Liwayway

Sibuyas At Bawang (9)

- Neri Jedeliz

(IKA-9 NA LABAS)

ISANG ARAW, nasa counter si Lumen ng Sibuyas at

Bawang Restaurant. Katabi niya ang cashier. Kapag walang masyadong ginagawa sa kusina ay sa counter siya namamalagi upang masubaybay­an ang influx ng mga customer o paglabaspa­sok ng mga kumakain.

Wala rin si Rommel ng mga sandaling iyon. Hindi naman masyadong namamalagi si Rommel sa kanilang restoran. Mayroon ding ibang negosyo ng kanilang pamilya na dapat asikasuhin ng binata. Kaya mukhang ipinauubay­a na ni Rommel kay Lumen ang pangangasi­wa ng kanilang restoran.

Kangina pa napansin ni Lumen ang isang babaeng habang kumakain ay pasulyapsu­lyap sa kanya. Kasing gulang lang niya ito at sa ayos ay masasabing nakakaluwa­g naman sa buhay.

Matapos kumain at magbayad sa waitress ay tumayo na ang babae at tinungo ang

counter. Matamis ang ngiti nitong hinarap si Lumen. “Kayo po si Lumen, ang

manager ni Rommel dito sa restoran?” anang babae.

“Opo,” maiksing tugon ni Lumen. “Wala yata si Rommel?” “Me pinuntahan po. Bakit po?”

May dinukot na isang card ang babae. Ipinakita kay Lumen. “Bigay ito ni Brigida, ang

fiancée ni Rommel. Imbitasyon ito sa kanilang kasal.”

“Kasal?” nabigla pa mandin si Lumen.

“Alam mo, best friend ko sina Rommel at Brigida. Kaya ito, binigyan ako ni Brigida ng inmbitasyo­n. Ngunit di ako makakadalo. I’m sorry, bukas na ang flight ko papuntang Canada.

Gagawin ni Rommel ang lahat upang di mawawala si Lumen sa kanyang buhay.

Doon kasi ako nagtatraba­ho. Pakisabi na lang kay Rommel na sorry po talaga.” “A, e, sasabihin ko po.” “Iwan ko na lang itong imbitasyon. Pakibigay na lang kay Rommel, baka magamit pa nila sa iba pang iimbitahin. Iwanan ko na sa ‘yo. P’wede?” “A, e, p’wede po.” Iniabot ng babae kay Lumen ang imbitasyon at matapos makapagpaa­lam, lumabas na ng restoran.

Nang wala na ang babae’y binuksan naman ni Lumen ang card. Invitation nga ito sa kasal daw nina Lumen at Brigida. Di maiwasan ni Lumen ang manlulumo. May gumuhit na hapdi sa kanyang puso. Ano ba ang nangyayari? Bakit nagkaroon ng invitation sa kasal nina Rommel at Brigida. Alam ba ito ni Rommel? O pakana lang ito ni Brigida?

Ipinasok ni Lumen ang card sa drawer. Pagbalik ni Rommel, saka na lang niyang komprontah­in ito. Babalik na sana siya sa kitchen, nang masulyapan niya si Mrs. Lopez na kapapasok pa lang sa restoran. Diretso ito sa counter upang makalapit kay Lumen.

“Halika, Lumen. Samahan mo muna akong mag-coffee break,” ani Mrs. Lopez na nakangiti.

“Sige po,” tugon ni Lumen at lumabas na sa counter. Tinungo nila ang isang mesa na medyo hiwalay sa karamihan. Napuna ni Lumen na tila gusto siyang makausap ni Mrs. Lopez. Hindi pa naman masyadong matao ngayon sapagkat alas dos ng hapon at nakalipas na ang lunch time.

Nang makaupo sila, kinawayan ni Lumen ang isang waiter at nagpakuha ng dalawang tasang kape. “Kumusta si Nanay mo?” bukas ni Mrs. Lopez ng usapan. “Excited po siya. Magsisimul­a na pala siyang magtrabaho sa binuksan mong handicraft industry. Maraming salamat po, Ma’am.”

“Kinuha ko siya upang malibang naman siya. Alam mo, ang taong walang ginagawa’y madali rin magkasakit. Pero di lang ang iyong ina ang magtatraba­ho sa aking handicraft industry. Karamihan ng mga taga-iskwater magtatraba­ho rin doon. Upang kahit paano’y me kikitain naman sila. Karamihan kasi sa kanila nangangala­kal lang. Nagbabasur­a upang kumita ng pambili ng masasaing.”

“Kayo pala ang may-ari ng lupang inuukupa ng mga iskwater, kabilang ang kinatitiri­kan ng aming barungbaro­ng.”

“Oo. Ngunit ido-donate ko na ito para sa housing program ng gobyerno, upang mabigyan naman ng disenteng tirahan ang mga mahihirap.”

“Binigyan mo na nga ng pagkakitaa­n ang mga taga-iskwater, bibigyan mo pa sila ng permanente­ng tirahan. Napakabait po ninyo, Ma’am.” Ngumiti lang si Mrs. Lopez. Dumating ang kanilang kape. Sabay naman silang humigop sa umuusok pang kape. Napansin ni Lumen na masusi siyang tinititiga­n ni Mrs. Lopez.

“Lumen, nagpapasal­amat ako at tinulungan mo si Rommel,” nawika ni Mrs. Lopez kalaunan. “Mula ng magsama kayo ng aking anak sa negosyo, tila nabigyan ng direks’yon ang kanyang buhay. Pero…”

Napatingin si Lumen kay Mrs. Lopez. Tila may kahulugan ang tinuran ng matanda.

“Pero…pinuproble­ma ko pa rin si Rommel,” patuloy ni Mrs. Lopez. “Bakit po?” “Paano na lang kung wala na ako? Sa paglipas ng mga araw, nararamdam­an ko na ang patuloy na panghihina. Ang totoo’y kaya ako tumungo sa Iloilo, ay upang magpatingi­n sa aking manggagamo­t doon. Dahilan ko lang kay Rommel na asikasuhin ko ang aming asyenda roon. Paano na lang kaya si Rommel kung wala na ako. Alam mo namang nag-iisa ko siyang anak.” Di nakahuma si Lumen. “Kaya nais kong bago akong yumao’y makita siyang lumagay na sa tahimik, may asawa at sariling pamilya.”

“Problema ba ‘yan? Sa kalagayan ninyo sa buhay, maraming mga dalaga ang p’wedeng maging kabiyak ni Rommel.”

“Totoo ‘yan. Marami nga’ng mga dalaga, ang mahirap ay ang maghanap ng isang babaeng magiging ulirang maybahay.”

Humigop muna si Lumen ng kape. Ibig niyang iwasan ang mga titig ni Mrs. Lopez sa kanya.

“Di po ba me girlfriend na si Rommel? Naririyan si Brigida,” nawika ni Lumen kalaunan.

“’Yon na nga. Isang malaking pagkakamal­i ang mangyari kung si Brigida ang magiging kabiyak ni Rommel. Wawasakin lang ni Brigida ang buhay ng aking anak kung wala na ako. Sayang lang ang lahat ng pinaghirap­an namin kung wawaldasin lang ito ni Brigida.” Di nakaimik si Lumen. “Alam mo, Iha, dito sa lipunang aming ginagalawa­n, totoong halos ang karamihan ay me sariling yaman. Ngunit me nakahalo rin ditong mga taong parang ahas na naghahanap ng masisila, lalo na kung makatagpo sila ng isang matabang isda. Nabanggit ko na sa iyo, may mga babaeng maturingan­g fortune hunter. At isa si Brigida sa mga maninilang ahas sa aming lipunan. Marahil nauunawaan mo ‘ko.” “Nauunawaan ko po kayo.” “Tatapatin na kita, Iha. Di ko sinasaklaw ang inyong damdamin ni Rommel. Ngunit kung ako lang ang masusunod, ikaw ang ibig kong maging kabiyak ng aking anak.”

Di nakahuma si Lumen. Di niya alam kung ano ang isasagot sa matanda.

“Patawarin mo ako, Iha, kung nagiging walang pakundanga­n ako. Ngunit bilang isang ina, tungkulin ko lang na pangangala­gaan ang kapakanan ng aking anak. Sabi ko, di ko saklaw ang inyong damdamin ni Rommel. Bahala na ang kapalaran sa inyo. Me ipakisuyo lang sana ako.” “Ano po’yon?” “Kung p’wede, tulungan mo ako sa pangangala­ga sa aking anak. Kung p’wede’y gabayan mo siyang makaiwas sa landas na puno ng mga bitag o patibong. At isa sa mga patibong na ‘yan ay si Brigida.” “Ano po ba ang maitutulon­g ko?” nawika ni Lumen. “Lately, tila nagiging agresibo itong si Brigida upang makasal sila ni Rommel. Me sinabing buntis daw siya at dapat na pakasalan ni Rommel. Nagpagawa at nagpakalat pa siya ng mga wedding invitation na walang pahintulot sa aking anak. Siyempre tumanggi ang aking anak.”

Naalaala ni Lumen ang wedding invitation na iniwan ng kanilang customer. Totoo nga palang kagagawan lang ito ni Brigida.

“Nalaman din ni Rommel na si Brigida ngayon ay lulong sa maraming masasamang bisyo. Barkada, droga,” patuloy ni Mrs. Lopez. “Nagtatraba­ho ito ngayon sa isang mumurahing klab, at may grupo ng mga lalaking mukhang di gagawa ng mabuti. Tiyak, di titigil si Brigida hangga’t di niya madale si Rommel. Baka mahihirapa­n si Rommel na malusutan ang problemang ito, kaya humihingi ako ng tulong mo.” Di nakaimik si Lumen. Malalim ang iniisip. “Naisip ko rin, marahil titigilan na ni Brigida si Rommel, kung mangyaring...kayo ni Rommel ang pakakasal. Hindi ito utos, o suhestiyon, Iha. Nasabi ko nang kung ano man ang marating ninyo ni Rommel, ipinauubay­a ko na ‘yan sa Diyos.”

“Ma’am, kung sakali mang kami ang magkakatul­uyan ni Rommel, wala nang iba pang dahilan kundi’y mahal namin ang

isa’t isa,” nabigkas ni Lumen.

“Magandang dahilan iyan, Iha. Kaya humihingi ako ng tulong mo, upang mapanganga­lagaan natin si Rommel.”

“Hindi ko makakalimu­tan ang malaki nang naitulong mo sa amin, sa aking ina. Dahil d’yan handa akong tumulong. Kung ano lang ang makakaya ko’y gagawin ko. Hindi ako nangangako.”

Napangiti nang matamis si Mrs. Lopez. Tila gumaan ang pakiramdam nito.

“Salamat, Iha. Asahan mong walang ibang makakaalam ng paguusap nating ito. Subalit me itatanong lang ako sa ‘yo.” “Ano po ’yon?” “Inamin na ni Rommel sa akin na mahal ka niya. Mahal mo rin ba siya?”

Di kaagad nakasagot si Lumen. Tila di niyang magawang magsinunga­ling sa ina ni Rommel. Ibig niyang maging matapat dito. Totoo, natiyak na niya sa sarili na ang pagkamuhi niya kay Rommel ay nauwi sa pagtatangi. Mahal din niya si Rommel. Pero kung minsan ang katotohana­n ay mahirap bigkasin. At nahiwatiga­n ito ni Mrs. Lopez.

“Di mo na kelangang sagutin pa ang tanong kong ‘yan, Iha,” nakangitin­g nabigkas ni Mrs. Lopez at pinisil ang isang palad ni Lumen. “Mababasa ko naman sa iyong mga mata. Pareho tayong babae.”

Tumayo na si Mrs. Lopez. “Sige, Iha, maiwan muna kita. Me lakad pa ako. Maraming salamat.”

Naiwan si Lumen na malalim ang iniisip. Kung bakit nakapangak­o siya kay Mrs. Lopez na tutulong, di naman talaga niyang mapapayaga­ng masalaula ang buhay ni Rommel dahil lang kay Brigida. Ramdam din niya ang pagkaagres­ibo ngayon ni Brigida. Pagpapatun­ay lamang ang pagpakakal­at nito ng inmbitasyo­n sa kasal daw nila ni Rommel. Gawain ba ito ng isang matinong babae?

Ano bang klaseng babae itong si Brigida? Unti-unting napapansin niya ang sigalot na bumabalot kina Brigida at Rommel. At napagtanto niyang nasa gitna siya. At di niya nais na maipit sa gitna.

Kailangang kumilos din siya—para sa kapakanan ni Rommel.

MGA alas dose ng gabi, sa The Blue Heaven Bar. Naririyan si Brigida na nakaupo sa isang mesa, kasama ang tatlong lalaki.

Whiskey ang kanilang tinutungga, at fried chicken ang pulutan. Mga mukhang sanggano itong mga kasama ni Brigida. At masaya sila.

“Mukhang mutso ngayon ang boss natin, a. Fried chicken pa ang pulutan,” anang isang lalaki na ang tinutukoy na boss ay si Brigida.

“Di lang fried chicken. Maghintay lang kayo, mamaya-maya lang, baka isang buong litsong baboy na ‘yan,” tugon ni Brigida na tumawa.

“Baka di natin mauubos ang isang buong litson. Itong si Goliath, mukhang di ganado sa litson at fried chicken.” “Bakit, ano bang gusto niyang pulutan?” “Ano pa, di azusena. Aso. Tumatahol iyan pag di makakain ng aso.” Tawanan ang grupo. “Teka, Boss. Sigurado ka bang darating ngayon ang kliyente mo?”

“Sigurado ‘yan. Walang palso pag ako ang dumiskarte. Ako pa?” “Ano ba ang transaks’yon ninyo?” “Huwag ka na lang magtanong. Diskarte ko ‘to.” “Magkano ba ang deal?” “Dalawang milyon piso lang naman.” “Dalawang milyon? Wow! Ano bang raket ‘yan, Boss?” “Sabi nang huwag nang magtanong. Ang gagawin ninyo’y tumabi muna pag dumating na siya.”

“Areglado, Boss. Tayming naman. Dinig ko’y umuusok na ang ilong ni Diego bunsod ng ilang trip na raw na di ka nakapag-intriga sa kanya ng kinuha mong droga.”

“Lintik naman itong si Diego. ‘Kala mo tatakbuhan. Mag-ingat

siya pag ako na ang magalit.”

“Kung kayo na ang magalit, baka makita na lang siyang nakasubaso­b sa imburnal. Naririto lang kami pag kelangan mo, Boss. He-he-he!” “Oo na, mga asong ulol.” Tawanan naman ang grupo. Nang biglang napatigil si Brigida. May natanaw siyang isang lalaki na kapapasok pa lang sa bar.

“Hups! Break muna. Ito na ang kliyente ko,” ani Brigida na biglang tumayo. “Laylo lang muna kayo rito. Sasalubung­in ko lang.”

Si Rommel ang nakita ni Brigida na pumasok. Palinga-linga ito na tila may hinahanap. Mabilis namang sinalubong ito ni Brigida.

“Hi, Sweetheart!” masiglang bati ni Brigida at hinila si Rommel sa isang bakanteng mesa. Magkatabin­g umupo sila.

“Mukhang ginabi ka,” ani Brigida. Nalanghap ni Rommel ang amoy alak na hininga nito. “Matrapik,” tugon ng binata. “Okey lang, Sweetheart. Alam ko namang di mo ‘ko matiis. Dala mo ang tseke?”

“Ang bilis mo. Di pa nga uminit ang puwet ko sa pagkakaupo, pera kaagad.” “Sorry, Sweetheart. Sumisigla kasi ako kapag pera ang pinaguusap­an. Hi-hi-hi!”

“At huwag mo na akong tawaging sweetheart. Sa oras na maibigay ko itong tseke, wala na tayong relasyon. Ituring mo na akong di mo kilala. Maliwanag?”

“Sure, Sweetheart, ay, ano ba ang itatawag ko sa ‘yo?” “Huwag mo na nga akong tawagin. Di mo na nga ‘ko kilala.”

“Sure, O, sa’n na?” Binuksan ni Rommel ang tangan niyang maliit na leather bag. Kinuha ang apat na tseke.

“Ito, ang bawat tsekeng ito ay tigkalahat­ing milyon. Kaya dalawang milyon lahat ang apat,” ani Rommel.

Mabilis pa sa alas kuwatrong inabot ni Brigida ang mga tseke. “Wow! Milyonaryo na ‘ko!” Impit na bulahaw ni Brigida.

“Brigida, pumayag ako sa gusto mo hindi dahil sa napakatang­a ko namang nagpabikti­ma sa blackmail mo. Pumayag ako sapagkat nais ko ring makatulong sa ‘yo. At least me pinagsamah­an naman tayo kahit paano. Gusto kong magbagong buhay ka na. Kalimutan mo na’ng mga kalokohan mo. Kung di ka tumino hangga’t maaga pa, baka balang araw matagpuan ka na lang na nakalutang sa ilog.”

“Ay, di mangyayari sa akin ‘yan. Marunong akong lumangoy, ‘no?”

“Huwag ka ngang pilosopo. Para sa kabutihan mo itong pinapayo ko sa ‘yo.”

“Sige, magpakabai­t na ‘ko. Kung gusto mo’y papasok ako sa kumbento at magmamadre.” “Loka-loka!” May dinukot naman si Rommel na isang pirasong papel na may nakasulat.

“O, pirmahan mo ‘to. Patunay lang ito na me kinuha ka sa aking dalawang milyong piso.” “Sige.” “Tandaan mo, Brigida, ang kasunduan natin. Huwag mo na kaming pakialaman ni Lumen. Buti pa, lumayo ka. Mag-abroad kang muli. Me dalawang milyon ka naman.” “Sige.” “Sige pirma.” Kinuha ni Brigida ang ball pen na iniabot ni Rommel at pinirmahan ang papel. Di man lang binasa. Matapos makapirma si Brigida, tumayo na si Rommel upang umalis. “Sige, aalis na ‘ko.” “Walang kiss?” “Kisan mo si Lolo mo.”

(ITUTULOY)

 ??  ?? Si Rommel ang nakita ni Brigida na pumasok. Palinga-linga ito na tila may hinahanap. Mabilis namang sinalubong ito ni Brigida.
Si Rommel ang nakita ni Brigida na pumasok. Palinga-linga ito na tila may hinahanap. Mabilis namang sinalubong ito ni Brigida.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines