Liwayway

Sam Milby at Yassi Pressman

- Ni MARICRIS VALDEZ-NICASIO

PINAGBIBID­AHAN nina Yassi Pressman at Sam Milby ang romantic comedy film na Ang Pambansang Third Wheel mula sa Viva Films at The IdeaFirst Company. Dito’y ginagampan­an ni Yassi ang papel ni Trina, isang receptioni­st na naging copywriter sa isang advertisin­g agency. Malawak ang kanyang imahinasyo­n at malaki ang paniniwala na ang bawat tao ay may nakatakdan­g makapiling sa kanyang buhay. Hindi pa nga lang ito nangyayari sa kanya. Sa gulang na 30, tatlong beses na siyang naging broken hearted at sa ngayon, isa munang dakilang third wheel sa kanyang mga kaibigan. Nangako siya sa sarili na ang lalaking susunod niyang mamahalin ay dapat na ma-meet ang kanyang standards. Si Sam ay gumaganap bilang si Neo, isang art director na makakatrab­aho ni Trina. Bukod sa pagiging guwapo, may mga qualities na nakita sa kanya si Trina para muli nitong buksan

ang kanyang puso. Hindi ipinagkail­a ni Neo na tatlong babae na ang kanyang minahal, ngunit ang pagkakaroo­n niya ng walong taong-gulang na anak ang rebelasyon na hindi madaling matanggap ni Trina. Ang mas mahirap pa nito, kasama pa rin sa eksena ang nanay ng bata. Ngayong third wheel siya sa mag-ama, may pag-asa pa kaya si Trina na maging ‘only one’ ni Neo? Si Alonzo Muhlach ang gumaganap na anak, habang si Sam Pinto naman ang gumaganap na ex-wife ni Neo. Huling napanood si Sam sa top-rating afternoon soap ng ABS-CBN na Doble Kara, na tumakbo ng mahigit isang taon, samantalan­g si Yassi naman ay kasalukuya­ng napapanood

bilang Alyana sa number 1 teleserye sa Philippine Primetime TV na FPJ’s Ang Probinsyan­o.

Kamakailan lang, mas umigting pa ang excitement ng publiko nang makita sina Pressman at Milby sa ilang parte ng Maynila para magbigay ng free hugs. Mula sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal, Ang

Pambansang Third Wheel ay umaani ng positive reactions mula sa mga netizens dahil sa istorya at chemistry ng dalawang bida. Nagkasama na noon sina Yassi at Sam sa pelikulang Camp Sawi.

“Gusto niya na siya iyong priority pero dahil in-accept niya itong lalaki sa buhay niya, kailangan niyang mag-adjust,” paliwanag ni Direk Ivan tungkol sa karakter ni Yassi.

Sa presscon ng naturang pelikula ay ipinahayag ni Yassi ang ilang obserbasyo­n niya ukol sa aktor. “Na-discover ko po kay Sam, tahimik po pala siya. Sa totoong buhay, very nice. Gusto niya na busog po kaming lahat sa set, very caring. Wala akong masasabing masama tungkol kay Sam kasi very sincere po siya sa lahat ng tao.”

Sinang-ayunan naman ni Sam ang ipinahayag ng aktres hinggil sa kanya na tahimik siyang tao. “Yes totoo, medyo

introvert ako, so I can be quiet sometimes,” pahayag ng aktor. Wika pa ni Sam, “Si Yassi, opposite ko siya, extrovert and I like that. She’s full of energy. She loves to dance. Although dancer siya, she loves to sing. She sings all the time, kahit madaling-araw. Grabe ang energy niya, she really gives a lot of energy sa set.” Inamin din dito ni Sam na crush niya ang kanyang leading lady. “Of course naa-attract ako sa kanya. I even said before, kasi noong MMFF (Metro Manila Film Festival) before, mayroon siyang ginawang movie and nakita ko siya sa awards night, crush ko siya.” Pero ipinaliwan­ag din ni Sam ang dahilan kung bakit hindi niya maligawan si Yassi. “Well, first of all, on a personal level, in terms of Yassi, she’s my type. She’s beautiful, she’s goofy…. yes, you’re right, I’m single now, but I’m also just getting through a break-up.

“So parang ayaw ko ng... I’m happy where I am now because I feel like I’m growing personally and I think I need to before ever getting into a relationsh­ip. I know that sounds very parang cliché, but its true. I’m happy where I am in my life right now, I’m doing a lot of personal growth, I’m not trying to use that as an excuse sa tanong

ninyo, but that is the truth,” pag-amin ni Sam. Two years tumagal ang relasyon ni Sam sa TV host, blogger, at model na si Mari Jasmine, na nauwi rin sa paghihiwal­ay limang buwan na ang lumipas.

Anyway, nagsimula nang mapanood ang Ang Pambansang Third Wheel last March 7 at dito’y natunghaya­n ang nakakatuwa­ng chemistry nina Yassi at Sam.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines