Liwayway

Matt Evans,...

- Nonie V. Nicasio

ISA si Matt Evans sa listahan ng mga versatile actor sa mundo

ng local showbiz. Puwede siyang komedyante, sumabak sa drama, gumanap sa gay role, at lately, kontrabida naman ang aktor sa seryeng Sherlock Jr. ni Ruru Madrid.

Nagpapasal­amat si Matt sa oportunida­d na ibinigay sa kanya ng GMA-7 para maging bahagi nito.

“Thankful po ako sa opportunit­y na ibinigay sa akin dito ng GMA-7, na 'yun nga, makaganap ng naiibang role. Iyong pagiging kontrabida po kasi ni Dindo (character ni Matt sa serye), sabihin na natin na lumaki siyang spoiled. Na kapag hindi niya nakukuha iyong gusto ay lumalabas iyong parang pagiging barumbado niya.

“At saka parang may issue siya sa babae, na kapag parang nao-overpower siya ng babae, nagagalit siya. Or parang… minsan nagagalit, minsan naman ay parang nagugustuh­an niya naman, depende, eh.

Kasama rin ni Matt at Ruru sa Sherlock Jr. si Ms. Ai Ai delas Alas, Janine Gutierrez, Gabbi Garcia, Andre Paras, Kate Valdez, Yana Asistio at marami pang iba sa direksiyon Ms. Rechie del Carmen. Dagdag pa ng aktor na ngayon ay nasa pangangala­ga na ng

talent manager na si Rams David. Ang Sherlock Jr. ang kaunaunaha­ng teleserye ni Matt sa GMA 7 at lalaking-lalaki raw ang

role niya rito. Maaalalang ang huling drama series ni Matt sa ABS-CBN na The Greatest Love ay bading ang role na kanyang ginampanan.

Nabanggit din ng aktor ang nais niya na magmarka sa isang partikular na role. “Siguro para sa akin, gusto ko talagang maging magaling na kontrabida,” ani Matt.

Kilala si Matt sa mahusay na pagganap sa papel na bading at ipinahayag niyang game ulit siya sakaling bigyan ng gay role sa GMA-7. “Bakit naman po hindi, okay lang naman po sa akin, trabaho naman po iyon,” pahayag niya. Pahayag pa niya para idiin na hindi pa siya graduate sa mga

gay role. “Okay lang po, siguro ay nagpapahin­ga lang. Hindi ko po sinasabi na hindi ko na uulitin iyong role na iyon sa The Greatest Love, pero nagpapahin­ga lang po tayo sa ganoong role sa ngayon,” pakli pa niya.

Pero bukod sa satisfied sa kanyang showbiz career, masaya si Matt sa binuksang business. Isa kasi si Matt sa pambato ng masipag na CEO at owner ng BeuteDerm na si Ms. Rei Tan. Kasama ni Matt bilang BeauteDerm ambassador­s sina Ms. Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Shyr Valdez, Yayo Aguila, Jaycee Parker, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Maricel Morales, at marami pang iba.

“Sobrang overwhelmi­ng, pero stressful din po. Pero good stress naman siya kasi nga nag-e-enjoy ka.

Thankful si Matt kay Ms. Ria at sa alalay na ibinibigay nito sa kanya. “Alam na po ni Manang (Ria) lahat ng pasasalama­t namin. Lahat po yata ng thank you nasabi na namin kay Ma’am Ria. Kasi sobrang generous niya, and eto pong ibinigay niya sa aming opportunit­y na ito, kakaiba talaga ito. Malaking inspirasyo­n siya sa amin dahil hindi lang sa business niya kami gina-guide, kundi maging sa personal at family life.”

Incidental­ly ang iba pang pelikulang dapat abangan kay Matt ay ang The Maid In London ni Direk Danni Ugali with Andi Eigenmann, Polo Ravales, at iba pa, at ang Goyo: Ang Batang

Heneral na pinagbibid­ahan ni Paulo Avelino. Sinabi rin ni Matt na sobra ang kagalakan niya nang maging bahagi siya ng pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral. Ipinagdasa­l daw niyang makapasok sa pelikulang ito na pinamahala­an ni Direk Jerrold Tarog, kaya sobrang saya ni Matt nang makalusot siya sa audition nito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines