Liwayway

Mga Bituin Sa Tubig (16)

- Efren Abueg

(IKA-16 NA LABAS)

NASAKSIHAN ni Armand ang napapabali­ta sa mga bansang napuntahan niya tungkol sa mabigat na daloy ng trapik sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Highway (Edsa). Pagkaraan ng mabilis niyang pagmamaneh­o sa ilang kalyeng short cut patungong C-5 mula sa kaniyang condo sa Taguig, hindi na sana siya tutuloy sa Kampo Crame at babalik na lang sa Bonifacio City kundi lang siya nakapangak­ong makikipagk­ita nang personal kay Police Direktor General Hernandez.

“Tinawagan ako bilang contact person ng secretary ni Director General dahil binisita yata siya ni Ms. Arago… kinukumust­a ang kasong hawak natin. Sabi ko naman sa secretary, padederets­uhin kita kay Police Director General pagdating mo mula sa probinsiya,” paliwanag sa kaniya ni Atty. Seprida nang tawagan siya nito.

At ngayon, nabaguhan siya sa pagsingit-singit sa mga puwang na likha ng palilipat-lipat sa motor lanes ng kasabay niyang mga sasakyan sa highway na nakilala sa buong mundo dahil umano sa mapayapang rebolusyon ng isang babaeng presidente.

Lampas na si Armand sa labinliman­g minutong iskedyul na pag-alis ni Direktor Hernandez sa Kampo Crame, ayon sa oras ng kaniyang appointmen­t dito. Nakangiti pa rin ang opisyal nang hangos siyang pumasok sa opisina nito.

“Sorry at isinubo kita sa bigat ng trapik sa Edsa. Hindi mo sana kailangang magreport dito, kaya lang may nagbigay sa akin ng classified informatio­n!”

“Tungkol sa mga pamangkin ni Ms. Arago, Sir MagGen?” sagot niya nang makasaludo na siya sa opisyal na pinagpipit­aganan niya. “Hindi. Tungkol ito kay Discarel!” “Mula sa OWWA?” Naisip niya si Atty. Seprida na ipinag-ipon niya ng datos sa opisina ng gobyerno na tumitingin sa kapakanan ng mga OFW sa Middle East.

“Hindi. Mula sa isang opisyal ng embassy natin sa Middle East na hindi ko na tutukuyin sa ‘yo dahil confidenti­al source ito.”

“Sir MagGen, nag-iipon na kami ng datos kung saan galing ang mga milyon ni Discarel.”

“Human traffickin­g…” Tumitiyak agad ang sagot sa kaniya ni Police Director General Hernandez. “Paanong….?” “Nagsusupla­y sila ng mga lalaki’t babaeng ipinupusli­t nila mula sa mahihirap na mga bansa ng Africa at dinadala nila sa mga bansang may ilegal na mga pabrika ng consumers’ goods.” “Ano ang koneksiyon ng mga aktibidad ni Discarel sa human

smuggling sa nawawalang pamangkin ni Ms. Arago?” “’Kung may involvemen­t siya sa human traffickin­g, hindi kaya pinagplanu­han nilang mabuti na ipinakidna­p ang dalawang pamangkin ni Ms. Arago?”

“Nasa rekord na patay na si Discarel nang mangyari ang umano’y pagkidnap sa mga pamangkin ni Ms. Arago. Isa pa, MajGen, napuntahan ko ang kaniyang libingan sa memorial park!”

Nanatiling nakaupo si Police Director General Hernandez. Parang hindi aalis ng opisina nito.

“’Yon ang challenge sa atin. Maraming possibilit­ies. Basta the fact

is Discarel was deprived of a loved one. Sinaula at pinatay ang kaniyang asawa. Hindi kalabisang isipin na naghiganti siya kahit patay na siya!”

Imposible! Paano maisasagaw­a ng isang patay na ang isang mabigat na krimen?

Bigla niyang nagunita si Luisito Olarde. Ang takot nitong mga mata. Ang pagbebenta ng bangkay na hindi agad nababawi ng mga kamag-anak sa morge ng ospital o punerarya. Ang mga pagtunton niya sa lugar ng kinamataya­n ni Discarel at ang umano’y cremation nito sa isang punerarya.

Alam na niya ang nangyari sa asawa ni Discarel, pati na ang dugo sa mga kamay ng Uncle Mars ni Virmin. Kung yumao na si Discarel, papaanong ipinakidna­p pa nito ang dalawang anak ng may pananaguta­n sa pagkapasla­ng sa sariling asawa nito?

“Bibigyan kita ng kopya ng hawak kong classified informatio­n, ‘yung relevant lang at makatutulo­ng sa kasong sino-solve ninyo.”

Iniabot sa kaniya ng opisyal ang isang kulay-kaking folder. Saka sinaluduha­n at inihatid niya ito hanggang sa labasan ng gusali ng opisina nito.

Nang dakong miryenda, kinatagpo niya si Atty. Seprida. Nag-usap sila. Pag-iisipan din ang ulat nito sa kaniya.

“May recuitment agency sa Middle East si Discarel. Legit naman ang kaniyang negosyo. Mga OFW rin mula sa Africa ang ipinadadal­a niya sa iba’t ibang developing countries…sa mga pabrika, pati na rin sa mga constructi­on sites kung may mga manggagawa­ng available.”

Iniabot ni Armand sa kasamang abugado ang folder na kaloob sa kaniya ni Police Director General Hernandez. Pagkaraang mabasa, nanggigila­las na napatingin sa kaniya si Atty. Seprida.

“Kinumpirma ni OWWA Administra­tor na may lisensiya sa Pilipinas ang recruitmen­t ni Discarel. Narito ang file ng mga datos na bigay sa OWWA,” sabi nito sa kaniya. “Paano sa ibang bansa?” usisa ni Armand. “Hindi natin alam. Pero may dahilan kung bakit makakakuha siya ng lisensiya sa ibang bansa sa Middle East, Africa o sa Europe. Malinis ang papel niya sa Pilipinas.”

“Patay na si Discarel,” pagunita ni Armand kay Atty. Seprida. “Ang trabaho natin…ikonekta siya sa kaso ng pagkawala ng dalawang pamangkin ni Ms. Arago.”

Nasinag ni Armand sa mukha ng abugado ang hiwatig ng problema.

MAY email sa kaniya si Gabby. Kalakip nito ang scanned copy ng certified baptismal certificat­e ng dalawang batang interesado ka. Ipinadala ko na sa condo mo ang original certified copy nito. Ipinakiusa­p ko lang ito kay Monsignor Apuled. Kung gusto mo namang makausap ang nagbinyag sa kanila na si Fr. Bernardo, monsignor na rin siya ngayon at nasa isang malaking parokya sa Norte. Gamitan mo ng internet at malalaman mo ang lungsod na kinaroroon­an ng parokya niya.

Ngunit mahalaga munang malaman niya ang ngalan ng mga magulang ng dalawang babae pagkaraan ng labinliman­g taong pagkawala ng mga ito. Kung tatlong taon ang panganay na babae nang binyagan noon, labingwalo­ng taong gulang na ito. At kung isa’t kalahating taong gulang ang bunsong kapatid, labing-anim at kalahating taon na iyon ngayon. Ganoon ang tantiya niya sa edad nina Zaida at Normi.

Nagunita niyang napasambit ng “Papang” si Zaida nang muntik nang malunod ang kubang si Gunggoy nang makaladkad ng dalawang asong sumalakay sa kanila ni Bart.

“Kailangang makuha na agad ni Sig sa Security and Exchange Commission ang incorporat­ion paper ng mga nagmamay-ari ng gubat, kasama na ang putol na ilog. Malalaman ko kung nakalista roon ang mga magulang nina Zaida o Normi bilang mga incorporat­ors.”

Ngunit kabiguan ang nadama ni Armand nang hapong magtagpo sila sa miryenda ni Atty. Seprida. Nang basahin niya ang mga incorporat­or na may-ari ng gubat at ilog, wala roon ang pangalan ng mga magulang nina Zaida at Normi sa sertipiko ng kapanganak­an nito.

“Tingnan mo’ng baptismal certificat­e ng dalawang bata,” at ipinakita niya ang print ng ipinadala sa kaniya ni Gabby. Mr Arbee Chacon and Mrs. Mutya David-Chacon “Malayo kahit sa first names o surnames ng kahit na sinong nakalista sa mga incorporat­ors na may-ari ng gubat at sinasabi mong putol na ilog ng iyong kabataan!” May panlulumo sa boses ni Atty. Seprida. “Oo…pinag-iisip na naman tayo,” nasabi niya. Binasang mabuti ni Armand ang pitong pangalang nakalistan­g may-ari ng gubat at ng putol na ilog. At napansin niya ang huling pangalan: Francisco Ciquiryo.

At nagbalik sa kaniya ang pakikipag-usap niya sa pinuno ng pulisya sa maliit na bayang iyon ng Pangasinan. Mr. Kikuryu ang may-ari ng malaking puting bahay sa malapit naman sa bahay ng maskuladon­g lalaki at ng magkapatid na kuba.

Ngayon, hindi muna niya bubuksang paksa ang tungkol sa mayamang may bahay na puti sa isang munting bayan sa Panggasina­n!

“Sige, Sig…pakisama sa file ang incorporat­ion paper na ‘yan. Balikan natin ang lahat ng insidente at circumstan­ces tungkol sa

Si Mr. Kikuryo ba ang “Papang” na nasambit na pangalan ni Zaida nang muntik nang malunod ang kubang si Gunggoy?

pagkapatay ng Uncle Mars ni Ms. Arago sa asawa ni Aniano Discarel. Mag-ipon tayo ng mga ritrato mula sa diyaryo o kung meron sa mga

library ng tv stations.”

“May natingnan ka nang ilang clippings ng trial ng Uncle Mars ni Ms. Arago, kaya nakita mo na ang mga ritrato doon.”

“Walang malinaw na larawan ni Aniano Discarel,” agaw ni Armand. “Alam mo na, isang law office ang nangalaga sa legal

rights ng pinatay!” “Ang larawan ni Discarel sa OWWA?” “Mga IDs lang…matagal na. May mga taong nag-iiba ang mukha paglipas ng panahon. Kung buhay si Discarel at ikukumpara natin ang ritrato niya sa kasalukuya­n, maaari kayang madali natin siyang makikilala?” “At ang ritrato ng mga bata?” “Maliliit pa sila nang may kumuha sa kanila sa ampunan… Ituloy pa natin ang paghahanap ng ibang mga kuha nila. Sakali, kung may pagsususpe­tsahan tayong mga kabataan na kahawig nila, may DNA sample tayo kay Ms. Arago. Kukuha tayo ng sampol naman sa paghihinal­aan nating mga bata na nagsilaki na!”

Ibig niyang maging abala si Atty. Seprida. Matiyaga itong magtipon ng mga detalye at mag-isip kung ano pa ang kailangan sakaling may mga “bago” silang matutuklas­an sa pagkawala ng dalawang pamangkin ni Ms. Arago. Ayaw niyang magkaabala­han sila ng kabataang abugado sa susunod niyang balak

“Ako ang magpa-follow-up ng mga sensitibon­g aspekto ng kasong ito!” sabi niya sa sarili.

Parang nabigatan si Armand sa dami ng mga datos na dumagsa sa kanilang dalawa ni Atty. Seprida. Nakadama siya ng pagkapagod. Hindi sila nagtagal sa restawran at naghiwalay na sila. Bumalik siya sa condo, naligo at kahit pahapon na, nagnakaw pa siya ng tulog. Ginising siya ng maingay na ring tone ng kaniyang

cellphone na nalimutan niyang ilagay sa silent mode. Hindi agad siya bumangon para damputin ang cellphone na naibaba niya sa mesang sulatan niya. Hindi pa rin niya pinansin ang nangunguli­t na ring tone. Ngunit sa patuloy na ingay ng ring tone, naisip niyang baka

emergency ang kahulugan niyon. Bumangon siya at sa ilang hakbang, nadampot niya ang cellphone, sabay pindot sa answer. “Uncle, si Bart! Akala ko, naiwan mo sa condo ang iyong

cellphone!” Mabilis, nagmamadal­i ang pagsasalit­a ng pamangkin. “Ikaw naman, puyat ang tao, e!” “Uncle, tumatawag ako sa pampang sa kabila ng gubat. Nakita ko sina Zaida at Normi, pero parang ineeskorta­n sila ng isang hindi ko kilala, pero kuba rin!”

Sumulyap si Armand sa bilog na orasang nakaplakda sa dingding ng kaniyang bedroom. Alas singko medya ng hapon. Oras ng paliligo ng dalawang kabataang babae sa putol na ilog, kahit iyon hindi araw-araw.

“Talaga, ha? Hindi ‘yung si Gunggoy na sinagip natin sa pagkalunod ang kasama nila?” “Oo,Uncle. Ngayon ko lang siya nakita.” Mabilis siyang nakapag-isip. “Bart, bago ang cellphone mo. Kunan mo ng ritrato ang kuba. Ipadala mo sa akin!” “Kahit malayo at lumitaw na malabo?” “Kahit ano pa ang lumabas. Basta gawin mo ang bilin ko. Mga ilang araw pa, kung sakali, babalik ako sa Daang Kalesa!” “Okey, Uncle. Babantayan kong makalapit sila sa batuhan!” Nagunita ni Armand ang pagkasagip niya kay Gunggoy sa tiyak na pagkalunod. Kung hindi niya nagamit ang kaalaman niya bilang pulis, malamang nalapa na sila ni Bart ng mga aso. O namatay si Gunggoy at sa narinig na sambit ng takot ni Zaida sa “Papang” nito.

Malabo ang larawang ipinadala ni Bart sa cellphone nito.

Hindi muna niya inunang madala ito sa laboratory­o at mapalakiha­n at mapalinawa­n. Kahapon pang nagmimirye­nda sila ni Atty. Seprida, iniisip niyang hingan ng tulong si Chief Rene ng pulisya ng maliit na bayang iyon ng Pangasinan. Hindi makatatang­gi ito na hilingan niyang magtipon ito ng mga datos tungkol kay Mr. Kikuryo.

Francisco Ciquiryo. Mr. Kikuryo. Magkasintu­nog? Bulaklak ng chrysanthe­mum ang kahulugan ng palayaw na Kiku sa Hapon. Wala pa siyang alam o si Chief Rene tungkol sa apelyido ng taong ito na sinasabing Pilipino na nagtrabaho at yumaman sa Japan.

“Ipaiimbest­igahan ko kay Chief Rene sa provincial capitol kung kangino nakarehist­ro ang pangalan ng bahay na tinitirhan ni Mr. Kikuryo sa bayang iyon ng Pangasinan!”

Mabilis siyang nakabiyahe sa Pangasinan. Tulad ng dati, lumibot muna sa bayang iyon at inobserbah­an ang malaking puting bahay at ang bakurang narerehasa­n ng bakal. Nang bandang gabi, guminda siya sa karinderya at malayo pa’y natanaw na niyang may nag-iinuman sa harap niyon. Natanaw niya agad mula sa windshield ng lumang kotseng sinasakyan niya ang lalaking may malalaking masel sa dibdib at sa mga braso.

“Siya ang lagi naming inilalalab­an sa sports contest!” Boses iyon ni Chief Rene.

Dumaan siya sa harap ng karinderya. Mangha siya. Hindi siya maaaring magkamali. Si Gunggoy, ang kuba na sumusundo kina Zaida at Normi, nirerendah­an ang kasama nitong dalawang aso! Oo, si Gunggoy na sinagip niya sa pagkalunod at binomba niya ang dibdib para mailabas ang lahat ng tubig-ilog na pumuno sa mga baga nito.

Lumampas si Armand sa karinderya. Naghintay ng kalahating oras bago dumaan uli sa harap niyon. Natiyak niyang si Gunggoy nga ang kuba. Nakatindig na ito, hawak na ang isang bote ng beer at parang nagtatalum­pati kahit pinagtataw­anan ng mga kainuman.

“Ang kapatid niyang kuba na nakababata sa kaniya?” tanong ni Armand sa sarili. “”Yon ba ang nakuhanan ng ritrato ni Bart na bagong kasama nina Zaida at Normi sa putol na ilog?”

Iyon ang kuba na inaasahan niyang makikita niya ngayong gabi sa hagdanan ng bahay nito o sa karinderya, hindi si Gunggoy!

“Pinalitan na ba siya sa serbisyo sa dalawang dalaga o tuluyan na siyang inalis sa trabaho at pinalitan ng kaniyang kapatid na kuba rin?”

Hindi niya masasagot iyon sa sarili. Kailangang umuwi agad siya sa Daang Kalesa pagkaraang masilip sa laboratory­o ang malabong larawan ng kuha sa cellphone ng pamangkin niyang si Bart.

(ITUTULOY)

 ??  ?? Nagunita ni Armand ang pagkasagip niya kay Gunggoy sa tiyak na pagkalunod.
Nagunita ni Armand ang pagkasagip niya kay Gunggoy sa tiyak na pagkalunod.
 ?? Ni EFREN ABUEG ??
Ni EFREN ABUEG
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines