang kanyang mahabang paglalakba­y ay inabot na ng paglubog ng araw.

Biglang bumagal ang kanyang takbo nang mamataan ang mag-ina sa tabing highway sa may bahaging bulubunduk­ing lugar na iyon. May pasan-pasang nakabigkis na mahabang mga sanga ng kahoy ang ina sa kanang balikat. May nakasabit pang isang langka at dalawang niyog sa magkabilan­g dulo. Kasunod ang anak na lalaki, na may pasan-pasan ding nakabigkis na mahabang mga sanga ng kahoy sa kanang balikat.

Huminto si Fred sa tapat ng magina. Ibinaba ang salamin ng bintana ng kotse. Bigla namang nagulat na napatingin sa kanya ang magina.

“Magandang hapon po, Inang,” bati ni Fred.

Napahinto sa paglalakad ang mag-ina. Tinitigan siya ng matagal ng ina na tila sinisino siya. At saka ito napangiti.

“E, magandang hapon naman po, Sir,” sagot ng ina.

“Saan po ba kayo nangunguha ng mga putol na sanga ng kahoy?” tanong ni Fred.

“E, sa may gubat po, Sir. ‘Yong mga pinaglaria­n po ng mga namumutol ng troso,” bantulot na sagot ng ina na tila may halong pangamba. Tumangu-tango si Fred. “Ah...ibinebenta n’yo po ba ‘yan?” tanong niya. “Opo, pero kapag naputol at nasibak na po namin,” sagot ng ina. “Namimili po ba kayo ng panggatong, sir?” “A, opo, Inang,” sagot niya. Dumukot ng isanlibong piso sa pitaka si Fred at inabot sa ina. “Ito po ang bayad ko, Inang.” “E, hindi pa po namin nasibak ito, Sir.” “Di bale po, Inang. Para po talaga sa inyo ‘yan. Iuwi n’yo lang po ang mga kahoy at ibenta na lang sa iba.”

Naguguluha­n man at nagtataka ang ina ay atubiling inabot nito ang pera kay Fred.

Habang marahang pinatatakb­o ni Fred ang kotse palayo sa mag-ina ay dumaloy sa gunita niya ang kanyang nakaraan. Ang mga alaalang tila may hatid na bigat sa kanyang dibdib, habang sinasalat niya ang pilat sa kanyang balikat.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines