Liwayway

Paano Kita Mamahalin? (84)

- Gilda Olvidado

(IKA-84 NA LABAS)

HIRAP pa ring maniwala ni Lorea sa kanyang narinig. Bakit hindi niya kaagad

nahulaan?

Dahil ba sa sobrang pagpapahal­aga sa kanya ni Tristan? Kaya akala niya sila na?

Sila na ni Anton ang takdang maging pamilya nito?

Napailing-iling si Lorea habang umiiyak sa isang sulok ng hardin. Ayaw niyang may makakita sa kanya.

Kasi hindi naman talaga kasalanan ni Tristan. Kung buntis si Anne, ano’ng karapatan niyang magalit?

May history rin sina Anne at Tristan. Naging magnobyo rin. At ngayon nga, magkakaana­k na.

Sino ba ang pipiliin ni Tristan? Sila ni Anton o ang sarili na nitong dugo at laman? Kinausap ni Lorea ang sarili. “Kaya dapat mag-iisip ako ng tuwid. Hindi ako dapat maging

selfish. Iniligtas na nga ako ni Tristan, binigyan niya ako ng daan kay Anton ... dapat na akong magpasalam­at.”

“Nasa akin na si Anton. Ipapakilal­a na ako nina Ate Thelma at Kuya Dino sa anak ko. Aaminin na nila na hindi sila ang mga tunay na magulang. Wala na akong ibang dapat na hihilingin.”

Pinahid niya ang mga luha. Ang kusot na damdamin ay sinikap niyang maituwid. Hindi na siya makikipagk­umpitensiy­a kay Anne.

Si Tristan ay talagang para na kay Anne.

Maligaya si Tristan habang nakatingin sila ni Anne sa monitor.

“Your baby is strong,” sabi ng doktora habang ginagawa ang

ultra sound sa ipinagbubu­ntis ni

Anne.

“Tristan, our baby ...” Luhaan si Anne. “Oo nga. I can’t believe this ...” “Daddy ka na talaga. At ako

naman Mommy.”

“Yes, Anne. Kaya tama lang ‘yung plano nating magpapakas­al na kaagad.”

“But of course grand wedding pa rin ang gusto ko. Malaman ng lahat na bride na ako. Gusto kitang ipagmalaki bilang asawa ko, Tristan. At ama ng aking anak.” “Thanks, Anne. Sayang, hindi ka na maihahatid ng Papa mo

sa altar.” “I still have my Tito na asyendero sa Cebu. Kailangang mapapapunt­a ko siya dahil siya ang good replacemen­t sa Papa ko.” “O, tingnan ninyo ito ... another angle naman sa baby ninyo.” Ang doktora ay tinitiyak na masisiyaha­n ang new parents. “Look, halos ulo na yata niya ‘yang nakikita natin.” Excited si

Anne. “Lalaki pa ang ulong ‘yan,” sagot naman ng doktora. “Tris, are you now sure na tama lang na ako ang pakakasala­n mo? Hindi ang namigay ng anak? Napakasara­p maging Mommy at Daddy, hindi ba?”

Napasulyap si Tristan sa doktora. Saka niya tinitigan si Anne. Para maipaintin­di rito na ayaw niyang kinakaladk­ad ang buhay ni Lorea rito.

Pero nag-react na ang doktora na medyo may pagkatsism­osa pala kahit kagalang-galang ang propesyon.

“Ina na namigay ng anak? Oh, dear ... dito sa field namin, marami talaga kaming personal na nalalamang kuwentong ganyan.”

Ganado naman si Anne na lalo pang sirain si Lorea. “Kahit ba na-rape lang siya nabuntis at nagkaanak. Anak pa rin niya ‘yon, hindi ba, Doktora.”

“Of course. Nang ipanganak niya ‘yung bata, naghirap na siya. Dapat makadama na siya ng pagmamahal.”

“Oh, but no. Talagang ipinamigay niya. Talagang walang kunsens’ya.”

Napikon na si Tristan. “Are we done here? Nagkukuwen­tuhan na lang naman yata. We better go, Anne.”

Nainis si Anne. “Ganyan ka naman, e. Ang pinagkukuw­entuhan namin ni Doktora ay very serious matter. Huwag ka ngang defensive diyan.” Na-curious pa ang doktora. “Defensive? On what?”

“This is not proper. Huwag nating gawing pulutan ang buhay ng isang taong wala dito kaya wala siyang kalabanlab­an.” “You two, ha ... mukha may isyu kayo.” “Eh, Dok ... itong mapapangas­awa ko at father ng anak ko, masyado kasi ang simpatiya sa isang kaibigan na namigay ng anak. Pasens’ya na lang kung ganyan ang reaksiyon niya. Sabi ko nga, dapat wala siyang amor sa kaibigan niyang ‘yon.” Tumango-tango pa ang doktor. “I agree.” Tiimbagang na hinihintay ni Tristan na matapos ang pagpatingi­n ni Anne. Ayaw na niyang tumingin sa dalawang babae.

Halatang nabubuwisi­t na sa kanila si Tristsan. At awangawa naman sa pagkatao ni Lorea na walang kamalay-malay ay dinurog-durog na ni Anne.

Sa kotse, hindi napigil ni Tristan ang manita. “How could you?” “How could I what?”

“Wala kang karapatang husgahan si Lorea doon sa doktor na tsismosa! I wish you would change your OB-Gyne.” “I’m fine with her!”

“Wala talaga akong respeto sa mga ganoong propesyona­l.

Dapat huwag kapag siyang nasa mag-entertain klinika, ng tsismis!” “May meaning naman ang tsismisan pinag-uusapan na ‘yon. ay Dahil tungkol ang sa isang kawawang bata na ipinaampon dahil inayawan ng totoong nanay.” “You and the doctor are not in Lorea’s shoes. Madaling humusga kung hindi nararamdam­an man lamang ang mahirap na sitwasyon ng hinusgahan.”

“Ano ba, Tristan? Sa akin ka nga magpapakas­al pero ang buhay ni Lorea ang parang bandila na itinataas mo!”

“What will make you have sympathy for her? I’m going to marry you, I’m going to personally raise my child. Si Lorea ang mahal ko pero hanggang awa lang ang naibigay ko sa kanya.”

“I’m jealous! Pati awa mo ayokong ipamigay mo kay Lorea!”

“That is not for you to decide. Sarili ko na ‘yon. Hindi lahat na nasa akin ay puwede mong kunin at puwede mong palitan ng iba.”

Natigilan si Anne, nasaktan. “So ... kahit pala asawa kita at ama ng anak ko, not all of you belong to us? At sino ang may-ari sa bahaging iyon ng pagkatao mo?” Hindi sumagot si Tristan. “Si Lorea ba?!! Ha?!!” Pinaandar na lang ni Tristan ang SUV. “Enough.” “Nooo! Don’t do that to me! Treat me like a queen. Be gentle to me and protective!”

May mga tao na sa ospital na napapating­in sa kanila. Huminahon si Tristan. “Stop, Anne. Wala nang nang-aagaw sa iyo. Wala nang nang-aaway.”

“Maybe she should stay away even from your brother and his

wife. Dahil close ka sa kapatid at hipag mo. Lalo na kay Anton. Kaya talagang magtatagpo at magtatagpo pa rin ang mga landas ninyo ng child giver na iyon!”

“Stop, will you? Nakuha mo na nga ang gusto mo, maninira ka pa ng isang tao?”

“Her son Anton should have brought her to court. Dahil krimen din naman siguro ang mamigay ng anak, ‘no?”

“Hindi ka na ba talaga mapapatigi­l?” Nilingon na naman ni Tristan si Anne.

“Alam na ba ni Lorea na ako ang pakakasala­n mo? At ina na ako ng iyong anak?” Hindi nakasagot si Tristan, napayuko. Lalong nanggagala­iti si Anne. “Oh, well ... hindi mo pa

Naipangako ni Lorea sa sarili na alisin na niya sa isip si Tristan. Focus na lang siya kay Anton, ang kanyang anak. Hindi na siya magpapaape­kto anuman ang marinig niya tungkol kina Tristan at Anne.

masabi-sabi, ano, Tristan? Ayaw mo siyang masaktan? Gusto mong itago ang kasal natin? You’re still hoping magkaroon pa rin kayong dalawa ng relasyon?”

NAIPANGAKO na ni Lorea sa sarili na alisin na sa isip niya si Tristan.

Focus na lang siya kay Anton, ang kanyang anak. Kahit panunukso ng mga kasambahay ay hindi na siya magpapaape­kto.

At higit sa lahat, hindi na rin siya dapat masaktan o maapektuha­n kahit ano pa ang marinig niya tungkol kina Tristan at Anne.

At dapat matuwa na lang siya na magiging Daddy na pala si Tristan. At least hindi na ito makikipag-agawan ng pagmamahal kay Anton.

Naikondisy­on na niya ang sarili. As of now.

NAGYAYA gown. High ender. naman Kilala si Anne sa mga sa gumagawa nasa itaas ng ng sosyedad. kanyang wedding Kahit Pinagbigya­n sa New ni York Tristan. at Chicago Gusto naman kilala rin. niyang maging masaya ang “Oh, ina ng my kanyang God! Wow! anak. I can’t believe this is for me!” “Natural, darling! You’re one of the creamier ladies in the country. Isang buwan kaming walang kain at tulog halos dahil sa gown mong iyan!”

“I know. But don’t worry, Mama Claudine ... I’ll give a very fat bonus!”

“I expect that.” Ngising-ngisi ang designer at maker. “Pero bawal talaga isukat?” “It’s up to you. Kasi kung naniniwala ka sa pamahiin then don’t wear it until your march to the altar.” “Nakakainis naman. I can’t wait for the wedding day. Saka isa pa, gusto ko lang namang makasiguro na perfect fit talaga.” Si Tristan ay nakatitig lamang kina Anne. Naaalala niya si Lorea. Para siyang nagha-half asleep. At nananagini­p.

Napakagand­a ni Lorea habang isinusukat ang wedding gown nito. At naroroon siya. Humarap sa kanya si Lorea. “Tristan, what do you think?” Kahit half-asleep napangiti si Tristan. Nasa mundo pa rin ng kanyang napakagand­ang panaginip. “You are the most beautiful bride to be, Lorea.” “Bagay na ba ako sa isang Tristan na hindi lang guwapo kundi napakabait pa?”

“Ako ang magtatanon­g niyan dapat, e. Bagay na ba ako sa isang Lorea na walang katulad ang ganda at kabaitan?”

“Tristan, you gave me a second chance.” “I did. But you give me the ultimate happiness.”

“TRISTAN?!!” Naalimpung­atan si Tristan. “Yes, Lorea!!!” “Ano’ng Lorea?!!” Si Anne pala ang gumising sa kanya. “Oh, s-sorry, Anne ...” Lumagapak ang pisngi ni Tristan. Sa sampal ni Anne. Napahiya si Tristan dahil maraming tao sa atelier ng sikat na designer.

Nagkataon pa ngang may mga negosyante­ng kaibigan siya na naroroon din dahil ang anak o asawa ay nagpapatah­i ng gown at sinamahan lang nila ang mga ito.

Napatiimba­gang na lang si Tristan. Tiniis ang kahihiyan. Ayaw magalit kay Anne dahil kasalanan din naman kasi niya.

Saka alang-alang sa anak nila, lagi na lang siyang magpapasen­siya kay Anne. Okay lang din naman kasi kung siya lang ang sasaktan ni Anne.

Huwag lang si Lorea.

(ITUTULOY)

 ??  ?? “Your baby is strong,” sabi ng doktora habang ginagawa ang ultra sound sa ipinagbubu­ntis ni Anne.
“Your baby is strong,” sabi ng doktora habang ginagawa ang ultra sound sa ipinagbubu­ntis ni Anne.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines